Linggo, Agosto 11, 2013

KAN: Chapter 1

Chapter 1



Kanina pa sinisilaban ang puwet niya sa kakaupo. Bagot na bagot na siya sa pakikinig sa sermon ng ama niyang si Retired Lieutenant Colonel Salvador Apelyido. Kanina niya pa gustong tumayo at umalis na sa pamamahay nila para pumasok. Tiningnan niya ulit ang orasan. 20 Minutes late na siya sa First Subject niya at alam niyang di na niya iyon papasukan pa. Alam niyang kahit humihigop ito ng kape habang nakatingin ang mga mata sa dyaro ay pinakikiramdaman siya nito.


Ayaw niyang mas magalit ang ama sa kanya. Masuwerte pa nga siya dahil kahit napaka sakit niya ng ulo sa kanyang ama ay kailanman ay hindi siya nito pinagbuhatan ng kamay. Palaging grounded at allowance cut lamang ang parusa niya. Konting sermon, pero iba na ngayon. Mas malaki ang kasalanan niya dito.



Ulila na siya sa ina at ang kanyang nag-iisang kapatid na lalaki ay may asawa na. Ang Kuya Wyatt niya. Siya, ang kanyang Ama at dalawang kasambahay na lamang ang kasama niya sa bahay nila.



Her name is George. Short for Georgina Almira Apelyido. She's now 20 years old and still on her first year in college. And why is that? Nahirapan kasi siyang hanapin ang course na nababagay sa kanya. She was only 16 when she first entered college. Biology ang first course niya, na nasundan ng Nursing, sumunod ang Masscom, Business Ad and now, Advertising at plano na naman niyang magpalit ng course! Hinayaan lamang siya ng ama niya ng una dahil nga sinabi niyang nangangapa pa siya. Pero dumating sa isang point na nagsasawa siya kaya di na niya pinagpapatuloy pa. At pinagalitan na siya ng ama niya.



Napatigil ang pag-iisip niya ng alibi para malusutan ang ama ng nagsalita ito.



"Naturingan ka pa namang babae pero ikaw pa itong nananagasa ng nananahimik na poste." Simula nito.



kasalanan ko bang tatanga-tanga ang DPWH o Meralco at di nila nilagyan ng sapat na warning ang dinadaanan ko? 


Yan sana ang gusto niyang isagot sa ama ngunit itinikom na lamang niya ang kanyang bibig.




Yumuko siya pero agad din naman siyang napa upo ng maayos ng sumigaw ito.



"Umayos ka sa pagkaka-upo at di pa ako tapos sayo!"


Kahit na retired na ito sa serbisyo ay dala parin nito ang otoridad sa pamamahay nila.




"Ah..Salvador, baka naman gusto mo munang pakainin si George? Alam kong gutom na siya."



Napatingin siya sa kanyang yaya na nakatayo sa gilid niya at tipid siyang ngumiti dito.




"Kaya lumalaking walang patutunguhan ang buhay kasi naman binebeybi mo pa rin. Tingnan mo nga! Bente anyos na siya pero nasa kolehiyo parin. Nakakahiya! Ang mga kaklase niya noon, kung di nagtattrabaho, kumukuha ng masteral. Eh siya?" Sabi ng kanyang Ama.



Sawa na siya dahil kada sermon nito ay ito lamang ang dinadakdak nito. Ang patutunguhan ng buhay niya.




"Kung di papalit palit ng course eh, papalit palit ng kasintahan. Binibigyan niya talaga ng kahihiyan ang pamilyang to. At halos gabi-gabi pa kung laman ng mga bar at kung makawaldas ng pera akala niya pinupulot ko lang ang pera. Aba naman Almira! Kailan ka pa titino??"




"Dad naman eh. wag kang highblood masama sa katawan mo yan. Matino naman ako ah?"




"Anong matino sa pinaggagawa mo ha Almira? Nangcarnap ka ng sasakyan kagabi tapos binundol mo pa sa poste. At lasing na lasing ka! Sabihin mo nga sa akin, gawain ba ng matinong babae yan?"



Napatingin siya dito. Kapag tinawag na siya nito sa ikalawang pangalan niya na pangalan ng nanay niya ay alam niyang galit na galit na ito. At kitang kita niya ang mga ugat nito sa leeg.




"Di ko naman po kinarnap Dad. Hiniram ko lang naman eh. May naghamon sa amin ni Louresa."





"At isa pa yang lintik na kaibigan mo. Kailan ba kayo titino? Di na kayo bumabata. Alam mo bang di na rin alam ng ama ni Esa kung anong gagawin niya doon sa kaibigan mo? Ako rin Almira. Di ko na alam gagawin ko sayo! At ano na namang alibi ang gagamitin mo ngayon??"



"Paano naman kasi Dad kagabi habang sumasayaw kami ni Esa ay may humipo sa pwet niya. Then those guys tried to hit on us. Hinamon pa nila kaming magkarera. Huh! Di ata nila alam na anak mo ko. Anak ako ni Salvador Apel---"



Bago pa niya madutungan ang sasabihin ay sinapok na siya ng ama sa ulo gamit ang tinuping dyaryo. Nanahimik siya. Tama naman kasi ang rason niya. Hinamon sila ng isang grupo ng mga kalalakihan na magkarera. At ang price? Kung mananalo sila ay kukunin niya ang Audi R8 ng kalaban niya at kung matatalo sila ay makikipag one night stand siya sa may-ari ng Audi R8. Sakto namang palabas na sila at tinatanggap na niya ang hamon ng makita niya ang lalaking humipo kay Esa. Nilapitan niya ito lalo na ng magandahan siya sa sasakyan nitong Mercedes CLA 250.



Hiniram niya ang sasakyan nito using her charms at ang hudyo nahulog sa kamandag niya! Okay na sana ang laban. Lamang na siya at malapit na siya sa finish line ng di niya nakita ang signboard sa gilid niya. She tried to stop the car pero dahil over speeding siya ay tinamaan pa rin niya ang kawawang poste.



Natalo siya and much to her dismay ay patong patong ang kaso niya. Reckless Driving, Over speeding, Carnapping, Drunk driving, dangerous driving, and worst ay nagpalipas siya ng magdamag sa rehas. Kaya di niya masisisi ang ama kung sobrang galit na ito. Pasalamat na lamang siya at ng dahil sa mga koneksyon nito ay di siya nasampahan ng kaso at pinatulog lamang siya ng magdamag doon. Palalayain na sana siya ng mga pulis kagabi. Ngunit dahil sa hiling ng ama niya na panatilihin siya sa loob ng kulungan ay naranasan niya rin ang malamig na rehas.




"Sana naman ngayon ay magtanda ka na ha Georgina?" Maya-maya ay malumanay na sabi ng ama niya.



"Sa inyo lang naman ako nagmana Dad ---" Bago niya pa madutungan ang sasabihin niya ay nakatikim na siya ng famous "Tiger Look" nito kaya naman nanahimik na lamang siya.



"Sigurado akong di na uulitin ni George iyon Sir!"



"Opo dad. Di na po. Magpapakabait na po ako."




"Ayoko na maulit ito George."






"Yes dad I promise." tumayo na siya at lumabas ng bahay.






Pagkarating niya ng school ay agad siyang lumabas sa sasakyan niya. She hated her new school. Wanna know why? Ito kasi ang Alma Mater ng Kuya at Mom niya na kilalang-kilala noon sa mga kapanahunan ng mga ito. Her brother was a Student Council President. Summa Cumlaude, had his masteral at Harvard University and now a successful businessman at France. Spoiled na spoiled siya ng Kuya at asawa nito. Kung siya nga lang masusunod ay doon niya gusto manirahan kasama ang kuya niya kaso si Daddy niya ang ayaw.



Habang nasa corridor siya ay nahawi ang dinadaanan niya. Halos lahat ng nadaanan niya ay napapatingin sa kanya. Well sino nga ba hindi? She's the Goddess of Beauty. She's pretty, rich, and hot. She's Georgina. Kahit na papalit palit siya ng course ay di pa rin nawawala ang alindog niya. Isa siya sa mga kinikilalang estudyante sa school nila noon. Pero dahil nagtransfer siya ng school ay feeling niya outcast siya. Di na siya nagulat ng may mga sumipol at may napapasinghap ng dumaan siya.



Di rin lingid sa kanya ang mga pares ng matang nagtatanong, may ibang nagtataka at mayroon ring tumataas ng kilay. Sanay na siya sa mga klase ng taong ganoon at hindi na big deal iyon. Alam niya kasi na some of them wanted to be in her shoes kaya di nila mapigilang humanga.



She has an attitude, she's a brat, and she's proud of it. Sunod siya sa luho niya lalo na sa kuya niya. She's a party goer, she's bitch, she's a playgirl and a flirt sabi ng lahat. But the truth is, hindi siya ganoon. Oo party goer siya, she's outrageous and open kaya marahil na misinterpret ng iba ang ugali niya. She had lots of suitors and boyfriends. Pero ni isa nun ay di niya sineryoso. Meron din naman, pero di niya lang talaga pinagtuunan ng pansin.



"OMG. Newest bag of Hermes!" Napatututop ang bibig ng kaibigan niya or more like "Alalay" ng makita ang bag niya.


"Is that a dress from Christian Dior???"



Napangiti siya. Alam niyang ang fashion style niya palagi ang dahilan kung bakit kahit saan siya magpunta ay nandoon ang alalay niya. Sina Candice at Taine.



"Yes. Pretty isn't it? Galing pa itong France. My kuya actually bought it personally."



"And Nina Dobrev actually have this one also. Lima lang kayo ang may ganitong style. Limited edition ito ng Christian Dior for their Summer Collection. You're so lucky girl."



"I know right!" Pagsang-ayon niya



"Anyways, George. Is the party still on?" Taine



"Yes! May reason ba para hindi?"



"Nothing! I know if you pulled something, it will surely end well. Your party will be the biggest party ever held in this entire university and even outside the campus. You're party is the talk of the town George. Paano naman kasi hindi eh almost all Universities ang dadalo so every rich college students ang nandoon. At marami pang sikat!!" Candice


"That's why I'm planning on making it a blast bitches!" Sagot niya



"What are you planning? Kasama ba ako doon?"



Di na niya kailangan pang lumingon kung sino ang nagsalita. Its her best friend Esa!




"You're late Es." She scolded her



"No I'm not. I'm actually behind you. Di mo lang ako napansin!"



"And here we come girls. Lets make our stay here a memorable one! Forever Four Bitches. forever Sisters!!" Candice



Natawa siya lalo na ng niyakap sila ni Candice. All she can do is to smile and hug them back..



--


Late na siya sa second subject niya. When she entered her classroom ay all eyes na naman ang mga kaklase niya. She didn't mind at all dahil sanay na siya. Napatigil naman ang Prof niya sa kakasalita ng walang pakundangan siyang rumampa at pumunta sa gitna para ibigay ang RF niya sa nagulat na Prof.



She cleared her throat ng lumipas ang isang minuto na tinitigan lamang siya ng Prof. At dahil wala ata sa huwisyo ang Prof ay naglakad na siya papuntang bakanteng upuan sa may unahan.



"Last name?"



Napaharap siya sa prof niya ng tinanong siya nito.



"Apelyido." She answered



"Last name mo Miss."




"Apelyido."





Nairiita siya lalo na ng nagtawanan ang mga kaklase niya.





"What I mean is, Anong apelyido mo Hija." Prof





"I said. Apelyido. Do you have a problem about that?"




She glared at the prof ng ngumisi ito. At tiningnan niya rin ang mga kaklase niya. Agad naman tinikom ng mga ito ang mga bibig. She hate her Last name. Kung pwede nga lang na dalhin niya ang last name ng kanyang Ina ay ginawa na niya.




"So You're Georgina Almira Apelyido." Anang Prof niya habang binabasa ang RF niya.




"yes."





"Do you mind introducing to class your name Georgina?"





"I do mind." Tipid niyang sagot





"But everyone wants to know you better. So tell us about yourself."




She rolled her eyes. If she only knew. Gusto lang siyang makilala ng Prof niya. Hindi na iba yan sa kanya,.





"ANGAS. MAGANDA SANA KASO SUPLADA." narinig niyang sabi ng kaklase niya sa likod.





She stood up. Pa special mention at pa importante lang talaga siya kaya sinabi niya yun kanina.






"I'm Georgina Almira, I'm rich and famous."




She ended what she said and she went back to her she had seated.




Habang nasa gitna ng discussion ay may kumalabit sa kanya. Hinarap niya ito.




"Uhmm. Ikaw yung George right? The one who will throw a party later?"





"Yes." Pagkasagot niya ay humarap ulit siya sa harap, but then again kinalabit siya ulit ng taong nasa likod.





"I am just wondering if is it true that everyone is invited?"




"Yes. Di mo ba nabasa ng maigi sa message? They even posted it on Facebook, and even trend on twitter with the hashtag #GCoolestParty"





"Wow, so you're the famous G. I'm your fan!!!!"





"Hindi ko alam ganoon na pala ako kasikat? Anyways, you wanted my autograph?"




Hindi na niya pinasagot ito, bagkus ay kinuha niya ang notebook nito at pinirmahan, sabay lagay ng labi sa notebook nito para dumikit ang lip tint niya.




"There you go."






As soon as she handed the notebook, she winked at him and the poor guy just collapsed, and after a span of seconds bigla na lamang natumba ito.




Ohhhhh God! Ganito na ba talaga ako kaganda at pati ang pobreng to nahimatay sa munting kindat ko??! Thank You Lord! Ubod na kami ng yaman, mas bonggang biyaya pa ang binigay mo, itong kagandahan ko!! <3

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento