Napakurap siya ng ilang beses sabay hawak sa may bandang dibdib niya. She tried to compose herself.
"O-okay lang ako."
"Ano ba namang katangahan ang ginawa mo? Sabi ko AB313B at hindi sa USC."
USC stands for University Student Council..
"Sorry ha? Di ko naman kasi po alam ang mga lugar dito diba?"
"Pero seriously girl. Nakaharap mo talaga sila?"
"Sinong sila?"
"Yung apat na nag gagwapuhan at mga mayayamang estudyante dito sa University. Alam mo bang sikat sila."
Napaharap siya sa kaibigan niyang si Iris na nasa likuran niya.
"Ano pang mga alam mo tungkol sa mga yun?" Siya
"Well, konti lang naman, if F4 exists, sila ang halimbawa."
"Bully sila?"
"No they're not, pero madalas sila magpa-iyak ng mga babae. Lalo na yung parang leader nila. Si Vash Hendrick Andrade. A Business Ad student and he's on his 4th year na. Alam mo bang, maraming nagkakandarapa doon? Yay! Kinikilig ako sa kanya! At si Hiro Montecillo, yung sikat na singer! Sheytt! Gwapo niya rin at ang sarap pakinggan ng boses niya. At si Warren Rafael Villalobos, anak ng Presidente natin! Mabait daw yun kaso may girlfriend na, at ang pinaka crush ko sa kanilang lahat! Si Seb Madrigal! KYAAA! Napaka talino niya!"
"Si Seb ba yung president ng USC?"
"Yes Sister! At tsaka, sa apat na yun, siya lang yung di na li-link ng bongga sa mga babae. Kaya nga gustong gusto ko siya kasi napaka mysterious at hindi siya playboy!"
"At paano mo nalaman ang mga to?"
"Hello! Di mo ba alam na may fanpage sila sa facebook? At umabot na ng 400 000+ likes ang page na yun. Doon ko nalaman ang lahat sa kanila!"
"Ganoon ba?"
Nagsimula na silag maglakad ng hinigit siya ni Iris at pinaharap dito.
"Ganoong-ganoon nga, so ano? gwapo ba talaga? Shet! Sana ako na lang ang napadpad doon!"
"At bakit?"
"Para naman nakita nila at nakilala nila ako."
"Di na ako magtataka kung maraming babae ang nahuhumaling sa mga yun."
"WAG MONG SABIHIN NA NAGKA-CRUSH KA NA SA ISA SA KANILA??"
Nakakuha sila ng atensyon ng sumigaw ito. Pinandilatan naman niya si Iris.
"Hinaan mo nga boses mo! Tsaka masama bang magka-crush sa isa sa kanila?"
"Hindi naman, basta wag lang si Seb kasi akin siya."
"Paano kung si Seb nga?"
Napatigil sa ere ang hawak na burger ng kaibigan sa wari niya ay kakagatin na sana ng huli.
"Promise! Papatayin kita." Seryosong sabi nito
Napa-awang ang bibig niya. Ngunit nangunot din ang noo niya ng magsimula na itong tumawa.
"G*ga! Do you think magagawa ko iyon sa iyo?!"
"Pinakaba mo ako dun Iris!" Singhal niya dito
"Kung gusto mo din siya edi hati tayo, Hating kapatid dapat."
"Oo may crush ako sa kanya." Amin niya
Wala rin namang silbi kung magde-deny siya dahil alam niyang sa huli at huli ay malalaman naman ni Iris na may napupusuan siya.
"How come?" Nangungunot na tanong nito
"Bakit?"
"Eh hindi naman kasi kagaya ni Seb ang type mo. Yung gusto mo mga rugged, yung parang di pa naliligo sa gulo ng buhok, yung parang kulang na lang magdamit pang kulto para masabi mong kulto, yung makatingin pa lang, parang may laser sa talim."
"Oyy hindi naman, rugged type, yung badboy yun lang, tsaka di naman lahat pag nagka-crush ka puro physical attributes diba? Basta, there's something about him that made my heart pump faster which is very rare for me kapag nakakakita ako ng crush ko. There's something about him that I want to discover. There's something about him that makes me feel this way."
"Parang iba na yan ah, hindi na ata crush yan kundi love, kung ganoon naman pala eh, pinapaubaya ko na si papa Seb sayo, kay Papa Vash na lamang ako, pero seryoso, crush lang ba talaga yan?"
Napatitig siya sa kaibigan at nakaramdam ng kahabagan at pagkalito.
"Ano ka ba? Don't be silly, crush lang to. Ako pa magseseryoso?Of course, infatuation lang to at mawawala rin."
"Kasi girl, may tsismis na kaya daw walang gf si Seb ay dahil bakla siya. Pero syempre di ako naniniwala, well, medyo lang, mga 2% naniniwala akong bakla siya."
"Ohhh God! Really Bakla siya?" Di niya napigilang mapasinghap.
"Oo, at may tsika ha, kaya daw siya nasama sa tatlo para maitago ang pagka bakla niya, tsaka mayaman din naman kasi si Seb kaya close silang apat. tanggap daw naman ng tatlo ang kasarian niya dahil magkakaibigan na silang tatlo since they were young."
"Sayang naman kung bakla siya."
"Sayang talaga, kung pwede nga lang, ako na gagawa ng paraan para maging lalaki lang ulit siya."
"G*ga. Ang pagiging bakla hindi masama basta ilalagay mo lang sa lugar, kapag bakla ka, hindi mo na mawawala sa sistema mo yan pero may mga magagawa ka para magbago, at kailangan ni Seb ng pagbabago."
"Anong pagbabago?"
"Na mawala ang kabaklaan ni Seb."
Huli na niya napagtanto na ang nagtanong sa kanya ay hindi si Iris ngunit nanggagaling sa isang baritonong boses. Napaharap siya sa likod upang mapasinghap lamang.
Standing at her back, was no other than, Sebastian Madrigal...
She's dead.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento