** 20 WAYS TO WIN YOUR EX BACK
STEP 6: PREPARE AND USE THE PAST FOR YOUR ADVANTAGE.
Flashback..
Sumilong siya sa gusali ng Fourth Year building dahil sa malakas na ulan. She haven't brought her umbrella ng pumunta sila ng mga kaklase niya sa Computer laboratory for her last subject class in the afternoon. Siya ang naka tokang magpatay ng mga computers at aircon kaya nahuli siyang maka uwi.
Nawili siya sa paglilinis at di niya namalayan ang oras. Tiningnan niya ang kalangitan. Duda siyang titila pa ang ulan. Akmang tatakbuhin na niya sana ang daan pabalik sa main classroom nila ng mahagip ng mga mata niya si Warren. May kasama itong babae na kasukob nito sa payong. Ang babae lang naman ay ang nanalong Miss United Nations ng paaralan nila last week. Nangunot ang noo niya, lalo't third year pa lamang sila ni Warren at ang babae ay 4th year na.
Sa kanyang kinatatayuan ay kitang kita niyang nagtatawanan ang dalawa habang mabagal na naglalakad patungong covered gym. Parang sinikaran ng malakas ng killer heels ang dibdib niya. At parang may bumikig sa lalamunan niya. Kaya pala hindi siya nagawang hintayin ni Warren kanina sa Lab ay dahil may kasama pala ito.
Pinasya na lamang niyang tumakbo at pumunta sa classroom nila para kunin ang kanyang bag. Tahimik lang siya at nag-iisip. Hindi niya maintindihan kung bakit lumipas na ang ilang minuto ay may nararamdaman parin siyang sakit sa puso niya.
"Kailangan ko na atang magpatingin sa doktor, my heart beats abnormally, ngayon lang nagyari ito.!" Anang isip niya.
Napatigil siya sa pag-iisip ng pumasok sa classrom ang kaklase niyang si Vince.
"Oy Autumn, why are you still here?"
Vince is the team captain of basketball team of their school. Kahit 3rd pa lamang sila ay ito ang napiling Captain. And she had a huge crush on him before.
"Ahm, I cleaned the Lab eh" She's referring to the Computer Lab.
"Bakit pa eh may janitor naman? Ikaw talaga, And why are you soaking wet?"
"Wala kasi akong dala na payong kanina kaya in order for me to be back here ay sumulong ako sa ulan."
"Ikaw! Di ka talaga nag-iingat!" Lumapit si Vince sa kanya at pinunasan ang basa niyang mukha gamit ang towel na nilabas nito sa bag nito. Napalayo siya.
"Don't worry, di ko pa nagagamit ito." Marahil ay akala ni Vince kaya siya lumayo ay inaakala niyang gamit na ang towel.
"That's not what I think."
Napakibit balikat na lamang si Vince. After some minutes..
"Tara, I'll walk you home." Prisinta nito sa kanya.
"Nako wag na. May practice pa kayo."
"No I insist. Tsaka pinauwi na kami ni coach, di naman namin magagamit ang court kasi malakas ang ulan. Tsaka ginagamit din ang covered court ng dance troupe."
Hinayaan na lamang niya ito. Nasa may gate na sila ng may tumawag sa kanya. Si Warren.
"Uwi ka na?" He asked
"Yes. Obvious ba?"
"Tara, hatid na kita." The rain was still pouring heavily.
"Ihahatid ako ni Vince."
Bumaling si Warren kay Vince. "Pare, tawag ka ni Coach Besana."
"Oh?" Vince with a questioning look.
"Yeah, may sasabihin lang daw."
Wala namang nagawa si Vince kundi ang magpaalam na lamang sa kanya. And here she is, with Warren..
"May masakit ba sayo?" Warren asked
Medyo malapit lang ang bahay nila sa school kaya nilalakad na lamang niya.
"Wala."
"Bakit ang tahimik mo? Hindi ako sanay pag ganyan ka."
"Wala."
"PMS?"
She rolled her eyes.
"I am just concerened. May period ka ba ngayon?"
"what??? NOO!" Nahihintakutan nyang sagot.
"so talk to me, di ako sanay na ganyan ka, may problema ba?"
"Ahm..Ano,, ano kasi... nakita ki..I mean, nakita ko kasi... yung ano, yung crush ko.. May kasamang babae."
"So ano naman? Napaka selosa mo naman. Baka naman sinamahan niya lang, or baka kaklase niya?"
She heard her heart beat frantically. "You know my crush?"
"No at wala akong intensyo na kilalanin siya." He said with a serious voice.
Nakahinga siya ng maluwag, akala niya ay nabisto na siya nito na ito ang napupusuan niya.
"Oh bakit nakahinga ka ng maluwag diyan? Bago na naman bang crush mo?" Warren
"Siya pa rin."
Alam ni Warren na may napupusuan siya ngunit di ito kilala ng huli. She deeply breathe again.
"Tagal na niyan ah, siya pa rin pala? Swerte naman niya kung ganoon."
"Naman! Mahal ki.. este, ahm, gusto ko yun eh, Yeah, gusto ko siya talaga!!!!"
"Easy, di mo kelangan ipagsigawan na gusto mo siya, nakakasakit eh."
"Ha?"
"ahm, ano, what I mean is, Masakit, MASAKIT SA TENGA!!!"
"Eh bakit ngayon ikaw naman ang nasigaw?"
"Huh? Ewan ko nga sayo! Oh, andito na tayo sa bahay niyo. Pasok na, babalik pa ko ng school!"
"Sandali, Tawag ba talaga ni coach kanina si Vince?" Nagdududang tanong niya.
Nagtaka siya kanina. Ang sabi kasi ni Vince sa kanya ay pinauwi na ang mga ito ni coach kaya ano pa kaya ang rason ng coach nila na pabalikin at ipatawag si Vince. She looked at Ren again with Tell-Me-The-Truth Look.
"Nagdududa ka ba?"
"Paano kung sabihin kong, Oo"
"Oo na nga lang. Eh sa alam mo naman yun diba? Best Friend mo ako at may karapatan akong ingatan ka. Mahal kita eh!"
"Tala..talaga? Ma....mahal mo ko?"
"Oo kasi nga best friend kita." Warren
Kung kanina ay parang killer heels lang ang naramdaman niyang tumadyak sa puso niya, ngayon ay sigurado siyang, kulang ang saksak sa nararamdamn niyang sakit ngayon.
"Ge bye."
"Oyy. Wait, why are you mad? Did I said something wrong?"
"Uwi ka na!"
"Woah, wait nga!"
Hinawakan siya nito sa siko at pinaharap dito. Napapapiksi siya.
"ANO BA???" Singhal niya dito
"Sandali nga? Bakit ka ba nagagalit sa akin? Dahil ba sa ginawa ko kay Vince?'
"Ano?" Napatawa siya ng pagak.
"Nanliligaw na naman ba sayo ang lalaking yun at may plano kang sagutin siya?"
"Nahihibang ka na ba? At ano bang paki mo?"
"Anything that has to do with you concerns me Adrianna." He said in a serious voice.
Warren calls her by her second name if she said something that can make him feel mad.
"Seryoso ka na ba sa lagay na yan?" She jokingly said.
Hindi siya pinansin ni Warren. He was just looking at her intently. At para mawala ang awkwardness na namumuo sa pagitan nila ay sinundot-sundot niya ang tagiliran nito.
Paraan niya iyon para mapalamig ang ulo ni Warren. But she was surprised at what Warren did afterwards.
He pulled her closer to him. Hindi niya inaasahan ang ginawang iyon ni Warren. All she ever did was to put her hands on his chest to support her body from falling to him. Napatingin siya sa pagmumukha ni Warren.
"Ren?" She asked
"I had kept this feeling of mine for a very long time now Autumn. I swear, I tried my best to hide what I feel, but every time I see you with other guys, I keep on forgetting what I had said. I'm afraid that you'll change the way you treat me when I tell you this, but to hell with that. I am now taking the risks. I wanna court you, no correct me of that, I am now courting you Autumn Adrianna Romualdez and you have nothing to do against it. I will do everything for you to love me. I love you and i don't want to see you with other guys. I love you.."
End of Flashbacks...
Tiningnan niya ang mga litrato nila noon ni Warren and she can't stop her self from reminiscing the past and how happy they were before.
Alam niya sa sarili niyang, may puwang pa siya sa buhay ni Ren. She proved that many times already.
Napabaling ang tingin niya sa isang sealed envelope na nasa kama niya. It was given by one of her bodyguards. Inside of the envelope are the things that can give her ideas and clues about Ren's current girlfriend.
And a decision came into her mind. She will get Warren Rafael Villalobos. By hook or by crook.
And she will start to have him back by remembering their past.
Share your thoughts,
xoxo,
NP
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento