Linggo, Hunyo 2, 2013

HSH: Prologue

Prologue


Agad na napangiti si Seb ng makitang lumabas mula sa gate ng school si Louise. Nagpalinga-linga ito na animo'y may hinahanap at ng makita siya nito ay agad na kumaway at ngumiti ng napakatamis at patakbong lumapit sa kanya.


"Hi! Kanina ka pa?" Malambing na tanong nito. Agad niya itong hinalikan sa labi. Di inalintana na nasa daan sila at maraming estudyante ang tumitingin sa kanila.

"Hindi naman. Happy Anniversary Love." Masuyo niyang sagot at pagbati. Iniabot niya ang napakalaking teddy bear dito na nakapatong sa back seat ng kotse niya. Binigyan niya rin ito ng isang bungkos ng star gazers. Ito kasi ang paboritong bulaklak nito.

Parang sasabog ang puso niya sa kasiyahan ng makita ang naging reaksyon nito. Hindi niya mailarawan ang kasiyahan sa pagmumukha nito.

"Wow. Thank You Love!" May dinukot itong maliit na box sa bag at ibinigay sa kanya.


"Happy first anniversary too Love. I love you so much!!" Pagpapatuloy nito. Umangat ang kamay niya at hinaplos ang maamong mukha nito. Kinintalan niya ulit ito ng halik sa labi but this time ay pinatagal na niya.

Isang taon na ang relasyon nila. He is now fourth year while Louise is on her third year in highschool. Sa tinagal ng relasyon nila ay masasabi niyang ito lamang ang babaeng mamahalin niya.


Louise is a sweet and charming girl. Napakabait nito at napaka masayahin. Lahat ng katangian sa babae na hinahanap niya ay nandito na. At first ay ilag ito sa kanya dahil sa reputasyon niya. Sino ba naman hindi eh, anak siya ng isang sikat na billionaire sa bansa? Pero hindi naging hadlang iyon para ligawan niya si Louise hanggang sa naging sila. Halos lahat ng estudyante sa paaralan nila ay alam at kilala ang relasyon nila. Para sa lahat ay sila ang perfect couple.


Even him and his friends believed that they are the perfect couple. Sa panlabas na anyo ay may ibubuga sila, lalo na sa yaman, nagkakasundo rin sila ni Louise sa lahat ng bagay. At ang importantedoon ay nagmamahalan silang dalawa. At para sa kanya ay ito lamang ang babaeng mamahalin niya habang buhay.


Ngumiti siya "I love you too Love so much na wala ng ibang makakapantay pa sayo."

Saglit silang nagtitigan at unti-unting ngumiti. kapagkuwan ay bumaling ito sa sasakyan niya.

"Wow! Is this an Audi R8 Love?" She asked

"Yup. And we will test her capacity today. This is Dad's gift for me at ikaw ang kauna-unahang kasama ko na sasakay sa kanya." Aniya at hinimas ang sasakyan.

"What is her name?" She asked again.

Nag-isip siya. Wala pa siyang alam kung ano ang itatawag sa sasakyan niyang bago.

"Name her Carter! I love that name Love." Louise

Tumango siya "So her name now is Carter."

"Buti at di ka nahuli ng traffic enforcer. A 16 year old kid driving this luxurious car along the street."


"Well, money can bribe them Love!" Tumatawa niyang sagot.

"Nakita na ba nila Warren, Hiro at Vash ang new collection mo?"

"I'm afraid they haven't Love and knowing them especially Hiro ay hihiramin niya ito agad."

Natawa ito. "Sige nga. Matry nga ang new baby mo! punta tayong tagaytay Love!"


"Tara!" Aya niya.


Habang daan ay ang saya-saya nila. Hanggang sa nakarating sila sa Tagaytay at doon ay masaya nilang pinagdiwang ang unang anibersaryo nila. Tanaw nila ang Bulkang Taal ng masalita ito.

"Do you think we will last forever?" Louise


Nangunot ang noo niya at pinisil niya ang kamay nito na hawak-hawak niya.


"Oo naman. Forever tayo. We love each other at kailanman ay di magbabago iyon. We will be married 10 years from now, the next ten years, then we will be spending it by making babies and taking care of our children and the next, next ten years, we will grow old together, still loving each other."

Ngumiti ito. "Eh paano kung bigla akong mawala? What if I'll die today, tomorrow and the next year?"

He stopped. He knew she was just joking pero  hindi niya iyon nagustuhan.

"Ayoko ng ganyang biro Louise. Hinding hindi ka mawawala sa akin at di ko papayagan iyon."

Kapag tinawag na niya ito sa pangalan ay alam nitong seryoso na siya.


Tumawa ito at niyakap siya. "Ito namang Love ko nagalit agad. Joke lang naman eh. It was just a question tsaka lahat naman ng tao doon napupunta."


He took a deep breath. "Kasi naman anniversary natin pero pinapangit mo ang atmosphere."


"But seriously speaking Seb. kapag nawala ako, gusto kong mag move on ka, gusto kong magpatuloy ka sa buhay at wag magdrama. If ever I'll die, I want you to fall inlove again and I want you to be happy eventhough I'm gone. Gusto kong abutin mo ang mga pangarap mo, at ayokong maging malungkot ka. Mahalin mo yung sunod na babae sa akin ng mas higit or kapantay ng pagmamahal mo sa akin. I want you to be happy even if I will not be the one who will give you that kind of happiness because I love you."


"Stop this nonsense already Louise! Di ka na nakakatuwa!" Humiwalay siya sa pagkakayakap dito at pumasok sa sasakyan. Sumunod naman ito at sumakay sa passenger seat.


Tahimik silang bumiyahe pabalik ng Manila. Pero pagkalipas ng ilang minuto ay kinulit na siya nito.


"Sorry na Love. Di ko na talaga uulitin. Alm mo naman na di ako sanay na magka-away tayo. Sorry na!" Sabi nito.


Nang hindi pa rin siya umimik ay dumukwang ito at binigyan siya ng halik sa pisngi. Nagulat siya. Bahagyang nagpagewang ang sasakyan nila dahil narin sa mabilis ang pagkakamaneho niya.


"Louise!" Singhal niya


Pero di pa din paawat ito. Binagalan na niya ang pagpapatakbo dahil medyo madilim na at kinukulit siya ni Louise. Tinanggal nito ang seat belt at mas lumapit sa kanya. This time ay sa labi na niya siya nito hinahalikan. Humarap siya dito at sinagot niya ang halik nito.

"Bakit ba pagdating sayo at sa halik mo ay nakakalimutan kong galit ako?" Aniya

"Kasi Mahal mo ako at mahal na mahal kita!"


Tumatawang ibinalik niya ang kanyang paningin sa daan. Nag over take siya sa sinusundang sasakyan sa harap nila ngunit nanlaki ang mata niya ng masilaw siya ng ilaw ng isang trak na humahagibis ang takbo na pasalubong sa kanila. Kasabay ng malakas na busina nito ay kinabig niya pabalik ang sasakyan pakanan pero nasalpok niya ang nasa harapang sasakyan.


Narinig niya ang tili ni Louise. Akala niya ay doon lamang sila tatamaan ngunit sinalpok sila ng trak. Napapagitnaan sila ng dalawang sasakyan. Maririnig ang mga nabasag na salamin, kalampag ng nagkabungguang sasakyan at ang ingay na nilikha ng mga ito. Napa-igik siya sa sakit na nadama sa pagkaka sampok. Napapikit siya ng mariin at ininda niya ang sakit na nadarama.

Ng maalala ang nobya ay pinilit niyang dumilat upang hanapin ito sa tabi niya ngunit di niya ito makita. Napatingin siya sa kanyang harapan sa nanlalabong mata at doon niya naaninag ang bulto ng isang tao na nakahandusay sa kalsada.

Naririnig niya rin ang ingay ng mga taong alam niyang nakapalibot sa kanila.


"Oh God! Tumawag kayo ng ambulance! Mga menor de edad pa ang mga ito!"


Pinilit niyang gumalaw. naramdaman niyang may lumapit sa kanya at ginigising siya.


"Hijo, Hijo! Naririnig mo ba ako? Wag kang pumikit! Gumising ka! Ilalabas kita dito. May nararamdaman ka bang nakaipit ang katawan mo?"


Dala marahil sa sakit ay parang namanhid ang katawan niya. Naramdaman na lamang niyang nilalabas na siya sa sasakyan niya.


"Louise..." Aniya


"Wag ka muna magsalita hijo at baka makakasama sayo."


Pinilit niyang bumangon as soon as nakalabas siya ng sasakyan. Pero pinigilan siya.


"Wag kang bumangon dahil di natin alam ang fracture mo."


"Louise...Si Louise..."


Ng luminaw ang paningin niya ay nakita niyang isinasakay si louise sa isang sasakyan, naramdaman naman niyang may bumubuhat na sa kanya. Bigla siyang natakot ng makita ang duguang anyo ng kasintahan. Pinilit niya itong tawagin pero nakapikit ito. Ng nanlabo ulit ang paningin niya ay napapikit siya, at naramdaman niyang parang may humihila ng kanyang katinuan. Pero bago iyon ay tinawag niya ulit ang nobya.


"Louise...."

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento