Biyernes, Mayo 31, 2013

HLIB: Rants of the Guys


CHAPTER 23



RIVER'S POV


Kasama namin ni Vash ngayon ang tatlong lalaki dito sa condo niya. Pinaalam na namin na kami na at pinasya nilang mag-inuman.

Pagka pasok pa lang nila sa condo eh halata na ang bad vibes ni Ren. Ewan ko ba kung bakit bad vibes siya. Pinasya ko na lang na kunan pa sila ng beer sa ref. binubuksan ko na ang bote ng maramdaman ko na may yumakap sa akin sa likod ko. Si Vash


"Ambango mo talaga babe."  Vash sabay singhot ng leeg ko.


"Oyy ano ba, andito kaya mga kaibigan mo."  Saway ko sa kanya lalo na ng pinaharap niya ako sa kaynya at hinalikan sa labi. Syempre sino ba ako na di tumugon??


"Hayaan mo sila" Vash



Naputol lang ang paghahalikan namin ng pumasok si Ren sa kitchen



"Kanina ko pa hinihintay ang beer tas andito lang pala kayo naglalampungan. Nananadya ba kayo???" Ren


"Ang sabihin mo, inggit ka lang!" Hiro



Sumunod rin pala ang dalawa kay Ren.



"Chill dude." Vash



"Paano mag chichill yan eh may babalik?" Seb


"Dapat kasi sinama mo na rin dito si Audrei para may partner ka din."  Biro ko kay Ren



Bigla naman silang natahimik na apat. Did i say something wrong??


"Why?" I asked


"cool-off kami ni Audrei. Di mo alam ?" Ren



Umiling ako. Ng mag-umpisang maglakad si Ren pabalik sa sala eh sumunod kami.



Binulungan naman ako ni Vash.



"diba ayaw ko na may ibang babae na nakakapasok sa condo ko, maliban sa inyo nina Venice?"



OO nga pala. Napaka metikuloso ni Vash. tatlo pa lang pala kami ang nakapnta dito sa condo niya. Ako, Si Venice at ang Mommy niya.


Nag peace sign ako. At dahil nasa likod kami kanina edi nakatayo kami ng nakarating sa sala habang ang tatlo naka upo sa sofa.


"Babalik na siya." hiro


"the hell I care!" Ren


"excited ka lang." Vash




Seriously? halata na kayang problemado yung tao ginagatungan pa nila.


"i actually saw her." Seb



"SAAN????" Ren


The way Ren acted after hearing what Seb said, alam kong importante sa kanya kung sino man yung taong babalik na yun.



"Sa TV. She'll have her concert daw dito." Seb




At dahil makatabi lang naman silang tatlo sa sofa eh binatukan ni Ren si Seb. Natawa naman kami. Seryoso kasi ang pagkakasabi ni Seb na aakalain mo nakita totoo ang sinasabi.



i got curious kung sino tinutukoy nila.



"Sino ba yung babalik?" Ako



"Ex ko."  Simpleng sagot ni Ren.



"Tindi rin kasi ni AA. Iniwan kang walang dahilan, ni isang balita sa nakalipas na tatlong taon wala tayo, syempre maliban na lang sa trabaho niya tas ngayon, babalik dito, pinadalhan ka lang ng post card." Hiro


"Damn her! di ko alam kung ano pa ang gusto niya."  Ren


"Eh bakit ka kasi nakipag cool-off kay Audrei? Eh mabait pa naman yun." Ako



"I am confused."  Ren



"mahal mo pa ba si AA pre?" Vash



"I don't know, that's why nakipag cool-off ako kay Audrei to weigh my feelings."



"Alam mo Ren, simplelang yan eh. Kung bumalik ex mo, let her be. Pero wag mong kakalimutan ang ngayon at future mo. Ex nga diba kaya past na. Di na dapat binabalikan. And don't be confused sa feelings mo, I know that you love Audrei and she loves you too. Kung bumalik man ex mo, its nice to look back, pero hanggang tingin ka na lang, past na kasi eh, di mo na mababago yun, tsaka andiyan ang "ngayon" mo, nagmamahal sayo."



Litanya ko yan kay Ren. He smiled at me at I smiled back. Si Vash naman pinat yung ulo ko, tanda ng naaaliw siya sakin.


“What if she wanted you back?” Hiro



“I don't know dude. After all those things she did to me, hindi madaling makalimot pare.”



“She's even more beautiful now.” Seb


“She's always beautiful. Mabait pa.” Vash

“Kaya nga na-inlove tong lolo natin eh!” Hiro



Ngayon ko lang nakita na ang mga lalaki pinag-uusapan rin pala nila yung mga babae. At ngayon ko lang talaga napatunayan na, ang mga lalaki namomroblema rin pala sa mga babae. Akala ko okay lang sa kanya kahit ano. Yun pala nagdaramdam rin.



Nakinig na lamang ako sa kanila. Marami pa silang pinag-usapan pero di na ako dumagdag pa. Marami pa pala akong walang alam sa apat na mga lalaking to.



After ng inuman nila eh, nag si-uwian din sila. Ako naman eh ihahatid ni Vash sa bahay. Di ako pwedeng matulog sa condo niya. Syempre nag-iingat rin, lantad na kasi na may relasyon kami at ayokong ma issue.



Habang daan eh tumungin ako kay Vaash na seryosong nagddrive. Pero alam ko na may iniisip siya.


“Why so serious?” I asked



Hinawakan ko kamay ni vash and I intertwined our fingers.


“Nag-aalala lang ako kay Ren.”


“why?” I find it sweet na, nag-aalala rin pala ang mga lalaki sa guy friends nila. And because of that, I love Vash even more.


“Alam ko kasing nahihirapan na yun ngayon. Lalo na't uuwi na si AA.” Vash



(A/N: AA is pronounced as Ah-Ah. Yung pareho kay Christine Reyes.)



“Sino ba si AA?” I asked



“Ex ni Ren.”


I pouted. Yun yung alam ko tungkol dun sa AA na sinasabi nila. What I mean is, sino siya?



“Elaborate mo.”



“You don't know AA?”


“Magtatanong ba ako kung alam ko?”



“Chill babe. Di uso mambara ngayon.”


“Sagutin mo na kasi.”




“Si AA short for Autumn Adrianna Romualdez. Mas kilala siya sa showbiz at modelling world as Andi Romualdez and Autumn Romualdez for her family and friends. AA samin.”


He's not referring to that Andi Romualdez right?? Ang sikat na hollywood star at model???


“Yung sa Hollywood???”



“Yep.”


"Yung member ng sikat na band na Peppermint??"


"Yep?"


"Yung na li-link sa isang sikat na hollywood actor??"


"Ata?"



“Ex ni Warren yun?????”



“Yep.”



“SERYOSO?????”



“Sinabi ko na diba??” Vash




“Di lang ako makapaniwala. Eh ang ganda ganda niya!” Ako



Bugal kaya siya ng bansa sa kagandahan niya at sa achievements niya. Ang buti nga niya kasi di niya kinakalimutan na Pilipino siya. Pero ex pala yun ni Warren? Gravity!




“AA left the country 3 years ago not leaving any explanations why she left. Pinaghahanap namin siya noon nina Warren. Pero sabi nga nila, ang taong hanep kung magtago, di mo talaga yan makikita until one time, nakita na lang namin siya na model ng isang magazine at sa bagong katauhan na Andi Romualdez.” Vash



“Eh bakit sila nagbreak ni Warren?”



“Wala akong idea babe. And that made Warren skip school. Napabayaan ni Warren pag-aaral niya dahil sa break-up nila ni AA. Muntik na nga siyang ma behind sa amin kung di lang nasa gobyerno ang daddy niya.” Vash



“grabe naman pala yun.”



Fan ako ni Andi Romualdez. Ambassador rin ata kasi siya. Nag coconduct siya ng feeding program at educational programs para sa mga mahihirap na bansa. Grabe. Ex pala yun ni Warren??



“Andami ko pa palang hindi alam sa inyo.” I said



“Marami pa. Hayaan mo, malalaman mo rin buhay ng mga yun someday.”


Share your thoughts <3

xoxo,
NP

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento