Biyernes, Mayo 31, 2013

HLIB: What Gift?

Chapter 24:


River's POV

Break namin ngayon kaya andito ako sa library. Nagtatambay. Gusto ko sanang pumunta sa rooftop kaso nakita ko si Hiro na papunta doon. Kaya dito na lang. As usual, dito na naman ako nakatambay sa tambak na mga libro ng Med students. ewan ko nga ba, nakakaya rin pala nilang basahin ang mga ganito kakapal na libro?


Kaya nga Tourism kurso ko para pa easy-easy lang. Suportado naman ako nila Dad. Basta daw ba makatapos ako, okay na. At speaking of "tapos" malapit na matapos ang buwan ng August. So it means, birthday bash na namin ni Vash.

Kasalukuyan akong nag-iisip ng pwede ko iregalo kay Vash ng may poging tumigil sa harap ko. Si Nathan.


tagal ko ding hindi nakita ang ungas na to ah??


"Buhay ka pa pala?" Ako


"Hindi, picture ko lang to."



"Asteeg. Walking Picture at mas hanep, nagsasalita pa. Modern na talaga ang panahon."

I sarcastically said.. tumawa siya.



"Anong ginagawa mo dito?" Ako



"Malamang mag-aaral. eh ikaw? Matutulog na naman??"



"hindi ah, natambay lang."


Medicine yung kinukuha ni Nathan diba? Talino siguro nito.


"May dapat ka bang i-research? Tulungan na kita." Prisinta ko.


magaling ata akong maghanap ng mga nawawalang bagay..


"Actually, parang research nga ata yung pinapagawa sa amin. Ewan ko nga ba kung related sa med yung topic pero pinapahanap sa amin eh."



"Ano ba yun?"



"Logic question lang."



"Sige na, spill it."



"Ano nauna, Manok or itlog??" Nathan


Natawa ako. Seriously??? Ang tagal na kayang pinag-aawayan ng mga madalang people yan. hanggang ngayon wala paring nakakasagot. Ewan ko ba kung sinong nag-imbento ng tanong na yan. Kung buhay pa yun, malamang, tusta na sa mga taong nagtatanong kung ano talaga ang nauna.


Nilabas ko ang phone ko. At syempre kumonsulta kay Mr. Google. Tinaype ko "Who came first, egg or chicken?" Wala pang 5 seconds, lumabas ang more than 20,000 results. Pero ang isang  page ang kumuha ng pansin ko. Research ng mga British, recently lang.

"Eto oh." I gave my phone to Nate


"Sabi dito, a british researchers said that chiken was the first God had made between the egg and the chicken. Kasi daw yung egg, para makagawa ng shell, kelangan ng protein na makikita sa ovary ng chicken. So ganun pala yun??" Nathan


"Aba malay ko?" Ako


Malay ko naman kung anong nauna diba? Basta ang importante at mahalaga, nakakain sila ng tao.


"geez. Modern na nga talaga ang panahon. Kita mo may sagot na yung science para sa kinababaliwang tanong natin na yun."


"Onga eh. eto, bakit ginawa ang lalake at babae?" Ako



"to reproduce?" Nathan



"bakit tinatanong pa natin kkung masakit kung alam naman nating masakit?" Ako



"Kasi shunga lang?" Nathan



"Eh bakit pa tayo nagmamahal kung nakakasakit naman?" Nathan



Napatigil ako sa tanong ni Nate. May point din siya eh. Bakit nga ba tayo nagmamahal ng tao kung kaakibat naman niyon ay pasakit?? Diba? nag-isip ako, pero wala akong sagot na mahagilap sa kukote ko.


"Aba malay ko?? May dinadamdam ka ba?" Ako


"Wala" Nathan



"Anong wala? Eh panay diyan buntong hininga mo?" Ako


"Wala nga." Nathan



"hay nako Nathan, magkaibigan na tayo, pero ano ba yan?" Ako



"Its abut my ex." Nathan



"Oh?" Yan lang masasabi ko eh. Gusto ko siyang magpatuloy.


"I saw her."


"So?"


"Alam mo ba yung reason ng break-up namin?"



"ewan? Aba, paki ko sa inyo?" Ako


Di pinansin ni Nathan ang sinabi ko. "Kasi ayaw niya daw ng boyfriend na nag-aaral pa."


"Ano ba yan? It only shows na, hindi ka niya mahal sa ganong kababaw na rason. Pasalamat nga siya, nag-aaral ka."


"Hindi mo kasi gets, she's a career woman now. She has a job, I on the other hand, still studies."


"So? Kung ako girlfriend mo, proud pa ako, kitams? magiging doktor ang jowa ko after ng ilang taon?"


Nathan just smiled. At dahil magkatabi kami eh ginulo niya buhok ko. Tumayo siya at nilahad niya yung kamay niya sakin. Inabot ko naman tsaka niya ako pinatayo.


"Come, let's eat. My treat." Nathan


Sumama na lamang ako. Aba! Tiba rin ako dito.



Kung tinatanong niyo kung nasaan si Vash, may klase pa siya. mamayang konti pa kami magkikita nun.


At hanggang ngayon, iniisip ko pa kung ano ireregalo ko sa kanya. Tss! matanong nga si Nate.


"Nate, ano yung gusto niyong natatanggap na gift from a girl. yung unique, tas alam mong makapagpapasaya sayo."


Andito na kami sa cafeteria ngayon. naka order na rin si Nathan. Carrot muffin yung akin tas strawberry shake. Yung sa kanya, Chocolate muffin at hot white chocolate. nahalata kong mahilig siya sa chocolate.


"Sex." Nathan

Muntik ko na maibuga yung iniinom kong shake sa sagot ni Nathan. Binato ko nga ng tissue.


"Ang bastos mo!" Pinandilatan ko siya


"Anong bastos dun? nagtanong ka, sinagot ko. Yun naman lagi eh. Wild, erotic sex. Yun yung gusto nila, well, namin pala.."


"Ang libog mo!" Ako


"Grabe naman. Nagtatanong ka tas sinagot ko, Oh anong masama doon?"



Iningusan ko na lang siya. napatingin ako sa chocolate cake ni Nathan. Nilapit ko yung tinidor ko, manghihingi sana, pero hari ata ng kasakiman tong si Nathan kasi bigla niyang nilayo yung plato niya.



"ANO BA?? Parang cake lan eh. Penge."



"Bakit ba ang init ng ulo mo? Meron ka noh?" Nathan



Namula ako. hindi kasi ako sanay na pag-usapan ang mga ganyan saharap ng lalaki.


"Wa..wala no! manyak ka!" Ako


"Oh eto cake mo. Salamat ha!" Nathan


Nilagyan niya ako ng cake na kung lulunukin mo ata eh hanggang esophagus mo lang ka laki. Ang damot ng mukhang uhugin na to.


"WELCOME HA!" Sarcastic kong sabi

"Pero seriously ha? Don't get offended pero yun talaga, Sex talaga. Tsaka gust kasi namin, may effort. Yung hindi lang basta basta binili sa store. Yung alam mong, itatago mo at iingatan kasi alam mo sa sarili mong pinaghirapan yung bagay na yun."


"Oo nga no! May point ka rin paminsan minsan. tama nga na maging doktor ka!" ako


may naisip na kasi akong pwede kong ipanregalo kay Vash.


"So Sex nga? Kanino naman? Swerte --"


Bago pa madugtungan ni nathan yung sasabihin niya ay pinutol ko na. Ang kamunduhan ng hinayupak eh. Iba yung naisip ko at hindi Sex.


simple lang, maghahanda ako ng dinner namin. At magbebake ako ng cake! Well pwede na rin naman ata yun diba?? -----________________-----


I suck about this thing.. ANO BANG PWEDENG IPANREGALO SA ISANG BOYFRIEND??


SHARE YOUR THOUGHTS <3
XOXO
NP



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento