Linggo, Hunyo 2, 2013

HSH: Chapter 1

"Nasaan ka na ba Skye?" tanong kay Skye ng kaibigan niyang si Iris. Pansampung beses na yata siya nito tinawagan sa cellphone at hindi lang yun, kanina pa siya nito pinadadalhan ng mensahe.


Nakasakay siya sa taxi papuntang school nila at tinatahak ang traffic na daan. Male-late na siya sa unang araw ng pasukan kaya naman naiirita na siya. Finally! College na siya! She's nineteen years old at freshmen siya kasama ng kaibigan niyang si Iris sa *** University. She will take up Bachelor of Science in Accountancy.

At bakit sa ganoong edad ay First Year college pa lamang siya? Dahil iyon sa paghinto-hinto niya ng pag-aaral dahil sa sakit niya noon.


She had a heart problem before and only a heart transplant can save her life. She waited for more than 15 years of her life just to have a donor. The doctor said na hanggang labing walong taon lamang ang itatagal ng buhay niya and she gladly accepted her fate. Para sa kanya ang mabuhay ng 18 taon sa mundong ibabawa ay isa na sa mga malaking natanggap niyang regalo sa Maykapal. Pero hindi tumigil ang pamilya niya para hanapan siya ng donor.


She gets a heart transplant after finding out that a girl with her age met an accident is a heart donor. The girl was in coma for more than 5 days and was declared brain-dead at tanging ang mga aparato at machines na kumakabit sa katawan nito ang tanging bumubuhay dito. And after two more days ay ipinagkaloob na sa kanya ang puso ng babaeng iyon. She never met the girl and even the family of that girl who gave her her new heart. Pero kahit tatlong taon na ang lumipas ay hindi parin niya kinakalimutang pasalamatan ang may-ari ng puso niya ngayon sa kanyang mga dasal.



"Malapit na malapit na talaga ako." Totoo yun dahil tanaw na niya ang malawak na paaralan nila. Bumaba siya at nag-umpisang tumakbo papasok sa paaralan nila.


Malaki ang utang na loob niya sa pamilya ng babaeng nagbigay sa kanya ng puso niya dahil kung di marahil dito ay patay na siya ngayon at hinding-hindi niya mararamdaman ang mamuhay ng normal at walang inaalala na sakit.


"Sige bilisan mo at nandito kami sa AB 313B, don't worry at may seat ka na dito." Binaba na nito ang cellphone.



Napatigil siya sa pagtakbo ng naalala niyang di niya alam kung saan ang building nila. Natatakot naman siyang magtanong kay Iris sa cellphone dahil alam niyang sisinghalan siya nito. Pinasya niya na lamang na magtanong sa makakasalubong niya.


"Ahm.. Excuse me Miss, Magtatanong lang sana ako kung nasaan ang building..EB330 ba yun?"



"Anong room Miss kasi nagmamadali ako?"



"Ahm. EB330 po."




"Diretso mo yung way na to tapos pag may nakita kang Burgos St. diretso ka at sa unang parang kanto kanan ka." Namamadaling umalis ang pinagtanungan niya. Mabuti na lamang at mabilis siya maka pick up kaya nakuha niya ang sinasabi nito.



Umakyat na siya sa 3rd floor. Ng makita niya ang room # ay pumasok siya. Nagtaka siya ng walang tao sa loob ng classroom nila, may mangilan-ngilang upuan at may isang pintuan sa may likod na bahagi kung nakaharap sa whiteboard. At may magilan ngilan na mga folders na nakakalat sa desks.At nakabukas ang aircon.



"Nako naman Iris. Asan ka ba? Tsaka start of the class ang dumi naman ng classroom."



Itetext na sana niya si Iris ng biglang bumukas ang pinto sa likurang bahagi. Di na niya tiningnan ito dahil busy siya sa pagkalikot ng cellphone niya. Nakaupo na siya sa harapang bahagi ng room.



"Mabuti naman at dumating ka na. Akala ko ba marami ng tao?" Aniya



Di sumagot si Iris. Di niya parin ito hinaharap. "Wala namang tao dito, wala ba tayong pasok?"





Humarap na siya ng di padin nagsasalita ang kaibigan niya. Pero nagulat siya ng hindi si Iris ang nasilayan niya. Kundi isang nakatapis lang na lalaki na mataman na nakatingin sa kanya. Sa wari niya ay kakatapos lamang nito maligo! Akala niya ay babalik ito sa loob ng CR ngunit sa nangungunot na noo ay naglakad ito papunta sa kanya. Nakikita niya pa ang tumutulong tubig mula sa katawan nito.



"SINO KA?" Sigaw niya ng medyo nakalapit na ito.


Ng dumukwang ito sa kanya ay di niya napigilang pumikit. Amoy na amoy niya ang gamit nitong sabon. Ng maramdaman niyang bahagya itong lumayo sa kanya ay napagtanto niyang dumukwang lamang ito para kunin ang bag na nasa gilid niya.





Napahawak siya sa dibdib niya ng maramdaman niyang ang bilis bilis ng tibok nito. Huminga siya ng malalim at pinipilit niyang pinapakalma ang sarili niya pero walang habas parin sa pagtibok ang puso niya. Kinabahan siya bigla dahil baka atakihin siya bigla.



"Diba ako sana dapat ang magtatanong niyan? Anong ginagawa mo dito?" Natigilan siya ng magsalita ito. His voice sounded...sexy and manly.


Saan naman nanggaling ang adjective na yun ha Skye? Anang isip niya



"This is our room." Tipid niyang sagot



"And supposedly this room is off limits for students Ms.?"





Bahagya siyang napatunganga. From sexy and manly ay naging cold at stern ang voice nito at makikita sa mga mata nito ang authority.



Napatitig siya sa mukha nito at mas lalong nagpalakas ng tibok ng puso niya iyon. Hinawakan niya ang tapat ng dibdib niya at sinimulan niyang humugot ng mga malalalim na hininga. Parang naramdaman naman ata ng lalaking kaharap niya ang nagyayari sa kanya kaya lumapit ito.



"Ok ka lang?" Tanong nito



Grabe ang tangos ng ilong, at ang kinis kinis pa ng face ha! Nahiya naman ang facial ko eh parang wala man lang blackheads ang lalaking to. At yung biceps at abs, nako ulam na! Ano kaya ang pakiramdam ng nayayakap ng katawang iyan?? At syet! Ang pogi-pogi!!



Tumango siya. Naramdaman niya ang bahagyang paghagod ng lalaking iyon sa likod niya as if helping her to breathe. Pagkalipas ng ilang sandali ay napanatag na ang loob niya. Ng pumasok sa isip niya ang ginawa nito ay bigla siyang napabalikwas.



"PERVERT!!!!!" Aniya



"Students are not allowed here Miss." di nito pinansin ang sinabi niya.




Akmang susuntukin niya sana ito kaso mabilis ang reflexes ng lalaki. Agad nitong nahawakan ang kamay niya ngunit dala marahil ng outburst niya ay naout of balance siya. Pumikit siya at inasahan na niya ang pagbagsak ng katawan niya sa sahig ngunit di iyon nangyari bagkos ay may mga malalakas na braso ang yumakap sa kanya.

Nangunot ang noo niya ng wala siyang maramdaman na sakit bagkos ay basa ang bandang leeg niya ng tubig. Dumilat siya at nakita niya ang sariling yakap ng lalaki. At dahil sa pagkataranta ay humiwalay siya dito ngunit yun ang naging dahilan para matumba sila. Him on top of her.


Mas lalong lumakas ang tibok ng puso niya lalo na ng may maramdaman siyang kung anong matigas na bagay sa bandang tiyan niya. Hindi siya ganoon ka tanga para hindi malaman kung ano ang "bagay" na iyon.


"You Jerk! Get off me!!!" Sigaw niya. Binayo niya ito agad sa dibdib.




"Shit. Stop!" bahagya nitong iniangat ang katawan mula sa kanya.





Muli siyang gumalaw. Nakayakap parin kasi ang katawan nito sa kanya.



"Don't move! Aww. My hand."


Tinulak niya ito at napamura ito marahil ay nasaktan niya. Tumayo naman ito agad.



"Why did you do that?!!" tanong niya.



"I was just protecting you from falling then you'll call me Pervert? Ayos ka rin eh noh?"


Napatingin siya sa kamay nito na marahan nitong ginagalaw.


"Is your hand okay?" Tanong niya


"Seriously?? Isn't it obvious that its not??" Asik nito


Napa yuko siya pero mali ata ang tiningnan niya dahil kita niya ang "bulge" sa harap nito. Tumaas angtingin niya sa abs nito, hanggang sa malapad na chest nito papunta sa muka nitong nangungunot ang noo na nakatingin sa kanya.



"Where are you looking at woman!???" Agad siyang napayuko



Naramdaman niyang lumapit ito sa kinaroroonan niya, gustuhin man niyang lumayo ay parang nawala siya ng lakas lalo na ng iniangat nito ang mukha niya. magsasalita pa sana ito ng bumukas ang main door at pumasok ang  tatlong lalaki sa room.


Oh Shit! Lord? Ano pong magandang bagay ang nagawa ko at sa ganito kaaga eh pinagpala mo ako ng apat na mga Papables? Aniya sa isip niya.



Napatigil ang tatlong kakapasok lang at napatingin sa kanila. Mabilis naman siyang lumayo sa katabi.




"Ahm..Are we interrupting something?" Tanong ng pinaka maputi sa tatlong kakapasok lang.






"What happened to your hand dude?" tanong ng medyo singkit.




"This crazy woman did this!" Asik nito sa kanya.



Lumapit ang tatlong lalaki na sa hinuha niya any kakatapos lamang magpractice ng football dahil naka soccer uniform ang mga ito.




"Sorry..---" Di na niya nadugtungan ang sasanihin dahil tumunog ang cellphone niya. Si Iris natawag!




"Answer it!!!!" Supladong sikmat nito sa kanya



Sinagot niya ito at sermon mula kay Iris lamang ang narinig niya.. Pagkatapos ng tawag ay humarap siya sa mga ito.




"Sorry, sorry , sorry talaga. Akala ko kasi dito yung room namin kasi ito yung turo sa akin. Sorry talaga.!" Aniya



"Sa Student Council Pres ang office na ito Miss." Sagot ng maputing lalaki.




"masakit pa ba? Hayaan mo ipapahospital kita! ako ng bahala sa gastu---"




"I can pay my bills freak!"



Sasagutin niya na sana ito ng makita niyang napa igik ito ng biglang hinatak ng kaibigan nito ang nasaktang kamay..



Maya-maya ay biglang nagsalita ang isa sa mga kaibigan nito.




"Are you guys trying to have sex?" Maputing lalaki.





Lord! Pwede bang paki buksan yung lupa sa kinatatayuan ko at paki palamon na lang ako?? Seriously Lord? Nakakahiya! TT_TT


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento