Biyernes, Mayo 31, 2013

HLIB: Is He Jealous?


Chapter 6:


"Bilisan mo nga kasi sa pagmamaneho. Andon na daw yung bagong uupa ng condo ko."


"Nagmamadali? Di makapa intay? Ikaw na lang mag drive oh. Nako. Pasalamat ka ihahatid pa kita." Rome


Papunta kami ngayon sa condo ko. Dumating na kasi ang boarder ko. Lalaki daw eh, Nathan Villarica yung name. Sana naman hindi burara para di naman masira yung condo ko. Well, mag seset na lang ako ng rules.



"Kinukulit ka pa ba ni Vash?"


Speaking of Vash di na nagpapapansin sa akin yun ngayon. Tatlong araw niya ako pilit na knconvince sa text na pumayag sa proposal niya. Hindi ko naman siya nakikita baka dahil busy sa practice. Ngayong araw ni walang text, by this time dapat tumatawag na yun ngayon.


"Hindi nga nagtetext eh" Ako


"Miss mo noh?"


"Hindi ah, yun, mamimiss ko?"


"Aminin mo na kasi, matapos niyang makuha yung batanes mo, may umusbong naman na bataan jan sa puso mo."


"Tumigil ka Rome. Wag mo ngang bigyan ng meaning yun."


Nakarating kami sa may lobby ng condo. Doon kasi kami magkikita ng tenant ko.


"Saan na tenant mo? Sana naman pogi at bagets noh? Para atleast matirhan naman ng gwapong papa ang condo mo."

"Hay nako. Kung pogi man yun, di ka papansinin nun. Wag ka na umasa."


"Best friend talaga kita noh? Grabe ka."


"Sos nagtampo na naman. Kahit ganyan ka mahal kitang gaga ka."


Nag uusap pa kami ng rome ng bigla siyang nanahimik. Lumunok ng laway at lumalaki ang mata. Senyales na may lalaki siyang nakita. Lumingon ako at nakita ko ang isang oh-so good looking guy na papunta sa way namin. Hanggang sa tumigil ito sa harap namin ni Rome.


"Miss Monteverde? I assume its you? I'm Nathan Villarica by the way."


"Yeah its me, este siya yun, siya si Miss river Monteverde." Rome

Tinuro turo ako ni Rome. Halata talagang malandi ang kaibigan ko.

"Yeah its me. So are you ready to see the place?"


"Actually I'm ready to move in. I hope it s fine. I dont have a place to stay here, I just went back from London."

"Oh. Its your decision sir, I can show you the place now and then we will proceed to the contract if you liked my place."


Nagpunta kami sa pad ko. Katantaman lang naman ang laki eh, 3 ang bed rooms. 2 sa baba and 1 sa taas. MAy isang cr , may kitchen at lahat na.

"And lastly this is the masters bedroom. As you can see it is facing the city view. Theres a rest room there and a small dresser."


"I am going to take this. So how much wil I be paying?"

"Two months deposit only. I just wanted to clarify things before I turn over to you my key. You are not allowed to change anything in this condo without my consent. The other room downstairs are my things so youre not allowed to open it. No house party, every damaged property will be listed and I just need 3 valid Ids and some things that can verify you that it is really you. I hope thats okay."


"oh, sure, no biggie. Heres my passport, my driver lisenced and mi ID. Heres the 30k also."

Inabot niya sa akin ang passport at mga ids nya pati na yung bayad.

Infairness pogi nya kahit sa mga iD nya. Mukhang koreanong amerikano.


Hinarap ko si rome at yung gaga titig na titig parin sa tenant ko.

"Hoy Rome, ano?"

"Tanggapin mo na. Mukha namang mabait eh tsaka ang yummy."

"Baka naiintindihan nyan tayo ha."


"Hindi koreanong hilaw naman eh."


Yan ang pinag uusapan namin ni Rome. take note sa harap pa ng tenant ko ha. Mukhang di naman niya gets kasi nakakunot ang noo.

"wag ka nga. Pag gwapo mabait na? Mamaya baka sindikato to, masama pa ako sa kalukohan niya."

"Hahaha. Malinis akong tao Miss. Nakita mo naman estudyante ako."


"Nakakaintindi ka ng tagalog? Pinahirapan mo pa ako sa kaka ingles!"

Nako naman. dugo na ilong ko sa kaka english marunong namn pala mag tagalog ang taong to. Hay naman!

"OO naman. Pilipino kaya ako."


"OO na lang. so tinatanggap mo na?"


"yeah. wag ka mag alala, Your condo is in safe hands. Thanks ha!"

"Salamat rin. Paano ba yan, alis na kami. sya nga pala si Rome, best friend ko. Bye Nathan."

"Hi. Nice meeting you. Thanks River right?"

"Yup, so paano yan. We better get going. May practice pa kasi ako."

"Pwede bang sumama sa inyo?"

"PWEDE!!!!!" Rome

Pinandilatan ko si Rome. Grabe talaga sa mga lalaki tong kaibigan ko!


"Si..sige ba. ok lang sayo?"

"OO naman para makapag pamasyal naman ako."


Umalis na kami ng condo at tinatahak na namin ang daan papuntang school.
May pracrtice pa kagi kami kaya bumalik pa ako.


"School nyo to?" Nathan

"Yeah. Tara labas tayo, punta tayong cafeteria. Nagugutom ako eh tas diretso tayong gym."

"Sis. I'd love to go sana pero I have date kasi eh. Sayang naman, andito sana si Papa Nate kaso di ko naman maiwanan boyfriend ko."

"May bf ka?" Nathan

Halatang nagulat si Natahn sa sinabi ni Rome. OO may boyfriend si Rome si Harper ang aso niyang chiuahua. May sakit yun ngayon eh kaya  dinala sa Vet.

"OO naman. Anong akala mo sakin? 3 years na kami, kaso may sakit siya kaya dadalawin ko! Maka walk out na nga. Sige na ciao!"

Umalis si rome at naiwan kami ni Nathan na magkasama.

"Patay!" Nathan


"Oh bakit?"


"Di ko pala alam pauwi sa condo mo!"


"HAha. Dont worry, ihahatid kita mamaya, dala ko naman kotse ko eh, nasa parking lot lang."

"Ang laki naman pala ng school nyo. Thanks by the way"

"OO! kapagod nga maglakad minsan eh. Tarang cafeteria?"

On our way to the cafeteria. May nakita akong couple. They were kissing, no correction. they are making out. at sa may daraanan pa talaga ng cafeteria huh!

I stared at them. mukha kasing pamilyar yung lalaki. at hindi lang pamilyar kundi KILALANG KILALA KO.


ANG HINAYUPAK LANG NAMAN NA VASH MAY KALAMPUNGANG BABAE!

Sa sobrang pagtingin ko sa kanila di ko namalayan na may basurahan sa gilid. Muntik na akong pumasok sa loob ng basurahan kung hindi lang ako nahawakan ni Nathan.


"Oyy. Ok ka lang? Muntik ka ng mag shoot sa basurahan ah." Nathan

Hinawakan niya ako sa balikat or more on inakbayan. Hinayaan ko na lang kasi busy ang utak ko sa pag process sa nakita ko.

Kaya pala hindi ako kinukulit kasi may kahalikan.

"Hindi, ok lang ako."

Tiningnan ko ulit sina Vash, ngayon nakatingin na sila sa amin. Sino ba naman ang hindi eh tumaob yung basurahan sa lakas ng pagkakabangga ko.

Papalapit na siya ngayon sa amin?? Sa amin nga ba???


"Baby! Were not done yet. Come back here!" Sigaw nung babaeng kahalikan ni Vash. Wow naman! di na nahiya sinigaw pa niya.

Palapit parin sa amin si Vash hanggang sa nasa harap ko na, tiningnan niya ang kamay ni Natahn na naka akbay sa akin at napatiim bagang siya.

Anong problema nito? Diya na nga may kahalikan diba??


"Baby naman eh, why did you make me iwan there. Come on na, lets continue what we've started. Nabitin ako eh." Girl na kahalikan ni Vash

Napasinghap ako. Seriously?? walang hiya sa katawan ang babaeng to, andito kami sa harap niya parang wala lang sa kanya.

"Go home Anette." Vash


"I'm not Anette, How many times do I have to tell you that its Angela and not Anette, Aileen and Gina??"

So Angela pala pangalan ng babaeng to. Wait,, siya din ba yung babaeng nambulabog sa moment namin ni Vash????


Feeling ko, kumulo lahat ng dugo ko. Dinala niya pa talaga dito ang babae ha. Grabe , Grabe talaga!


"See? Ni di ko nga maalala pangalan mo. Go home, i dont need you." Malamig na sabi ni Vash dito.


Padabog namang umalis yung si Angela. Serves her right!


"very rude Vash." Sabi ko kay Vash ng nawala na si Angela


"sino mas rude sa atin? You were not answering all of my calls and text and then pupunta ka dito sa school dala ang lalaki mo?" 


"Paki mo ba ha kung ilang lalaki dalhin ko?" singhal ko sa kanya


sasagot pa sana siya ng inawat kami ni Nathan. Sheeez! Nakalimutan ko na naman na he's with me.


"Pare, i dont want to interfere sa away nyo but you guys are making a scene here."


"Tara na nga Nathan. wag mo pansinin ang mga taong di dapat pinapansin. Nakakasakit lang ng pigtails ang mga yan."

Hinawakan ko ang kamay ni Nathan akmang hihilahin ko na san siya ng hinawakan naman ni Vash ang kabil kong kamay so ang nangyari, ako nakahawak sa kamay ni Nathan na naka akbay sa akin habang si Vash sa kabila kong kamay.


"Bitaw nga!" Sigaw ko kay Vash pero poteek, bingi ata ang lalaking to.

"Sabi ko bitaw eh." Ako


"Bitawan mo siya pare." Nathan na hinawakan na rin ako


"At kung hindi ko siya bibitawan, ano gagawin mo?"


Di ko mapigilang lagyan ng kulay ang sinabi ni Vash. Parang ang lalim lang ng pinaghuhugutan.



SHARE YOUR THOUGHTS :)

xoxo,
nenepatatas

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento