Biyernes, Mayo 31, 2013

HLIB: He Ignores Me?


Chapter 9


Papunta na sana siya sa may kitchen ng makasalubong niya si Lindsey sa bukana ng hagdan na may hawak na maleta. Nagtaka siya pero kalaunan ay naintindihan niya rin ng nakita niya ang mga katulong na pinapapasok ang ibang maleta sa bahay nila.



"Hey River! Missed me? Hayaan mo araw-araw mo na makikita ang pagmumukhang to." sarkastikong pagkakasabi ni Lindsey.


Alam niyang kung gugustuhin ni Lindsey ay ayaw nito na sa kanila tumira ulit. Ayaw ni Lindsey na pinakikialaman at dinidiktahan.


She smiled "Welcome back Lindsey."


"Oh cut that crap River alam nating dalawa na ayaw mo na andito ako. Well me too sis but they left me no choice, its either I pack my things and go back here or live in my condo poor and hungry." Paakyat na ito sa hagdan.


Narinig niya minsan na nag uusap ang Tita Belinda at Dad niya tungkol sa spending habits ni Lindsey. Palagi itong may pinagkakagastusan kaya siguro pinauwi ito para mabantayan. Baka pinagbantaan ito ng Tita Belinda niya na ititigil ang allowance pag hindi umuwi  ito.



Nang magkapantay na silang dalawa ay nagsalita siya. "Youre always welcome here Lindsey." She genuinely said.


"Yeah, I know by the way you looks at me welcome nga. Well i will really enjoy my stay here lalo at andito ka, may play toy ako."


"Suit yourself." Malamig na sabi niya

Noong sa iisang bubong pa lang sila ni Lindsey nakatira ay walang araw na hindi sila nagkakasakitan at nag aaway. pasalamat na lamang siya noong 18th birthday nila ng binigyan sila ng condo at bumukod na si Lindsey.


"So, what's going on between Vash and you? Pinagsawaan ka na ba? I saw him last night making ouut with another girl sa club."



"There's nothing going on between Vash and I, excuse me." Pababa na sana siya ng hagdan ng magsalita ulit ito



"You little whore."



"Are you referring to yourself Lind?" Hinarap niya ito.



"You bitch!" Akmang hahabulin siya nito ng magsalita ulit siya.



"Don't start with me Lindsey dahil hinding hindi kita uurungan." Binantaan niya ito



"Go to hell you bitch!" Nagpupuyos sa galit na sabi ni Lindsey



"Well, See you there darling sister!"



Hindi na siya nagdiretso sa Kiitchen bagkus pinagpasyahan niya na lang na pumunta sa gate para mag abang ng taxi. Coding ang kotse niya ngayon kaya wala siyang ibang mapaggagamitan. Kung babalik pa siya sa bahay para kunin ang susi ng isang kotse nila ay baka masalubong niya pa si Lindsey. Hindi sa natatakot siya. Umiiwas lang siya sa gulo.


Mamayang 11:30 pa pasok niya pero 8:25 pa lang ng umaga ay nasa school na siya. Di na siya nakapag almusal dahil sa nangyari sa pagitan nila ni Lindsey.


"Manong, dito na lang po." Sabi niya sa may driver. bumaba na siya at pinasya niyang bumili ng Milk Tea sa isang tea house shop sa may harap ng cafeteria nila.




RIVER'S POV


Natatakam ako sa Milk Tea at Pancakes. I wonder why? Hayy. Kung di lang sana dumating si Lindsey edi ngayon kumakain pa lang ako ng pancakes na niluto ni yaya.

Wee. Masarap rin naman yung pancakes na binebenta dito sa school tas pinaresan kopa ng Milk Tea. Yummy talaga!


Magbabayad na sana ako para sa inorder ko na milk tea ng mag ring yung phone ko.


Nathan Calling...


I answered it.


"Oh Nate. Napatawag ka?"



"Hey. I need to talk to you about the condo."



"Yeah? What about the condo?"




"San ka ngayon? Actually, Im here sa school niyo, sa may cafeteria."



"Great! I saw you na. Turn to your right. Nakikita mo yung parang tea house na glass? Andito ako sa loob.Punta ka na lang dito."


Made of glass kasi yung Tea House kaya makikita mo yung tao sa loob at labas ng shop. Sa may right side lang to ng cafeteria namin. Well, sa street na ito sa school eh pawang mga binebentahan ng food. Parang yung ginawa. Lahat ng food stalls eh nandito kaya nga pag lunchbreak o kahit hindi ay puno ito.



 Nakita niyang papasok na si Nathan sa Tea House pero bago iyon ay nakuha ang atensyon niya ng grupo ng mga lalaki na papasok rin sa Tea house. Sina Vash. At si Vash, na may kaakbay na bagong babae.Nagkasalubong ang mga ito. Pero naunang pumasok si Nathan.



Di niya magawang alisin ang mga mata niya kay Vash at sa kasama nito. Balewala naman kina Hiro, Seb at Warren. And seeing Hiro made her heart to flaunt. Nakikita niyang masaya si Hiro. Kung aaminin niya man ang nararamdaman niya ay wala ring magbabago or baka layuan lang siya.



"Hey. Kamusta?" Nagawa niya lamang tingnan si  Nathan ng magsalita ito. Nagtaka naman siguro ang huli kaya sinundan nito  yung tiningnan niya kanina.


"Hi. i'm okay. You?"


Papunta sa sila ngayon sa may isang table at umupo.


Imbis na sumagot si Nathan sa tanong niya ay iba ang sinabi nito "Diba boyfriend mo yung kakapasok lang?"


Tinutukoy nito si Vash. Sasagot pa sana siya ng hindi ng tinawag siya ni Warren.



"Ey River. Andito ka pala." Lumapit ang mga ito sa kanila ni Nathan pwera na lang kay Vash at sa kasama nito pero medyo sumunod naman ang mga ito sa mga kaibigan.


Umupo si Vash sa may upuan katabi lang nila habang ang kasama nitong babae ay umorder. Bumalik rin naman ang babae pagkatapos.


"Ahh OO. Kamusta?"



"Okay lang." Lumipat ang tingin ng mga ito kay Nathan na kasama niya.



"Ay, si Nathan pala, Nate sina Hiro, Warren at Seb." Pagpapakilala niya



"BF mo? tanong ni Hiro


Sasagot sana siya ng maunahan siya ni Nathan.



"OO pre." Sagot ni Nathan



Nagulat siya pero mas lalong nagulat ang tatlong lalaki na nasa harap nila. Bigla namang napa ubo si Vash habang umiinom ng tea.



"May BF ka na pala? Wow. Congrats sa inyo!" Warren


Si Warren ang unang nagsalita. Hindi na niya pinabulaanan dahil kahit siya ay nagulat rin. Tumango na lamang siya.



"No offense pare ha, pero akala ko kasi kayo ni Vash. Sorry." Hiro


Nagulat siya ng nagmura si Hiro. Di niya alam kung bakit tas tumawa naman si Seb pero mas nagulat siya ng sumigaw at nagtatalon si Warren.


"Yun men! Haha! I win! Hahaha." Warren



"Nanalo ka san?" Vash


Bigla itong nagsalita. Tas tumayo at lumapit kay Warren


"Sa pustahan." Warren


Biglang nanlaki ang mata ni Warren. Na realize niya marahil ang kanyang sinabi.



"Pinagpustahan niyo na naman ako?" Vash na galit na


"Sorry dude. Pagkatuwaan lang naman namin yun and besides di ka naman nagagalit noon ah, dedma lang." Warren



"Idea ko yun pare" Hiro



"Bat di mo sila sinaway Seb?" Baling ni Vash kay Seb



"Alam mong labas ako sa kanila." Seb na nagkibit balikat lang


"Hindi parin tama yun. Ano na naman yung pinagpustahan niyo?"



"Wala naman pare." Sabay na sabi ni Hiro at Warren tsaka tumingin sa kanya pagkatapos



"Wait. May kinalaman ba ako diyan?" Tanong niya



"Wala/OO" Magkasabay na sabi ni Hiro at Warren


Si Vash naman ay hindi makatingin sa kanya pati si Seb.


"Pinagpustahan kasi namin kayo ni Warren kung magiging kayo, eh akala ko kayo kaya akala ko nanalo ako, yun pala hindi at may boyfriend ka." Sabi ni Hiro tsaka bumaling kay Nathan na nasa tabi niya.


"Wag niyo na yang uulitin." Sabi niya


"Di ka galit?" Warren


"Masama loob ko,naturingan ko pa naman kayong kaibigan yun pala magagawa niyong ipusta ako. tsaka tama kayo may boyfriend ako."


Di niya alam kung bakit pinanindigan niya na lang na boyfriend niya si Nathan. Maybe to get even with Vash or to make Hiro jealous. Pero ni isang indikasyon ng pagseselos kay Hiro ay wala siyang nakita.



Nanlumo siya habang si Vash naman ay patuloy sa paghalik sa kasama nitong babae kahit na nasa loob ng Tea house. Iba na naman ang babaeng kasama nito. And worst, Vash treats her as if she don't exist.

  "Sorry River." Sabay na sabi nina Warren at Hiro



RIVER's POV

Di na nahiya ang hinayupak. Walang sinasantong lugar kalibugan niya. Magkaroon sana ng HIV ang lintek na Andrade na yan. Kung sino sino na lang.


Tinitingnan ko yung dalawa ng biglang nagmulat si Vash syempre ako naman si gaga na takot mahuli na tinitingnan sila ay umiwas ng tingin.


o_o ===== >_>


Tiningnan ko ulit at ang hinayupak na Vash nakatingin sakin habang kahalikan ang babae niya. At di talaga nahiya yang babaeng ha, ngayon nasa kandungan na ng manyak na si Vash! Tingnan lang natin!


"Ah guys. Aalis na kami ni Nate. Monthsary kasi namin kaya magdedate kami. Sige bye."


Nagpaalam na ako sa tatlong lalaki na nasa harap ko. Ako magpapa alam kay Vash? Nunca!



Bitbit ko na ang bag ko at paalis na sana kami ni Nathan ng biglang tumayo si Vash at nahulog sa sahig ang babaeng nasa kandungan nito.


Haha! Bagay sa malanding kagaya niya!


"Aray naman Vash, Bakit ka ba biglang tumayo ang sakit tuloy ng pwet ko." Daing ng babae


"Sorry Wilma" Walan emosyon na sagot ni Vas. Sa akin ba siya nag sososrry? Bakit sa akin siya nakatingin at ang bastos talaga di pa niya tinulungang tumayo yung babae.


"Sino si Wilma? Wendy ang pangalan ko!"


"Umalis ka na."

Ha? Pinapaalis ni Vash yung si Wendy?


"At bakit? Di pa tayo tapos Vash."



Nilapitan ng Wendy si Vash at pinulupot nito yung mga braso sa leeg ni Vash. Akma sanag hahalikan niya si Vash ng umiwas si Vash at tinanggal ang pagkakapulupot niya. yuck Wendy!

"Tapos na tayo. thanks and umalis ka na."


Parang maiiyak naman yung si Wendy nung umalis. Ang sama talaga ng ugali ng Vash na to.


Hinatak ko na lang si Nathan para umalis na. Pero bigla na lang syang nabunggo ni Vash or more like binunggo ni Vash. Problema nito???

Nagsukatan ng tingin ang dalawa. Kung nakakamatay man yung tingin nilang dalawa sa bawat isa. Hay nako! May kulog at kidlat na siguro.


"Ah Pre. Chill lang tayo." Seb

syempre sino pa aawat kundi si Seb! Nasa student council kaya siya.



"Pagsabihan mo yang lalaking yan na wag hahara hara sa daan ko." Vash


"Ano bang problema mo?" Nathan


"Ah....Eh..wag naman..." AKO


"Wala, bakit ikaw, may problema ba ha?" Vash



"Wala." Nathan




"Yun naman pala eh, baka nakakalimutan mo kung nasaan ka ngayon." Vash



"Sa school." Cool na sagot ni Nathan


"Bawal outsider dito."


"At sinong nagsabi sayo na outsider ako? As far as I know enrolled na ako sa school na to."

"Great!"


"May problema ba kayong dalawa?"
 Hiro


Hala! pati si Hiro nakialam na. Grabe na kasi yung tensyon na nabubuo.



"Itanong mo dyan." Tinuro ni Vash si Nathan



"May problema ka ba samin ng girlfriend ko?" Nathan





xoxo,
NP

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento