Martes, Pebrero 11, 2014

KAN: Chapter 7

"Hindi na virgin mga mata ko, Hinding hindi na virgin ang mga mata ko." 





I keep on murmuring those words








Andito ako ngayon sa canteen. Well hindi pa naman sa canteen,sa may pintuan pa lang naman. Hindi ko napigilang mapasinghap sa dami ng tao na nasa loob ng cafeteria ngayon.



Napatingin ako sa may pilahan at sobrang dami ng nakapila para bumili ng food!




Pero ano pa ba ang saysay kung bakit Georgina the Goddess ang pangalan ko? Kaya naman dumiretso ako sa pinaka unahang linya at sumingit sa isang nerd na lalaki na mukhang nalaglag na ang panga ng makita ako.




"Dito na lang ako ha? Salamat!" Ni hindi ko na nakitang tumango ang lalaki dahil sa humarap na ako sa tinderang kumukuha ng order.




"Isang two piece chicken nga na hot, isang large na fries, dalawang serve ng siomai, yung maraming patis at chili sauce ate ha, isang order din po ng spaghetti at isang extra rice. Isang menudo na lang po at  hmmm.. at dalawang..."



Di ko na natapos ang sasabihin ko ng may isang oh so gwapong nilalang ang lumapit sa akin at kinalabit ako.



"yes?" I asked him. Baka hihingin niya Instagram ko!


"What's your name?"



I extended my right hand to him kaso eh tiningnan niya lamang, after some minutes eh hindi niya tinanggap kaya napahiyang binaba ko na lamang,


Gwapo nga siya, masungit naman. La epek na kagwapuhan niya kung lasang hasang naman ang budhi.




"Hi I am Georgina the Gorgeous. How may i help you?"




"Ah you are the new student." He said.



"Ah yes?" Bakit ba laging may tag line sa pangalan ko na New student?




Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. At di ko napigilang mapalunok. Tagos sa optic nerve naman tong lalaking to makatingin sa alindog ko!




"Alam mo bang kanina pa ang mga taong ito nakapila sa likuran mo? Hindi mo ba alam ang salitang Fall in Line?"



"Iniinsulto mo ba ako?"



"Bakit naiinsulto ka ba?"



"Hoy Mr. FYI, I asked this guy if pwede ako dito and he said yes!" Sabay turo ko sa lalaking napapatingin na lamang sa amin.




"Talaga bang nag yes ka sa kanya?" Humarap ang antipatikong ito sa nerd sa likod ko.



Napapa iling na napapatango naman ang nerd. I dont know how he do it, but it was amazing!! Matry ko nga mamaya sa bahay!




"See? hindi siya nag oo!"




"Sino ka ba para sermunan ako?! I can do whatever I want dude so fck off!"




Please naman, di ba pwedeng matapos na ang sigalot na ito? Gusto ko lamang kumain na dahil gutom na gutom na ako!!




"Di ka lang pala attention seeker, mang-aagaw ka rin eh nuh?" Sabi ng bubuwit na ----




"Oh my god! Ikaw na naman bata?!" I shouted.




"Hindi nga sabi ako bata eh!"




"k."




"Magkakilala kayo?" The guy asked.




"Hindi at ayokong kilalanin siya! Pangit na nga siya bata pa! I was asking her nicely kanina pero tinalikuran niya lang ako! NI HINDI NIYA MAN LANG SINABI NA ANG SEBASTIAN NA HINAHANAP KO AY BUSY PALA SA PAG GALUGAD NG PUGAD NG IBANG BABAE! Huh! At talagang sa office niya pa ginawa ang milagro niya! Inutusan pa akong bumili ng pagkain, pero gago siya dahil mamuti man ang pink na uwak ay hindi akosusunod sa kanya!"




"Akala ko ba bakla si Seb?" I heard someone say.



"Hindi siya bakla. Ganoon na ang pagsisid niya, kitang kita ng dalawang malalaking mata ko, do you think ang isang maninisid na malalim sumisid ay bakla?"




"What the fck are you talking about?!!!" The guy asked




"Na ang school president ninyo or lets say natin ay may ka, you know.. sa office niya!"




Napatigil ako ng tumawa ng malakas si bubuwit.




"Anong pinagsasabi mo? Si Sebastian Madrigal? eto siya nasa harapan mo!" Bubuwit




"what?" Napatigil ako.




Lalo na nung winagayway ng lalaking tinawag na Seb ang ID niya sa pagmumukha ko.




"Ikaw?....Pero....Pero"




"Look Miss, hindi ako ang taong nakita mong may ginagawang katarantaduhan sa office ko. I dont know if you are saying the truth---"



"hindi ako sinungaling Mr!"



"Yes okay. Chill. Pero baka isa sa mga kaibigan ko ang nakita mong nandoon."




"Baka si Vash!" Singit ni bubuwit



"oh that wasn't me Skye, Ako na lang ba palagi ang napaparatangan ng di ko naman nagawa?." A guy suddenly came kasama ang isa pang lalaki.



"Well, obviously that was not me either." The guy with Vash said.





"Oh Crap. It was Hiro I think!" Skye




"Yes? I heard my name." And the guy who cause chaos came.




Humarap siya sa akin at sa tray na hawak ko.




"Ang tagal mo ha. Napanis na ang laway ko sa paghintay ng fries ko! Gusto mo pa atang hindi mapirmahan ang detention letter mo."




"Ikaw yung lalaki sa loob..." I concluded





Napatingin siya sa paligid niya. At pawang lahat na ng tao ay nakatingin sa amin.




"Ah, yes? What's happening here?" He was confuse.




At ng sinabi niya na siya nga ang lalaking iyon eh isa lang ang conclusion diyan. Nauto nya ako, napaniwala na siya ang SC Pres. Pinahiya niya ako sa lahat ng tao dito!



"Yung fries mo ba?"



hinawakan ko ang large fries at tinapon sa pagmumukha niya.



"eto isaksak mo sa ngala ngala mo ang fries na to. Gawin mo na ring palaman ang siomai na to, at pansahog ang spaghetti na to, gawin mo nang appetizer ang menudo at ang main course, etong dalawang manok. Yan, isaksak mo sa bunganga mong hayop ka!"



Isa isa kong tinapon sa pagmumukha at sa ulo niya ang mga pagkaing inorder ko.




"Heto sukli mo. Gawin mong desert. Gago ka!"





And I Georgina Almira Apelyido is now frantically mad na kahit ang pag erupt ng bulkang mayon at pinatubo ginawang duo ay di makakapantay sa galit na nararamdaman ko ngayon!




"And for your bill?" Hinampas ko sa pagmumukha niya ang tray na hawak ko. Sa lakas ng pagkakahampas ko ay natumba si Hiro.



Forget about my poise, forget about my name, forget about this damn school, forget about my reputation, forget about the detention, forget about my dad, forget about changing for  good, forget about Georgina the Gorgeous dahil kapag ako nagalit, the devil inside of me comes out.








1 komento: