** 20 STEPS TO WIN YOUR EX BACK
STEP 4: FIND OUT IF YOUR EX STILL CARES FOR YOU.
<><><><><><><><><>
AA's POV
Kanina ko pa tinititigan ang phone ko. Naghahati kasi ang isip ko kung itetext ko si Warren o wag na lang. Si Seb ang nagbigay ng # niya kahit di ko naman hiniling. Ewan ko nga dun pero alam kong parang nagegets ni Seb ang situation.
Kaninang kanina ko pa gustong itext. knowing Vash and Hiro ay baka naibalita na nila kay Ren na nag message ako sa kanila. Napaka tsismoso pa naman ng mga yun.
Well. May TV guesting ako ngayon kaya nga andito ako sa ABS-GMA para mag guest sa show nilang "Its Ryzza Mae Showtime"
Nandito na ako sa dressing room ko at hinihintay na lang ang cue ng show. At well, hawak hawak ko ngayon ang phone ko. At ipinasya kong itext na nga lamang si Ren.
Matagal rin akong nag-isip kung ano ang itetext ko sa kanya.
"Anong magandang pambungad sa isang text Mi?" I asked my handler Mimi.
"Sino ba itetext mo?" Mimi
"Si Ren." Tipid kong sagot
"Ah. Ipapaalam mo # mo?" Mimi
Tumango lang ako dahil busy parin ang utak ko sa kakaisip ng magandang pambungad sa text.
"Sabihin mo, 'Hey this is Autumn.' Yun lang"
"Parang ampanget naman ata?"
"Eh anong sasabihin mo? 'Hi! Si Autumn to. ex mo' Yun ba?"
Nagtipa ako sa phone ko. At eto ang sinabi ko.
"Hey its me Audrei. eto yung gagamitin ko habang I'm here sa Pinas. Kindly save. xx"
I pressed send and after some minutes ay narinig kong nag riring ang phone ko.
Warren Villalobos Calling..
Feeling ko sumikdo ang puso ko ng makita ko ang pangalan niya sa screen ng phone ko. Nagdalawang isip naman ako kung sasagutin ko or hindi.
"Alam kong gusto mong sagutin. Answer it." Michelle
kasalukuyan kasi akong mine make up-an ni Mich kaya marahil nakita niya rin ang nasa screen.
I answered it and I waited for the other line to speak up.
Parang ilang segundo rin kaming nagpakiramdaman bago nagsalita si Ren.
"So may plano ka rin palang ipaalam ang number mo?"
"What?" Di ko kasi gets ang punto niya.
"I already got your number. Hinihintay lang kitang mag text sa akin." Warren
Medyo sumama loob ko ng napag-alaman kong alam na niya pala ang # ko pero hindi man lang siya nagparamdam. Pero at dahil may rason naman pala siya ay ayos na rin. Alam kong maka pride na tao si Ren kaya marahil ako ang hinintay niyang unang magparamdam.
"Ah ganun ba? Pansamantala lang naman to habang andito ako sa Pinas."
"I see."
Pumagitna sa kanila ang nakakabinging katahimikan.
Narinig naman niya ang cue ng segment manager. Maghanda na daw siya at sasalang na siya within 10 minutes.
"Ah Ren. may TV guesting pa kasi ako. Kaya pwede bang mamaya na tayo mag-usap after?" Autumn
"I heard nga kanina and I'm here watching the TV waiting for you to be called."
"Ganoon ba? Baka may kailangan ka pang gawin?" Autumn
"Nah. I'll just watch you here infront of the TV. I miss you." Warren
Kung kaninang malakas na ang tibok ng puso niya ay mas lalong lumakas ito ng sinabi ni Ren na na-mimiss siya nito.
"I...I...am...ahm..I mi...miss you... too" Pautal-utal niyang sabi
Narinig naman niya na napabungisngis si Ren sa kabilang linya.
"Galingan mo ha? Can't wait to see you infront of the TV."
"Okay."
After that we hunged up. Sakto namang tinawag na ako dahil prod ko na.
Warren's POV
As soon as i saw Autumn's name popped in my phone screen ay tinawagan ko agad ito matapos mabasa ang message niya. I've been waiting for her message like century at ngayon niya lang talagang binalak magparamdam sa akin.
Andito ako ngayon sa cafeteria at malapit sa may TV. Hinihintay kong lumabas siya sa show. ewan ko nga ba at kung bakit nasabi kong na mi-miss ko siya eh apat na arawpa lang naman ang nagdaan buhat ng magkita ulit kami.
After noon ay sa TV ko na lamang siya nakikita hanggang ngayon. Alm ko rin naman kasi na busy rin siya sa mga sunod sunod niyang guestings at interviews na paulit-ulit na lang.
Napahinto ako sa iniisip ko ng tinawag na siya ng host ng noon time variety game show na iyon. And seeing her wearing a peach tube dress makes my heart to pump faster. She's really pretty na pati ang mga hosts ay napatigil at napatulala sa kanya.
Ang mga audience sa loob ng set ay todo hiyaw lalo na ang mga fans niya. parang nagsilbing mini meet and greet ng fans niya ang nangyari. I listened and watch the show.
"Live on national television, our very own. The gorgeous and sexy Andi Romualdez!" host
Napatitig siya kay Autumn habang kumakaway at bumabati ang huli sa mga fans nito.
"Grabe, pagkakita ko sa kanya nagdalawang isip ako sa tunay kong kasarian!" Baklang Host
"Haha. Nako. Thank you po! Kamusta po kayo?" Autumn
Patuloy lang siya sa panonoud hanggang sa narinig niya ang grupo ng mga kalalakihan na pawang nakikinuod rin gaya sa kanya sa cafeteria.
Katulad niya ay nakatingin rin ang mga ito sa telebisyon at inaantabayanan si Autumn.
"Grabe Pre. Hanep talaga sa ganda si Andi Romualdez noh? Buti nga at umuwi rin dito sa Pinas!" Guy 1
"Sexy nga eh! Matanda lang yan sa atin ng isang taon." Guy 2
"Kaso may boyfriend eh. yung ka love team niyang kano." Guy 3
"Laspag na yan mga tol. Yan pa eh sa hollywood yan. malamang iba-iba lalake niyan." Guy 4
Bago niya pa magawang bigwasan ang huling nagsalita ay natigil na siya ni Seb. Nagtaka siya ng makitang nasa paanan niya na pala si Seb at hinahawakan ang braso niya.
"Chill dude." Seb
Iwinaksi naman niya ang kamay niya, tumalikod siya sa mga lalaking iyon at naihilamos na lamang niya ang kanyang mukha.
Nagagalit siya dahil sa mga sinabi ng mga lalaking iyon. Nawalan nga siya ng balita kay AA sa mahigit tatlong taon pero alam niya sa sarili niya na hindi ganoong klase ng babae si AA.
At mas nanggalaiti siya ng sinabi ng grupong iyon na may namamagitan kay AA at sa ka love team nito.
Kahit matagal na silang naghiwalay ay alam niyang may puwang parin si AA sa puso niya.
"Wag mo ng patulan. mapaaway ka pa mamaya. Madawit pa pangalan ni AA." Malumanay na tugon ni Seb.
"Sarap lang pasabugin ang mga nguso pare. P*ta. Sa harap ko pa nila pinasyang pagsabihan ng ganoon si AA." Warren
"Alam mo naman ang tinahak na daan ni Autumn diba? Kabalikat na niya ang tsismis pare kaya wag ka dapat magpa apekto." Hiro
kinalma niya ang sarili niya. Alam niyang wala na siyang karapatan pa sa kung ano man ang nais gawin at mga patutsada laban kay Autumn lalo na at may nobya siya.
And speaking of Audrei ay napaka swerte niya dahil napaka maintindihin ng nobya niya. He assured her not to worry about anything dahil kung ano man ang namagitan sa kanila ni AA sa bahay ni Lauren ay maling-mali.
Napatigil lamang siya ng marinig niya ang pamamaalam ni AA sa show at mga fans nito. Agad niyang inilabas ang cellphone niya.
Maka ilang bese niyang tinawagan si AA ngunit hindi nito sinasagot ang tawag niya. He just sent a message to her informing her that they badly needed to talk and she should take care of herself.
Maling-mali man ang pinapakita at ginagawa niya ay wala siyang paki. he still cares for her. So much, na nagagawa niyang makaligtaan ang mararamdaman ng girlfriend niya.
<><<><><><>
Share your thoughts <3
xoxo,
NP
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento