A/N: Sana may machine recorder utak natin nuh na kung ano yung ideas na pumasok sa utak natin or isang memory, i-pepress lang natin ang record button para matandaan natin. Imposible
**
Lahat na ata ng santo dinasalan ko na ng dinala na naman ako sa police station because of the "stunt" I did I prayed not because I'm scared to rot in jail dahil alam kong di mangyayari yun kundi natatakot ako sa sasabihin ni Dad Of course I didn't do it! I didn't set the fire and burned down all the weeds in my building causing people including me and the cops to hallucinate and be high for a while!
Hindi ako ganoon ka bobo para gumawa ng ganoong idea, at mas lalong di pumasok sa utak ko na gumawa ng bagay na yun, oh well, di ko naman talaga ginawa. -__-
Someone tried to ruin my party and they succeeded. I never used illegal drugs for Pete's sake kahit na ganito ako ka party whore. Takot ko lang kay Daddy kapag nalaman niyang gumagamit ako.
And yes, he knew what happened last friday night. The night of my party. And I know I dissapointed him BIG TIME.
Mas gugustuhin ko pang sigawan ako ni Dad, or worse saktan kahit alam kong di niya kayang ipadapo ni hinliliit niya para lang magtino ako, gugustuhin ko pang, sermunan niya ako, patayin sa mga makamandag, at nakakahindik na tingin niya, wag pakainin ng isang araw wag lang yung ganito. Wag lang yung, di niya ako kinikibo, yung di niya ako tinitingnan, yung di niya ako sinisigawan. Kasi nasasaktan ako dahil alam kong nasasaktan ko siya.
Did I really hit the big nerve this time?
Pero alam kong, inosente ako, kahit ipa-drug test nila ako, which is not the best idea right now ay ni katiting na ilegal na droga wala akong nilunok o sininghot.
Pero at the same time, nanlulumo rin ako, nanlulumo kung gaano ka kitid ang tingin nila sa akin. lalo na ng ama ko. Did he really thought I really use drugs? Nakakasakit lang na yung taong importante sayo, walang tiwala sayo, and now even my dear brother, akala niya gumagamit din ako ng droga. Hayyyy!
Nawala ang lahat ng iniisip ko ng pagtingin ko sa harap ko ay naka upo na ang ama ko sa pwesto niya sa mesa habang binubuklat ang newspaper. Minsan may pagka ninja din tong ama ko, maybe because he himself is a retired general of AFP. Di pa din niya ako pinapansin. Sh*t! Pangtatlong araw na niya akong di pinapansin!
Natakam ako ng nilagay na sa mesa ng mga katulong ang agahan namin. Natakam ako ng bongang-bongga dahil halos lahat ng pagkain ay paborito ko.
Pero alam kong ni isang hiwa ay di ako makakatikim kaya naman binusog ko na lamang ang mga mata ko sa kakatitig sa bacon, omelet, at iba pa. Inayos ko rin ang pagkaka-upo ko dahil alam kong mahigit sa dalawa ang mata ng ama ko at baka mapagalitan pa ako mamaya dahil hindi tama ang pagkaka-upo ko. Iniiwasan ko rin magbuntong hininga at mag-ingay sa kadahilanan ngang natatakot ako kay Dad.
Aabutin ko na sana ang baso ng tubig dahil feeling ko, bumabara ang laway ko sa lalamunan ko at para na rin tumigil sa kaka-ingay ang tiyan ko ng tumikhim si dad.
Literal na inayos ko na naman ang pagkaka-upo ko at binalik ang kamay ko sa lap ko.
Pero feeling ko, nagkaroon ata ng himala ng magsalita si Dad. As in SERYOSO??
"Bakit di ka pa kumakain George?" Dad asked
"P.....po?" Di ko napigilang ma-utal.
Wala bang sermon or something? Di pa ba , end of the world for me?? Did my dad woke up in the wrong side of the bed??????? Or baka naman, humuhugot muna ng tyempo si dad bago mag Super Saiyan??
"Ang sabi ko, bakit di ka pa kumakain? Pawang mga paborito mo ang nakahain ah?"
"Ahhhhh.....Ehhhhh...O....opo!"
Sumandok ako agad agad ng soup, kasunod ang kanin at omelet.
Nakaka ilang subo na ako ng magsalita si dad.
"May gusto ka bang sabihin George?"
Sabi na eh. syempre hindi yan mapapalagay ang ama ko sa pagpapalampas ng nagawa ko.
"Ah kasi dad....----"
I am trying to find a good excuse when he speak again
"Bakit mo itinago sa amin? Bakit mo hinayaan na isipin namin na winawaldas mo sa gimik at sa mga walang patuturan na bagay ang binibigay naming pera ha George? Bakit mo itinago sa amin na may negosyo ka? Na may bahay ka na? Bibiglain mo na lamang ba ako George isang araw at mag-aalsa balutan ka na lamang? Sawa ka na ba sa lahat ng sinasabi at pangangaral ko sayo kaya itinago mong nakapundar ka ng building mo? Para rin naman sa ikaka ayos mo ang ginagawa ko dahil iyon lang naman ang kagustuhan ng namayapa mong ina ang mapabuti kayong mga anak namin. Saan pa ba ako nagkulang Georgina at bakit di mo sinasabi ang mga bagay na ikakagayak ko?"
Napangiwi ako sa mga sinabi ni Dad, Diyos ko! Nakaka umay! Hinanakit at tumataginting na sama ng loob at hindi galit at sermon ang sinabi ni Dad at ngayon lamang siya naging ganito!!!!
Tsaka? Ikakagayak???? It means Ikakasaya diba? Minsan di ko ma gets ang sinasabi ni dad, masyadong makaluma! -_-
"Kasi dad..."
Paano ko ba sasabihin sa kanya na kaya di ko sinabi sa kanya ang ibang aktibidades ko dahil sa gusto kong my ma achieve ako na walang tulong nila? Na kaya ko rin maging successful at magiging proud sila sa akin?
"Alam mo bang masaya ako Georgina? Kasi akala ko sa bawat hithit mo ng sigarilyo mo, sa bawat lango mo ng alak, sa bawat pagwaldas mo, di mo inisip na pinaghirapan namin yung pera para sayo, para guminhawa ang buhay mo, pero eto pala malalaman ko na literal na gumapang ka sa wala para umunlad ang negosyo mo. Wala ka bang tiwala na, susuportahan kita?
Masarap isipin na sa batang edad mo ay may kaya ka ng bumuhay ng sarili mo. Pero bakit hinayaan mong isipin namin na walang pupintahan ang buhay mo? Bakit nagpapalit-palit ka ng kurso kung ang matagal mo na palang gusto ay ang mag business? Nahihiya ako dahil hinusgahan kita agad anak."
Lumambot ang ekspresyon ni dad. Na parang iiyak ilang saglit kaya nilabas ko ang cellphone ko at pinicturan siya,
Nangunot naman agad ang noo ni Dad lalo na ng ngumiti ako hanggang sa tumawa ako ng tumawa.
"Sh*t Dad! napaka epic ng pagmumukha mo. Hahahaha! Shet . Ang sakit ng tiyan ko. Epic na epic dad!-"
Ngunit agad din naman ako ng tumahimik ng pagtingin ko kay dad ay akala mo sinaniban siya ng masamng espirito sa sakit ng titig niya.
"Akala mo ba nagbibiro ako Georgina Almira?"
"Sorry dad, ngayon lnag kasi kayo-"
"Kaya nga nilulubos-lubos ko na ang speech ko dahil alam kong di pangkaraniwan sayo na marinig akong proud ako sa anak ko!"
Lumabas na naman ang mga litid ni dad sa leeg niya kaya naman napatahimik na talaga ako.
"Dad, kahit na kasumpa-sumpa ang ugali ko, kahit na kasuka-sukang malaman na anak mo ako, kahit na nakakadiri ang pagpapalit-palit ko ng jowa ko, gusto ko lamang po na magng proud kayo sa akin in my own little ways, gusto kong tumayo sa sarili ko na walang tulong mula sa inyo, at di ako gagawa ng isang bagay na makapagsasama ng loob mo, which I do everyday but what i really mean dad is, na kahit napaka iresponsable ko, na kahit sakit ako sa ulo,, may mga bagay rin naman akong ginagawa para sa ikaka-proud niyo at kahit laman man kami ng gimikan kada araw ay alam naman namin ang limitasyon namin. alam kong ayaw mong mag drugs ako which is i never did, well yung sa party-"
Napatigil ako sa kakasalita ng sumingit si Dad.
"Alam ko na ang katotohanan George nagpa imbestiga ako at wala kang kasalanan sa nangyaring pagsunog ng damong iyon. Dahil gusto kong malinawan, dahil kilala kita, alam kong di ka adik, sakit lang talaga sa ulo. Tsaka may tiwala akong di mo kagagawan iyon kaya para mapanatag ako, nagpa imbestiga ako.I hope you don't mind hija."
Awwwwww, ang sweet ng tatay ko. Kaya naman tumayo ako at lumapit sa kanya at hinug siya.
"Alam mo naman na kahit sakit ako sa ulo, mahal kita at di ko hahayaang masira ang iningatan mong last name natin, which is ... errr. Apelyido.."
Di ko talaga gusto ang LAST NAME KONG APELYIDO! -_______-
"You know that i love you too Hija and all that I ever want is whats best for you, what's best for you and your brother dahil mananatili kayong mga anak ko and you'll always be Daddy's baby girl."
"Awww dad. Don't worry, even if I grow up to be a fine, pretty and hot lady, I will always be your baby love, and of course you're baby girl."
"Kahit na nakaka-ilang bf ka na?"
"Dad!!!!!!"
Di ko alam bakit napasok sa cheeeeeeeeeeeeeesy moment namin ang mga lalaki ko.
"Minsan anak, sa dalas ng pagpapalit mo ng boyfriend eh di ba pumasok sa utak mo na ipakilala ni isa man lang sa kanila sa akin paranaman makilatis ko?"
I know my dad was only joking! Yun pa? Baka pag nagdala ako ng lalaki sa bahay ay baka di na makauwi ng buhay ang kawawang boyfriend ko "kuno"
"kasi dad, di ko pa naman nakikilala ang lalaking magpapatibok ng puso ko. Charot! Hayaan mo pagnakilala ko, dadalhin ko agad dito at ipapacheck ko sayo kung pasado."
"Basta George, your limits. no kissing, no make outs and especially....errrr....Well, kissing and well uhm, make out is just fine but------"
I know its an awkward topic kaya sumingit na ako.
"Don't worry dad, Virgin pa ako." I winked.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento