Chapter 19:
River's POV
Andito ako ngayon sa NAIA 3. Tuloy ang alis namin papuntang Bora para sa birthday ni Audrei. Hindi sana ako sasama kung di lang sa pamimilit nina Warren na sumama ako. At si Vash? Hindi ko alam. Ni isang text ng pag explain wala akong natanggap. Ang sakit pala noh? Lalo na ngayon na inamin ko na sa sarili kong mahal ko siya.
Pero alam ko naman na kahit na iba ang pinapakita ni Vash sa akin sa mga nakaraang linggo eh hindi maitatago ang pagiging playboy niya. Kailanman di ako ang makapagpabago sakanya.
Walang nakaka alam ni isa sa nangyari sa pagitan namin ni Vash sa bar. Kung meron man, alam kong tikom din ang bibig nila.
"Ang tagal naman ng iba. Paki text mo naman Ren oh" Sabi ni Hiro kay Warren
Tapos na kaming mag check in. Hinihintay na lang namin sina Vash at Seb at ang tatlong kaibigan ni Audrei. Yung family at si Audrei kasi ay nasa bora na. Kaya kami kami na lang ang aalis.
Pagkaraan ng ilang minuto eh dumating na yung mga kaibigan ni Audrei. Nagpakilala sila isa isa. Mga mabait nga eh tas magaganda pa. Sa pagkaka alam ko kaibigan sila ni Audrei since highschool. Sina Glaiza, Jhela at Lee Anne.
Si Vash at Seb na lang yung hinihintay namin. Di ko naman tinext yun kaya bahala siya. Pero sabi ni Warren eh malapit na daw yung dalawa.
"Guys wait. CR lang ako." Paalam ko sa kanila. Naiihi kasi ako.
"Tara samahan na kita Riv." Hiro
Di na ako umalma. Mahaba haba rin kasi yung lalakarin eh.
"Ang tamlay mo ata. May problema ba?" Hiro
"Ha? Wala. Okay lang. Bakit mo nasabi?" Ako
"Halata kaya. Kanina pa kita pinagmamasdan. May problema ka ba? Kayo ni Vash?"
Di ko pinahalata na nagulat ako sa sinabi ni Hiro. Paano niya kaya nasabi na may problema kami ni Vash. I faced him, magtatanong sana ako kung bakit niya nasabi iyon pero di ko tinuloy. Baka kasi mamaya ano pa masabi niya.
"Paano ko nalaman? Noong umalis ka kasi ng bar noong isang araw eh, umalis rin si Vash. Sinundan ka ata. Pero after ata one hour bumalik siyang galit na galit. Yun nagpakalunod sa pag inom. Hinatid na nga lang namin after sa condo niya tas kagabi na aya ulit mag inuman." Patuloy ni Hiro
Di na ako nag komento pa. Paano niya kaya nalaman na yung iniisip ko?
Sinundan pala ako ni Vash!? Bakit di ko alam?? Di ako umuwi agad ng bahay dahil pumunta ako sa condo para makapunta sa birthday ni Nathan. Could it be?????
Nakita ako ni Vash na kasama si Nate that night? Hinintay ako ni Nate sa may lobby ng condo eh tas dumeretso kami sa taas. Pero knowing Vash, lalapit yun...
Pagbalik namin eh andoon na sina Vash. Boys will always be boys. Tig Isang backpack lang dala nina Vash. Kasya kaya yung dala nila for 2 days and three nights sa bora?
Andito na kami sa loob ng plane. Katabi ko si Hiro at si Warren. Yung tatlong babae naman yung magkatabi. Si Vash at Seb eh nasa likod namin nila Hiro. Di na ako nagulat ng sinabi ni Warren na ang sinasakyan naming eroplano eh pagmamay ari nina Vash.
Pinasya kong umidlip muna. At dahil napaggigitnaan ako ng dalawang lalaki eh di ko alam kung saan ko ibabaling ang ulo ko.
Hiro's POV
Napatingin ako kay River na katabi ko ng nagpabaling baling ang ulo niya.. Nahihirapan atang maka idlip dahil napaggigitnaan siya namin ni Warren.
Napangiti ako. Sa liit ba naman niyang pagkababae tas naiipit pa siya sa amin ni Warren na medyo malaki ang katawan. Oyy di kami mataba ha. May muscles kami, sagad sa gym eh.
Iniakbay ko yung kamay ko sa balikat ni River tas pina isod ko siya palapit sa akin para maipa sandig ko siya sa balikat ko. Wala namang malisya. Palagi ko naman to ginagawa sa mga close girl friends ko eh. Maya maya eh naramdaman kong payapa na yung paghinga niya kaya pinasya ko narin na sumandig sa kanya.
Naalimpungatan lang ako ng maramdaman ko na may humampas sakin sa tyan. Potangna!!!! Sarap ng tulog ko ehh! Pagtingin ko kung sino eh si Vash pala. Nakatayo yung mokong sa gilid ko. Ako kasi ang nasa may aisle. Napangiti ako, mas lalong lumapad ngiti ko ng pagbaling ko ng tingin sa gilid ko eh tulog pa si River. Antok na antok ata. Paano ba naman kasi first flight yung kinuha nilang flight namin,
Napatingin ulit ako kay Vash na ngayon masama na yung tingin sa akin. Hmnnnn??? Mapagtripan nga yung loko loko na to.
Nilapit ko yung mukha ko sa mukha ni River. Medyo may tulo laway pa pero hanep, ang ganda parin kahit tulog!!! Maya maya eh naramdaman ko na hinawakan ni Vash ang ulo ko palayo sa ulo ni River. Tangna naman!!! Napaka Possesive!!!
"ANO BANG PROBLEMA MO???" Bulyaw ko sa kanya pagkaharap na pagkaharap ko.
natatawa ako sa reaksyon niya. Kung di niya lang ako kaibigan malamang kanina pa ako nito inundayan ng suntok.
"LUMAYO KA NGA SAKANYA!" Madiin na sabi ni Vash
Sasagot pa sana ako ng umungol si River tas maya maya eh nag stretching. Napatingin ako sa kanya. Nakapikit pa yan. Maya maya eh nagmulat ng mata.
"Andito na tayo?" Tanong niya
"oo sleeping beauty. Tumayo ka na jan at kanina pa sinisilanban ang pwet ko na tumayo." Warren
"Hala sorry. Napahaba ata tulog ako." River
Bigla syang tumayo at dahil may katangkaran eh nabunggo siya sa compartment. Napa upo bigla. Sapo yung ulo. At ang hudas na Vash eh kulang na lang itapon niya katawan niya sa akin sa paglapit niya kay River.Sa laking tao ba ni Vash kasya siya sa liit ng space dito sa upuan ng eroplano.
Nag alala ata ang hudyo. Pero ng ma realize niya ata ang reaksyon niya eh biglang tumayo at lumakad palabas ng eroplano. Naiwan naman kaming naguguluhan. Hmn? May problema talaga tong dalawang to.
River's POV
nagulat ako sa reaksyon ni Vash ng mauntog ako. Problema niya?? nagkibit balikat na lang ako. Di ko siya kikibuin kahit magingpi nk ang white sand ng Boracay!
Sa buong byahe namin mula Manila papuntang Caticlan port hanggang Boracay eh hindi kami nagkibuan ni Vash. Pagdating namin bora eh may naghihintay pala sa amin na mini jeep papuntang hotel. Syempre katabi ko si Hiro. Ewan ko nga dito kung bakit parang extra sweet sa akin ngayon. Todo alalay pa.
Pagdating sa hotel eh napag alaman ko na tig isang room kami. Hanep sa yaman ah. Di naman ako sanay na isa lang sa room pag sa hotel. pero hinayaan ko na lang. Bitbit ang bag ko eh, sasakay na sana ako ng elevator ng may tumawag sa akin.
"RIVER!!!!" Anang isang boses
Paglingon ko eh nakita ko si Nathan. Palapit sa amin, lalo na sa akin. Hinold naman ata ni Seb yung elevator at nanatili itong nakabukas.
Nasilayan ko ang medyo namumulang si Nathan. Galing ata sa pag swimming. Basa din eh. Niyakap niya ako!
"Oyy Ano ba Nate. Basa ka!" reklamo ko.
"Aww. Sorry Riv. Nagulat lang ako na andito ka. Wait. Bakit ka nga ba andito?" Nathan
"Aatend ng birthday." Tipid kong sagot
"Ni Audrei? kaibigan mo si Audrei??" Nate
Sasagot pa sana ako ng may bwisit na sumingit.
"Magdadaldalan lang ba kayo dyan o paghihintayin niyo kami dito?" Vash
Pumasok na lang ako sa loob ng elevator. Pumasok rin si Nathan. Syempre usap usap. Hanggang sa dumako yung usapan sa birthday niya last time. Yung mga kasama namin eh tahimik lang.
"Di ka ba pinagalitan ng di ka nakauwi last wednesday?"
Sa condo ako natulog. Actually marami kami. Di na ako umuwi kasi grabe yung nainom ko that night.
"SA KANYA KA NATULOG???" Vash
Di ko siya sinagot. di ba nga walang pansinan?
"BAKIT DI KA NAGSASALITA? GRABE. NAIWANAN LANG AKO, KUNG SAAN SAAN KA NA NAKIKITULOG." Vash
"ANO BANG PROBLEMA MO????"
Di ba nga kakasabi ko lang na walang pansinan?
"IKAW! "
"SHUT UP!"
"YOU SHUT UP!"
Sakto naman na bumukas yung elevator door kaya lumabas si Vash. Err! he's getting on my nerves!
"Pagpasyensyahan mo na River. may dalaw ata." Warren
tumango na lang ako. At dahil sa iisang floor lang kami eh lumabas na kami. At kung mamalasin ka nga naman, sa harap ng hotel room ko pa ang hotel room ng hinayupak na Vash!
hinatid naman ako ni Nate hanggang sa labas ng hotel room. At ang baliw na Vash ang sakit makatingin!
"Riv. i'll wait you at the lobby. swimming tayo or much more exciting try natin mga rides dito sa Bora!" Suggestion ni Nate
"Sige. i'll change to my swimwear na." excited rin akong magtampisaw sa beach kaya agad agad akong pumasok and then deretso sa cr para maka shower at magpalit ng damit.
after ko magpalit ng swim wear ehlumabas na ako ng cr para lamang magulat sa lalaking nakahiga sa kama ko.
"BAKIT KA ANDITO?" Ako
"Masama ba?" Vash
Oo si Vash lang naman ang lalaking nakahiga sa kama ko.
"PAANO KA NAKAPASOK DITO??"
I was wearing a two piece black bikini tas tinabunan ko lg ng see through na above the knee white dress.
"Will you stop shouting? You forgot to close the door."
Hindi ko na kasi tinignan kanina yung pinto kasi akala ko automatic lock yun! Napatingin ako kay Vash at ang hinayupak titig na titig sa akin, more on my body!
"You like the view?" I asked
"I'm loving it." He smirked
"Lumabas ka na." i commanded
"Not until I'm with you. I'll change. wait."
"At bakit andito ang bagahe mo?"
bigla ba naman naghubad sa harap ko at sinuot niya ang boardshorts niya leaving his sleveless shirt on. Ang hot niya. While he's wearing black sleeveless shirt and boardshoorts na stripe
"Conserve room, so sleep together. Dito ako matutulog kasama mo."
"Abat!" Sasagot pa sana ako ng lumapit siya sa akin and he grabbed me to my waist. umupo siya sa kama and then ako sa harap niya. Yung posisyon namin eh, nakakandong ako sa kanya.
"Sorry." He said
di ko alam kung saan siya nag sosorry. Sa mga sinabi ba niya or sa nangyari sa bar? Di ako umimik. gusto kong mag elaborate pa siya. Pero di na nadagdagan yun.
Kung ano man ang kailangan niyang ihingi ng tawad, okay na yun basta nag sorry siya diba kahit walang explanation? But I need his explanation.
"Sorry for what?" I asked
"Sa bar and everything. i was tempted and you know.."
Di ko na siya pinagpatuloy sa kakasalita. Umalis ako sa pagkakakandong niya. I faced him. nangunot bigla yung noo niya.
"you don't have to elaborate more. wala ka rin naman dapat iexplain. Hindi tayo or wala tayong mutual understanding. i need to go to the lobby. If you leave the room paki bigay na lang sa reception ang card ng room. And one thing, wag ka dito matulog sa room ko."
i left him. Isa sa masakit sa pagiging assuming eh ang sakit na dulot nito pag di umayon sa kagustuhan mo yung itinadhana.
Vash will always be Vash.
NATHAN"S POV
Hinintay ko si River dito sa lobby at pagkaraan ng ilang minuto eh dumating rin siya. Hanep ang sexy niya. lumapit ako sa kanya as soon as she saw me.
"wow!" Sabi ko
"wag ka nga, naiilang nga ako eh."
"I bet marami raming lalaki lalapit sayo mamaya."
"Loko. tara? kain muna tayo? Gutom ako eh."
kumain kami dito rin sa loob ng hotel. Syempre usap usap. Sinabi ko sa kanya na pinsan ko si Audrei. Small world nga eh.
After naming kumainn eh naglakad lakad kami. Tingin tingin hanggang sa ipinasya naming magpa henna tattoo. yung sa kanya pinalagay niya sa may likod niya. Ako sa paa. Nganga nga yung lalaking maghehena sa beauty ni River eh. Paano ba naman napaka puti.
After magpa henna eh lakad lakad na naman kami. Pinatuyo namin yung tattoo tas pinasya naming mag banana boating. Sakto naman na kasama namin yung mga kaibigan niyang lalaki. Yung napagkamalan kong boyfriend niya eh ang sama ng tingin sakin.
syempre inalalayan ko si River na makasakay. Hanggang sa pumalaot at nag umpisa na yung ride namin. At ang hinayupak na lalaki na parang may gusto kay River eh ansama ng tingin sa akin.
Enjoy kami sa ride. Walang nalaglag sa amin kahit na todo yung pagpapaikot ng operator sa banana boat na sinasakyan namin. Pag nahulog kasi Weak.
Tapos na yung ride edi balik na kaming hotel para mananghalian. Nagsibalik muna kami lahat sa hotel room para makapagbanlaw tas baba para kumain. Syempre sinundo ko si River sa hotel room niya sakto naman na kaharap lang pala ng room ni River yung room ng Vash na yun. Sama na naman yung tingin. Hinayaan ko na. Basta ba hanggang tingin lang siya.
Tatlong araw kami dito so dapat sulitin ko na, toxic na naman kasi ako pagbalik ng school at okay na rin ito, kasama ko si River.
Pagkalabas niya ng room niya eh napangiti ako. Ambango kasi. Amoy strawberry and Vanilla.
"Tara?" Aya ko
"Sana nauna ka na lang Nate." River
"Okay lang hinintay talaga kita."
"Sorry. tara?"
Bumaba na kami papuntang cafe. Doon daw kami kakain eh. Buffet lunch yung hinanda. Napasabak na naman ako sa kainan. Bukas pa naman yung party ni Audrei eh kaya ok narin to. naka bakasyon kami.
Sa isang pabilog kami na mesa naupo. Inaya kasi si River ng lalaking medyo maitim pero di maitim ha, matangkad rin tas parang foreigner. Pinakilala ni River sila sa akin isa isa.
Yung tinutukoy ko kanina eh yung si Hiro, yung may katangkaran rin na medyo singkit tas may dimples eh yung si Seb, si Warren yung maputi tas parang playful yung aura. Siya pala yung boyfriend ni Audrei at yung si Vash eh yung maputi na parang amerikano na ewan.
Nag umpisa na kaming kumain. At dahil napaka gentleman ko eh ako kumuha ng food ni River sa buffet. Hay nako. Sa ganda ba naman kasi niya. Ligawan ko na lang kaya to?? Single siya mas lalong single ako. Ano kaya??
RIVER"S POV
Kanina ko pa nahahalata ang special treatment sa akin ni Nathan pero di ko lang pinansin. After all siya nga lang yung kausap ng kausap sa akin eh. di kami nag iimikan ni Vash, si Warren naman busy kay Audrei. Si Seb at Nathan magkasama naman.
Bukas na pala yung birthday bash ni Audrei. Hawaiian yung theme eh. di ko pa alam anong susuotin ko. Wew -_-
Andito ako ngayon sa may bandang beach. Gusto ko maligo kaso wala akong kasama. At mas lalong gusto ko masaksihan ang paglubog ng araw. Hayy. If only okay lang kami ni Vash... And speaking of the devil. Palapit sa akin.
"Want some company?" tanong niya after niyang lumapit sa akin.
Di ko pinansin. Naglakad ako palayo sa kanya. Asungot rin to eh. di na ako tinigilan sa kakatingin mula pa kanina at alam ko na sinusundan niya ako.
"Why do you keep on ignoring me??" Vash
Humarap ako sa kanya. Magsasalita pa sana ako ng narinig ko ang pagtawag ni Nathan sa akin. Bumaling ako kay Nate. Nakasakay siya sa may bangka. Kumakaway, parang kinukuha niya yung atensyon ko. Kumaway rin ako tas sumigaw siya.
"SAMA KA SAKIN. PANOORIN NATIN YUNG SUNSET!!" Nathan
Medyo na excite ako kaya inumpisahan kong maglakad ngunit napatigil ako ng hinawakan ni Vash yung kamay ko.
"Pag sumama ka sa kanya...." Vash
""Ano?" I dared to ask
Pero binitawan lang ako ni Vash. Then he turn around.
"Pagdating sayo. Nagiging iba ako. Pag andyan ka, di ko na alam kung sino ako. Nakakalimutan ko na ako si Vash pag ikaw ang kaharap ko."
He walked away.....
xoxo,
NP <3
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento