River's POV
"Vash.. Vash please kausapin mo naman ako. Please babe. Please let me explain."
Hindi ko na mabilang kung pang-ilang voicemail na yung naipadala ko sa kay Vash.
Three days had already passed about what happened at the rooftop at tatlong araw na akong walang balita kay Vash. Nakagat ko ang daliri ko and I suppressed a sob while remembering what happened that day after Hiro kissed me.
Flashbacks..
As soon as I saw Vash with that kind of look on his face I know we're in trouble.
"Babe...Babe let me explain." I said to him
Daig ko pa ang daga sa pagkakasaksi ni Vash. I know he had seen enough that's why there's something the way he looks at me.
Lumapit ako sa kanya. I hold him in his arms pero piniksi niya lang. And tears started to fall..
Nilampasan ako ni Vash at hinarap niya si Hiro na patuloy rin sa kaka-explain.
But to my horror, Vash stopped Hiro from talking when he punched Hiro's face.
Natumba si Hiro, but Vash continued to punch him as if he's a criminal that needs to be dead. It took me a lot of might and effort mapalayo lamang silang dalawa.
Sa bawat suntok ni Vash kay Hiro ay di umiwas si Hiro. Alam kong walang balak na tumigil si Vash unless I'll try my best to stop him and i succeeded.
"Potangna mo Pre. Tinalo mo na nga ako sa kapatid ko, pati girlfriend ko tinalo mo rin? P*ta Pre. Ano? Di pa ba sapat ang kapatid ko at pati tong babaeng to, pinakialaman mo rin? Pinagkatiwalaan kita sa kapakanan ng kapatid ko, pinagkatiwalaan kita dahil kaibigan kita. Pinayagan kitang ligawan ang kapatid ko kahit labag sa akin, tapos ito pa igaganti mo? Tangna! Kelan pa? Kelan pa huh? Kelan niyo pa ako ginagawang gago?!"
"Vash..Its not what you think...."
"Shut the f*ck up! Hindi ikaw ang kinakausap ko!"
Napa atras ako ng sigawan niya ako. I kept my mouth shut and I can't help but to cry. Parang isang bata ako na nahuling nangungupit sa wallet ng nanay at sinesermonan ng bongga.
"Pare, it was just a friendly...kiss..."
"F*ck you! F*ck the both of you!! Friendly ha? Friendly yun? You should have not kissed her on the lips if it was just a friendly kiss! Urgh!! Potangna lang!"
Napasabunot na siya sa buhok niya. I tried to be near to him. But I stopped as I saw the disgust look he is giving on me right now.
"Why? Am I...Am I not enough? Siya...Siya pa rin ba talaga ha?"
Napaiyak ako lalo na ng medyo basag at hapong hapo ang boses ni Vash.
"Babe.."
Napapikit si Vash at napahugot ng malalim na hininga.
"We're done."
As soon as he said it ay parang nagunaw ang mundo ko. I cried hysterically. I hugged him from behind when he started walking.
"Babe, please babe, let me explain. Mahal kita Vash.. Please, please listen to me."
"If you really love me, you should have not done that."Napatigil ako.
Nang wala siyang narinig na salita mula sa akin ay Kumawala siya sa yakap ko. Kumawala siya sa buhay ko..
x End of Flashbacks x
I tried to dial his phone again but to my avail, naka off na ito ngayon.
Warren's POV
Binigyan ako ng author niyo ng POV dito kahit na may sarili na akong storya. Search niyo na lang 20 Ways To Win Your Ex Back para makilala niyo pa ako. Lol.
At kung bakit may POV ako dito? Sabi ng Magandang si Nik Rozon eh ayaw daw sumanib ng kaluluwa ni Vash sa kanya sa kadahilanang sabog ang utak niya kakasolve sa Financial Mngt. Homework niya at sa Tab lang ang gamit niya ngayon sa pag UD dahil hindi niya kasama si Chuchi.Gets niyo?
At first time niya to ginawa na may interaction ang characters niya sayo. Hanep kasi Anniversary daw nila ni Watty. Gwapo ba yung Watty na yun?? Sa -pagkakaalam ko siya yung nag restrict ng HLIB NOON eh. Mehe.
Osha. Baka mapahaba tayo dito. Andito kami ngayon sa GLounge. Bar siya ha. Kasama ko lang naman si Vash na panay lang ng tungga ng iniinom niyang drink.
Niyaya niya kasi akong -maginuman. Nakaka panibago nga eh kasi ngayon na lang ulit nakapunta dito ang hudas na to.
At ang isang ipinagtataka koeh napakatahimik niya. Usually sa mga gantong pagkakataon ay nagsasayaw na yan o di kaya missing in action eh sa kadahilanang tinake home na ng nilandi niya. Pero sa gantong pagkakataon eh iba.
Ngayon ko na lamang siya nakitang nagkakaganito. Yung una noon ay noong muntikan ng mapikot ang tarantadong to pasalamat na lamang siya at sa personality ni Seb na may pagka NBI ay nalaman naming pinipikot siya.
Pero hindi yan ang issue ngayon. Ang issue eh yung kaibigan kong nakatingin na ngayon sa kawalan sabay lagok ng inumin niya. Napa iling na lamang ako. Hindi ko na mabilang kung ilang babae na ang lumapit sa kanya pero ni isang munting reaksyon wala siyang pinakita.
Nagkaka intindihan sila siguro ng iniinom niya. Lol.
Bago pa mapanis ang laway ko eh nagsalita na ako.
"Pre kung di chics ang ipinunta natin dito, ano pang saysay ko dito?"
Hoy biro lang yan ha. Loyal ako kay Audrei. Tss.
Hamakin mo tiningnan lang ako ng kupal na to tas pinagpatuloy niya lang ang iniinom niya????
Problema niya??
"Si...River ba?"
Pagkasabi ko ng pangalan ni River ay doon na siya napaharap. Alam kong may gusto siyang sabihin kaya Serious Mode na ako.
"Ngayon alam ko na kung anong nararamdaman ng mga babaeng na involve sa akin sa tuwing nakikita nila akong nakikipaghalikan sa iba." Vash
"Bakit ano bang -nang---"
Di ko na nadugtungan ang sasabihin ko ng may tumapik sa likod ko. Pagharap ko si Seb.
"Si Hiro?" Tanong ko kay Seb.
Di niya ako sinagot. Nagtinginan lamang sila ni Vash. Hmmm? May hindi ba ako nalalaman dito?
"Ano ng plano mo?" Seb
Vash shrugged his shoulders.
"Teka may alam ba kayong di ko nalalaman?" Ako
"Minsan may mga bagay tayong akala natin wala lang yun pala ginagago ka na. Minsan naman may mga bagay na gusto mong hilingin na sana di ka nagbulag bulagan para nakita mo ang nangyayari pero potcha lang, may mga bagay na dapat di mo na malaman at masaksihan para di ka nasasaktan ng ganito ngayon." Vash
"Bakit ano bang nangyari?"
Baka naman naghiwalay sila ni River kaya ganito ang drama ng ogag na to?
Pinagpatuloy ko ang sinasabi ko.
"Pre kung tungkol sa babae yan eh bakit ka pa namomroblema? Ano pang silbi ni Vash Andrade kung hindi mambababae? Napagdaanan ko rin yang break up na yan, so the best way to do is to find someone else para maka move on ka."
"River cheated on me. Masaya ka na??"
Literal na napatahimik ako noong sinabi iyan ni Vash.
Potcha?! River cheated on him??? Mali ata rinig ko?
"Wait, tama ba rinig ko? Siya?"
Maniniwala pa ako kung si Vash ang nambabae pero River to Vash??
"Potcha wag mo ng ipa-ulit sa akin dahil nababadtrip ako!!" Vash
"Tara resbakan natin ang ipinagpalit sayo." Biro ko
"Di mo alam ang sinasabi mo." Seb
"Bakit? Matagal tagal na rin naman akong di nakipagbasagan mukha. Pagkakataon na to. Tawagan mo si Hiro."
Inisang lagok niya ang iniinom niya at tumayo. Sinundan ko na lamang ng tingin ang medyo papalayong anyo niya.
Minsan na nga lang magseryoso kaibigan ko at sa kauna-unahang pagkakataon ay naloko pa.
Pero isa sa mga sinabi niya ang nagpagimbal sa akin.
"Reresbakan mo kaya kung si Hiro ang tinutukoy mo? After all, sila naman dapat talaga, nakisawsaw lang ako sa eksena."
"Mahal mo na ba?" Tinutukoy ko si River kay Vash.
Sa tuwing tinatanong namin noon si Vash kung may nararamdaman na siya kay River ang palagi niyang sinasabi ay mga pahapyaw na sagot. Kesyo masaya daw siya pagkasama niya mga ganoon. Kaya ngayon, malalaman ko na mula sa bibig niya kung talagang mahal niya si River o isa sa mga ka fling niya.
Napatigil siya sa paglalakad.
"Magkakaganito ba ako kung hindi?"
River's POV
Nakarinig ako ng mahihinang katok sa pinto ng kwarto ko at maya maya ay dumungaw ang mukha ni Dad.
He looked at me and concern is written all over his face.
"Your yaya told me you havent eaten since breakfast. May problema ba anak?"
"Wala po."
"Come on, you can share it with me. Sa school ba? Or allowance mo? The last time you were like this was when your dog Santino died."
"I can still carry this dad. Dont worry."
"Is this all about your love life?"
"Dad."
"Come on, I'm your dad. And I dont want to see my baby like this."
Napatulo na lamang ang luha ko ng sinabi ni Dad iyan. I know, he'll understand me.
"Vash and I had a misunderstanding po and I dont know what to do para maging okay uli kami. Alam ko naman pong kasalanan ko rin pero ginawa ko na po lahat para maka usap ko siya pero wala pa rin po."
"Give him some time to sort out things. Natural lang yan ang pag aaway sa isang relasyon lalo na at bago pa lang kayo pero kapag nalampasan niyo yan eh mas titibay ang relasyon niyo."
Di ko naman masabi kay Dad na ang dahilan ng pag aaway namin ay dahil nahuli ako ni Vash na nakikipaghalikan kay Hiro.
"Kayo ba dad ni mommy noon. May nagawa bang malaking kasalanan si mommy sa inyo na kahit sobrang sakit sa part niyo nagawa niyo pa rin siyang patawarin?"
Napatahimik si Dad sa tanonv ko. Parang binabalikan niya yung nakaraan at nakita ko ang isang butil ng luha na tumulo sa mga mata niya.
"Ours was a perfect relationship as I can say, isa na lang ang kulang, at may isang pagkakataon na nagkasala kami sa isat-isa.... Pero.... Dahil sa nagmamahalan kami ay nagkapatawaran kami. Napatawad ako ng Mommy mo, at... At napatawad ko rin siya, dumating ka sa buhay namin at doon naging mas masaya kami ngunit hindi na nakita ng Mommy mo ang pagdadalaga mo."
My Mom and Dad was married for 10 years already bago ako naipanganak. Sabi kasi ni Yaya Meryll nahirapan daw si Mommy sa pagdadalangtao.
"Mabuti naman Dad at nadali mo rin si Mommy kahit hirap siyang magbuntis, at naipanganak niyo ako. Swerte ko talaga at ikaw ang Dad ko. Ewan ko na lamang kung ano ang gagawin ko pag biniro tayo ng tadhana at hindi niyo pala ako anak."
"Anak, may... Ang ibig kong sabihin, anak kita tandaan mo yan at kahit na anong mangyari tatandaan mong mahal ka ni Daddy at ang kapakanan mo lamamng ang gusto niya. Maliwanag ba?"
"Ang drama naman??" Lindsey
Napangiti ako ng matipid ng makita ko si Lindsey na naka dungaw rin.
"Tara?" Aya niya.
"Saan?" I asked.
"Saan pa edi kay Vash mo. Akala ko ba gusto mong maka usap yun, tara puntahan natin sa condo niya. Nakaburo lamang yun doon."
"Pero sabi ni Dad bigyan daw muna siya natin ng time."
"At hanggang kelan mo siya bibigyan ng space? Kapag mas lalong lumala ang sitwasyon niyo? Akala ko ba gusto mong maayos kayo?"
"Sige anak, mabuti siguro kung pumunta na kayo doon ni Lindsey. Masaya ako at ang dalawa kong anak ay nagkakasundo na."
Nagsuklay na lamang ako dahil si Lindsey ay nagmamadali. Baka daw maka alis pa doon si Vash.
Andito na kami ngayon sa tapat ng condo unit ni Vash. Ewan ko ba at kung bakit nanginginig ako sa takot at kaba. Baka dahil kinakabahan ako sa maaaring mangyari kapag nagka-usap kami ni Vash.
"Sure na ba to? Baka kelangan niya pa ng time. Di nga niya sinasagot ang tawag ko tas sosorpresahin ko lamang siya ngayon?"
"Andito na tayo ano pang ikinatatakot mo diyan." Bago ko pa mapigilan si Lindsey ay na pindot na niya ang doorbell. At sa bawat segundo na dumadaan ay mas lalong lumalakas ang tibok ng puso ko. Ng walang nagbukas ng pinto ay pinindot ulit ni Lindsey ang doorbell ng ilang beses.
"Baka wala si Vash?"
"Andiyan yan." Siguradong sigurado na sabi ni Lindsey sa akin.
Ng wala pa ding bumubukas ay tumalikod na ako. Upang mapaharap lamang sa marahas na pagbukas ng pinto.
"WHAAAAT???!" Singhal ni Vash
Napatigil siya ng mapagsino niya kami.
Biglang nataranta ang apurido niyang mukha ngunit napalitan rin iyon agad. Biglang nagdilim ang pagmumukha niya.
Napatingin ako sa kanya. Nakatapis lamang siya ng towel sa bewang niya at mahahalatang kakagising lamang.
"Vash----"
"Hey Baby! Will you join me in the shower or I'll go first?"
Napatingin ako sa babaeng nakatapis rin ng tuwalya sa may dibdib niya. Di ko na napigilang mapaluha. Napaharap ako kay Vash na naguguluhan.
Anong nangyayari?!
"What takes you so long Vash?"
Lumapit na sa amin ang babaeng naka tuwalya at nilakihan niya lalo ang bukas ng pinto.
"Mind if you continue your discussion later? You see my boyfriend and I will be having our shower. Together."
"Olivia."
Napayuko na lamang ako dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon at sa mga pesteng luha na tumutulo sa mga mata ko.
"HAYOP KANG MALANDI KA!!!!!!"
Napa angat na lamang ako ng mukha ng makita kong sinugod na ni Lindsey ang tinawag ni Vash na Olivia and the next thing I knew nakahiga na sila sa sahig.
Lindsey on top habang sinasabunutan si Olivia.
Gusto ko man silang pigilan pero di ko magawa dahil nananaig ang kagustuhan kong makisali sa kanilang dalawa at bugbugin ang malanding si Olivia.
I faced Vash. "Why?"
"Now we are even."
xxx
A/N: GET TO KNOW ME.
UD ako agad pag lagpas 50 ang Votes at 30 Comments
Fun Facts: I'm a Directioner at adik ako kina Liam at Louis.
Xoxo,
NP
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento