Biyernes, Mayo 31, 2013

20 Ways: Know The Score

                      * 20 WAYS TO WIN YOUR EX BACK


STEP 2.  Know the score and learn to forgive and ask for forgiveness.










 Iginala niya ang kanyang paningin sa labas ng bahay ng kaibigan niya. Tiningnan niya ulit ang ibinigay na address. Ng nasigurado na niyang tama ang address na ibinigay sa kanya ay ipinasya niyang tawagan na ito para maipaaalam na nasa labas na siya ng pamamahay nito.


Kakatapos lamang ng concert niya. At gaya nga ng sabi ng lahat ay ang concert niya ang isa sa mga successful concert na ginawa sa bansa. Dinumog ng mga tao ang concert niya na pumalo sa sold out na mga tickets.


Kasama niyang pumunta sa bahay ng kaibigan niya ay ang isa niyang handler at dalawang bodyguards. Kung siya lamang ang masusunod ay ayaw na sana niyang magpasama kaso dahil sa kanyang katanyagan ay hindi nila masisigurado ang kaligtasan niya.



"Andito na ako" Sabi niya pagkaraan na sagutin ng kaibigan niya ang telepono nito.


Pagkaraan lamang ng ilang sandali ay nakita niyang lumabas ito ng gate. Hudyat naman iyon ng paglabas niya ng sasakyan. Nakasimpleng jeans at tshirt lamang siya para iwas na rin sa paparazzi na alam niyang naka antabay lagi sa kanya.


Nagsuot na rin siya ng eye glasses at cap kahit gabi para walang makaka kilala sa kanya. Matiwasay naman siyang nakapasok sa loob ng pamamahay ng kaibigan kahit nakita niya ang mga flash ng camera noong bumaba siya sa sasakyan.


Iba na talaga kung isang sikat na personalidad ka dahil kahit saan siya magpunta ay may nakabuntot sa kanyang camera at tao. Noong una ay hindi niya pa alam paano tumakas at umiwas sa paparazzi. Ultimo pagkain niya noon ay binabantayan. Lalo na noong umugong ang loveteam nila ng sikat na aktor na si Alex Evans. Pero kalaunan ay natutunan niyang pakibagayan ang mga ito at nakasanayan niya na lang na bawat galaw niya ay may naka antabay na media.



"Sino-sinong tao sa loob?" AA


"Autumn. Sorry talaga. Nakalimutan kong sabihin sa iyo na andito si Ren" Lauren



Sumikdo ang dibdib niya ngunit di niya lamang ipinahalatang apektado pa rin siya kahit sa pagbanggit lamang ng pangalan ng dating kasintahan.


"Sinabi mo kaya." AA


"I don't know how to say this but he brought someone."


Mas lalong lumakas ang tibok ng puso niya ng mapag alamang may kasama ito. And to top all of that alam niyang babae ito. The way Lauren act hindi niya na kailangang magtanong kung sino.


Ngumito siya para maitago ang nararamdaman. Pinakilala niya rin ang dalawang bodyguards at handler niya sa kaibigan niya.


"Girlfriend ata ni Ren. Yun dinig ko ng pinakilala niya sa barkada eh." Lauren

May pagkamadaldal rin ang kaibigan niya at pagka tsismosa. Medyo manhid rin ito dahil hindi nito maramdaman na umiiwas siya sa topic nila.



"Okay ka lang ba?" tanong pa nito



"Yes Im okay. Why?"



"Ang tahimik mo kasi. Nakakapanibago"



"People change Lau."



Pagkapasok na pagkapasok niya ay binati agad siya ng mga kaibigan niya. Hindi niya mapigilang mapangiti sa atensyong binibigay sa kanya. She tried to roam her eyes around dahil hinahanap niya ang nag iisang taong mula noon ay may puwang sa puso niya.


"AA kamusta na?"


She looked at the man infront of her. It was Vash Hendrick Andrade.



"Eto maganda pa rin. Ikaw?" She genuinely smiled


Mula kay Vash ay nalipat ang paningin niya sa katabi nitong babae. The woman looks really pretty. Medyo may pagka mataray ang facial features nito pero indeed the woman is incredibly pretty. She wondered who the lady was.


"Girlfriend ko nga pala si River. Babe she's AA." Pagpapakilala ni Vash sa kanila ng babae.


She can't help but to grin. The last time she checked Vash never took woman seriously at eto ngayon ang huli sa harap niya pinapakilala ang babaeng bumihag sa puso nito.


She extended her right hand to the woman. Sobrang payat nito mas payat pa sa kanya but the girl has the curves in the right places. She doubt if River is a model.



"Hi!" River



"Hello River. At last may nakapagpabago na pala kay Vash" She jokingly said.


River just blushed and she find it cute.



Next na nagkamusta sa kanya ay si Seb. Si Sebastian Madrigal. She can't help but to reminsce about the past wherein Seb was hopelessly inlove. She wonder hows Seb today..



And the last was Hiro Montecillo. She had known Hiro since they were a kid. Si Hiro rin ang naging tulay sa kanila ni Ren noon. When Hiro hugged her she hugged him also. Masasabi niyang kahit magkasing edad sila ni Hiro ay tinuring niya ng kuya ito.



Lumapit naman si Lauren sa kanya at iniabot ang apat na taong gulang na anak nito. The kid was eating chocolates and she can't help but to worry about the kid's health.


"Hello baby. Dont eat too much chocolates okay? It will make you fat someday." She said


"Come on Adrianna. Give the kid a break. She's just only four for pete's sake at kung ano-ano na ang itinatatak mo sa pag-iisip niya."


Sa wari niya ay mas lalong lumakas ang pintig ng puso niya matapos marinig ang nagmamay ari ng boses na iyon. Nakatalikod man o nakapikit ay hinding hindi niya makaklimutan ang tinig na iyon. How can she ever forget the only man she evr loved??


Unti-unti siyang humarap sa likod niya and there she saw the man who has her heart up until this moment. The man who made her feel complete. Si Warren Rafael Villalobos. Katabi nito ang marahil ay girlfriend nito.


She smiled. "Ayoko lang matulad siya sa ibang bata na obese."


Mataba kasi ang anak ni Lauren na kasalukuyan niyang buhat buhat habang kumakain ito ng chocolates. Napatingin siya sa hinahawakan ni Ren. A bar of chocolate. Dito marahil nanggaling ang kinakain na chocolate ng bata.



Lumapit ito sa kanila at kinuha ang bata sa kanya. Ren's scent filled her nostrils. He was still wearing his perfume three long years ago. The longing in her heart keeps on mentioning his name. She longed for this man like she had never longed for anything else in her life. And it was sad that he didn't longed for her the same way she did for him. For her, it is one of the most painful heartache for a woman to feel. 


Tiningnan niya si Ren. And she can feel her heart to explode and her tears to burst noong makita niya ang cold stare nito lalo na ang malamig na pakikitungo nito.


She will be a hypocrite if she will not admit that she never dated a man. Inaaamin niyang noong nasa Amerika siya ay maka ilang beses rin siyang nakipagdate sa mga lalake doon. Iba sa mga naka date niya ay mga sikat na aktor, businessmen at sport enthusiasts pero ni isa ay walang nakapukaw ng damdamin niya. Si Ren lamang.



"Let her enjoy her youth. Kung ang nanay nga niya hinahayaan siya. Ikaw pa, na kararating mo lang?"


She can feel the bitterness in every word Ren utter. Her heart found hope pero agad rin iyong nawala ng may humawak sa kamay ni Ren. She saw how Ren looked at the woman and how his facial expression changed. From the cold one ay lumambot ito.


She can still remember the times wherein she is the only one who can make Ren calm. And seeing that scenario in another way around shattered her heart into tiny pieces. If only she just stayed. Sila pa rin kaya ni Ren?



Bago pa uminit ang lahat ay umeksena na si Vash. Siya na lamang pala ang hinihintay para masimulan na ang hapunan nila.  Dahil may kalakihan ang dining table nila Lauren ay kasya silang lahat na magkakabarkada. They were 12 in the group to be exact ngunit 9 lamang silang naroroon. Well including River and Warren's girlfriend that made them eleven all in all.


Sa isang mahabang mesa na lamang silang lahat naupo. Her handler and bodyguards were outside. Nangangamba kasi silang baka pasukin ng media ang bahay nila Lauren though Lauren assured her not to worry a thing dahil exclusive ang subdivision nitong tinitirhan at mahigpit ang security. Pinaalam rin pala ni Lauren na higpitan ang security ngayong gabi para sa kapakanan niya.


Call it too much pero kahit man siya ay nagsasawa na rin sa takbo ng karera niya. Dahil sa katanyagan niya ay di niya magawang gawin ang ginagawa ng mga normal na tao.

As soon as they had seated ay hindi na siya tinigilan ng mga kaibigan niya. proud ang mga ito sa achievements niya.

Her friends keeps on asking her about her adventures as an actress and she willingly answered everything. Alam naman niyang safe siya sa mga ito at gusto lamang siyang kumustahin ng mga ito.


"May banda na daw kayo?" Her friend Candy asked



"Yup. Next next month na launching namin." AA



"Are you staying here for good?" Seb


Bago pa siya makapagsalita ay sumingit si Warren.




"Come on guys. Do you think she'll give up her fame and career?? Hindi siya mag sesetle sa bansang ito. Baka one day magulat na lamang tayo, nasa Amerika na siya not even leaving a single note that she got away."



Natahimik ang lahat. Even her can't utter a word.


"Syempre naman noh. She has lots of things to do." River


She looked at River and gave her a huge smile. She owe big time sa girlfriend ni Vash. Looking at River and Vash alam niyang nagmamahalan ang mga ito sa atensyon na ring ibinibigay ni Vash.



"May mga projects pa kasi ako Seb." Sagot niya sa tanong ni Seb kanina.


"Kamusta naman ang buhay artista?" Tommy


Barkada rin nila si Tommy na asaw ni Lauren.



"Masaya, nakakapagod, maraming perks. Nakakapag travel ka kahit saan tapos pawang lahat nakakakilala sayo." AA


"Mabuti at pinasya mo ring magpakita at umuwi dito samin." Warren


She stayed calm kahit deep inside ay naiirita na siya sa mga pakundangang sinasabi ni Warren sa kanya.



" I missed my homeland and of course my friends. Tsaka isang buwan ang itatagal ko dito."


She faced Ren after she answered his question. After nun ay napatingin siya sa babaeng katabi ni Ren na nangungunot ang noo. Marahil ay hindi nito alam ang nakaraan nila ni Warren.



"So, ilang kano na doon ang naka date mo? Balita ko, nagkakamabutihan na kayo ng Alex na iyon."


She laughed about what Vash said. If only Vash had an idea kung anong ibinansag sa kanya ng mga naka date niya ay matatawa rin ang mga ito.


Tuwing nakikipag date siya sa isang lalaki ay iisang beses lamang at hindi na nasusundan iyon. Kaya nga nabansagan siyang "Cold hearted bitch" dahil sa istilo ng kanyang pakikipag date. Natigil lamang iyon noong lumakas ang hatak ng love team nila ni Alex sa madla. Inassume ng lahat na may namamagitan sa kanilang dalawa kahit todo tanggi siya pero kalaunan ay hinayaan niya na lamang.


"We're okay. Alex is uhmm. nice." AA


Nagulat sila ng may nabagsak na kubyertos. the noise came from Warren.



"Anything wrong?" Tanong ng kasama ni Warren na babae.


Hindi pa sila na introduce ng babae sa isa't isa kaya hindi niya alam ang pangalan nito.


"Nothing" Warren


Hindi niya alam kung bakit ganoon ang iniasta ni Warren sa kanya pero nagkibit balikat na lamang siya. Nagpatuloy na lamang sila sa pagkain.


"Wag mo sanang mamasamain AA, pero kayo ba ni Alex Evans?"


Her eyes shifted to River. Na intriga ata sa kanila ni Alex.


"We're just friends." She admitted


"Friends my ass. Bakit di mo aminin na kayo na ng lalaking iyon?!" Warren


"Pre." Hiro


"Ren." Vash


"Anong aaminin ko eh hindi nga kami." Sagot niya kay Warren


"Ano ba Ren? Mag-usap nga kayo ni Autumn sa ibang lugar at wag dito. Kung may unfinished business pa kayong dalawa ay tapusin niyo na pwede ba?!" Lauren


Napatigil sila ng magsalita na si  Lauren. Warren stood up and left the dining sumunod ang nobya nito pero tinigil niya.


"Pwede bang ako muna ang kakausap sa kanya?"


She is hoping na pumayag ang girlfriend ni Warren sa hinihingi niya. Tumango ito kkahit alam niyang naguguluhan ito.


"Hindi pa tayo na introduce sa isa't-isa. Ako nga pala si Autumn. Ahmn. Well Andi sa showbiz."

Inilahad niya rin ang kamay niya sa babaeng kaharap.


"I'm Audrei."


Judging how the lady acts, alam niyang mabuting tao ito. she smiled and headed to Warren. Gusto niyang maka usap si Warren. She know they badly needed to talk.




Warren's POV


Seeing her after all those years made everything I tried to forget come back. The moment I saw her my system wants to hug her but I know its wrong. Its f*ckin wrong to feel this way after she broke my heart and to think na katabi ko lang si Audrei. Si Audrei na girlfriend ko. I am insane!


I decided to come here sa garden nila lauren to calm my self. Pero alam kong kahit pilitin kong kumalma ay di ko magagawa iyon. Knowing that my ex and my girlfriend is on the same roof. At bakit ko ba nararamdaman ang bagay na ito??



Maybe I need to go home! Tama. Yayayain ko na lamang si Audrei na umuwi na kami. I was heading back when I saw her standing few steps away from me. Si AA.


"What are you doing here?" i coldly said


"You know we have lots to talk about Ren."


"Gaya ng ano? Pwede ba?! Matapos ng mga ginawa mo sakin may mukha ka pang ihaharap ngayon??"


Di ko na mapigilang mag burst out. Kung kayo kaya iwanan ng girlfriend niyo ng walang paalam anong mararamdaman mo? Tapos malalaman mo na lang, sikat na siyang artista??


"Bakit Ren? Ano bang mabigat na bagay ang ginawa ko na ikinagagalit mo? Ang pagtupad ko ng pangarap ko?" AA


Potek. Hindi naman iyon yung punto ko eh. Kung sa pangarap niya lang susuportahan ko siya pero yung mga panahong mukha na akong gago dahil sa kakahanap sa kanya? Sobrang tanga ko. I always send her an email.  To think na matapos ko siyang makita noon na sikat na, sinundan ko pa rin siya sa Amerika. But she betrayed me. She cheated on me. And worst she left me hanging.


"Wala ka bang alam sa mga pinagagawa mo?" Ako



Gusto ko siyang sumbatan pero alam kong hindi na pwede.



"Bakit Ren? Matapos mo akong lokohin. Sapat na ba ang emails mo sa ginawa mo?"



"Wait, what? Niloko kita?? Shit! Ako pa ngayon ha?? Ako pa? Potangna mo Adrianna!"


"Hindi ba ha? I saw you Ren.I was there!"



"Anong pinagsasabi mo? Tsaka bakit mo pa ibinabalik yung dati??"


"Are you really mad at me that much?"


"Pwede ba??!"


"SORRY REN! SORRY IF I LEFT YOU BEFORE BUT YOU JUST LEFT ME WITH NO CHOICE. IF YOU ASKED ME TO STAY AND IF YOU NEVER CHEATED ON ME, SANA TAYO PA, SANA TAYO PA!!"


"i NEVER CHEATED ON YOU A. GOD KNOWS HOW MUCH I LOVE YOU BUT YOU LEFT ME. TAPOS NGAYON SASABIHIN MONG SANA TAYO PA?? YOU LEFT ME BECAUSE OF YOUR GODDAMN DREAM AND NOW YOU'LL TELL ME THAT I SHOULD HAVE HAD ASKED YOU TO STAY BEFORE??"


"YES YOU CHEATED ON ME REN! I SAW YOU. WITH THAT GIRL. I WAS THERE SA CONDO MO, BEFORE THE DAY I WENT AWAY."


I stopped and I tried to remember what happened the day before she left. So she saw me with that girl?? Naikuyom ko ang kamao ko. I wanted to spank someone. Ng dahil lang doon, naging ganito kami. Ng dahil lang sa maling akala.


"You should have known me better than what you think A. Do you think magagawa ko iyon sayo? All my life I had loved you. But you choose to broke my heart."


I saw her crying. Gusto ko siyang yakapin at aluin pero natatakot ako sa maaari kong gawin. I started to walk. Padaan na sana ako sa may gawi niya ng magsalita ulit siya.



"Do you love me still Ren?" AA


I again stopped. Hindi ko alam kung ano isasagot ko. And i don't know what I feel anymore. I started to walk again ng hinawakan niya ang kamay ko.



"Please Ren, I need to know, do you still love me?"



"Bakit? If I say yes. May mababago ba?"


I am now committed and I don't want to hurt Audrei.



"I still love you Ren. I'm so sorry, I still love you. Do you still love me Ren? I still do Ren. I still love you.."


AA kept on saying those words while crying. At di ko na napigilan ang emosyon ko. I hugged her tight. And I can't stop my self from crying also.


I miss her. I terribly miss her. I felt she hugged me also. We stayed like that for a while bago ako kumalas sa kanya.


Hinawakan ko ang mukha niya. Pinipilit kong pahiran ang mga luha niya pero patuloy pa rin sa pagtulo ito. Knowing AA, pag naiyak yan ay mahirap patahanin. At isang bagay lamang ang alam kong makapagpapatigil sa kanya sa pag-iyak.


I leveled my head to hers. And then I kissed her. I miss her so much. I miss  kissing her, hugging her, making her laugh, I miss loving her..



After some minutes I broke the kiss.


"Is that can help answer your question?" Ako



After all those years, after all she had done to me, after all those things she did to cause my heart in pain, after all, siya pa rin. Siya pa rin ata talaga. I still love her. I still do love her. i still love Autumn Adrianna Romualdez. After all those years, nothing has changed about what I felt for her..




<><><><><><><><><><><>



Share your thoughts <3
xoxo,
NP

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento