Chapter 10:
RIVER'S POV
Naglalakad na kami ngayon ni Nathan palayo sa cafeteria. Pasalamat ako at natigil rin yung dalawa sa pagbabangayan. Hay! Nakaka stress ng pigtails ang dalawang yun lalo na yung malanding si Vash! Grabe talaga. Kung ngayon tag-init sa kanya TAG LANDI! grabe talaga!
Kung sinagot ko yun last week malamang wala na kami ngayon sa pagkamalandi niya. Hayy! Mauunot pa buhok ko sa kakaproblema dun!
"Sana kasi di mo pinatulan!" ako
"Concern ka pa dun eh niloloko ka nga lang nun." Nathan
"Di niya ako niloloko dahil hindi naman kami."
"Eh bat maka react yun akala mo, asawa ka na niya ha? Daig pa yung inahing manok magalit eh"
"Ewan?" Syempre alangan naman sabihin ko kay Nathan na si Vash ang naka una sakin. Nakakahiya!
"May gusto ka dun noh?" Tanong ni Nathan tas napangiti yung baliw.
"Hala. Wala noh! Naiinis nga ako dun eh."
"Sos. di pa aminin. Wag ka mag alala may gusto rin yun sayo."
"Paano mo nasabi?" Curious ako nuh! Si Vash gusto ako? Haha
"Halata kaya. Syempre lalaki rin ako, kaya ramdam ko rin kung ano yung feelings ng kapwa lalaki ko."
"Naks Meyn. Walang gusto sakin yun. Kita mo naman kung lumandi diba?"
"Bakit? Selos ka?"
"Hala. Hindi nuh? Hayaan mo yun. Baliw yun ehh."
"Hayy! Halata kayang may gusto kayo sa isat-isa."
"Wala nga. Oh, bat ka napasugod dito?"
"Enrolled na kaya ako sa school na to so it means schoolmates na tayo."
"Wow! Anong course mo?"
"Medicine. First Year."
"Haha. Ilang taon ka na ba?"
"21. Nag proceed na ako Graduate na ako ng Bio "
"So magiging doctor ka?"
"Alangan businessman?"
"tangek! Eh ano, San ka mag pi field?"
"di ko pa alam. basta gusto ko magpaanak."
"Yuck. OB? Di ba awkward?"
"Yung ano?"
"Yung alam mo na, makakita ng ahmn.. vagina."
"Ewan? Wala naman. Ang sarap lang kasi sa pakiramdam tuwing may natutulungan ka."
"Tulungan?"
"Yung may natulungan ka na makita yung kagandahan ng mundo. Tapos masarap rin yung pakiramdam na may nabuhay ng dahil sayo at may buhay ka na nabigyan ng buhay."
"Takot ako sa dugo eh."
"Mawawala rin yun pag sanay ka na. Tsaka masarap sa pakiramdam na ikaw ang unang nakahawak sa isang baby. Lahat yan gusto ko maramdaman. malapit kasi ako sa mga bata."
"Talino ah! Tsaka grabe yung pangarap natin ah! Late enrollee ka?"
"Malamang."
"Buti naka habol ka?"
"Money can do everything honey!"
Sabagay. Pera rin naman kasi yung nagpapalakad sa school eh. Di na ako magtataka. Sa isang Nathan Villarica anything is possible with the help of money.
"Ano nga ba yung tungkol sa condo?"
Iniba ko na yung usapan. Andito kami ngayon sa may parang mini forest ng school. Malamig dito eh tas wifi zone pa kaya marami ring nakatambay dito. Maraming puno kasi.
"Magpapa party sana ako next week. Birthday ko kasi."
"Oh? Talaga? Advance ha! Sige ba. Basta wala lang siraan ng gamit?"
"Rest assured. Paano. Alis na ako, may pupuntahan pa kasi ako eh. And oh, before I forgot, punta ka ha? Friday next week around 6 PM. Bring your friend Rome. Bye Riv!"
"Sige. Bye!" nagpaalam na ako kay Nathan. Pogi rin tong si Nathan eh mabait at galante pa. I wonder kung may girlfriend yun kasi kung meron, swerte ng babae.
Patayo na sana ako ng lumapit sina Hiro, Seb at Warren. Anong ginagawa ng mga to?
"Bakit?" I asked them. Mukha kasing may gusto talagang sabihin eh.
"Ikaw na pre." Si Warren na tinutulak si Hiro sa akin.
"Bat ako? Ikaw! Ikaw may gustong malaman eh!" Balik ni Hiro kay Warren.
Magsasalita pa sana yung dalawa ng sumingit ako "Ano ba? May sasabihin ba kayo?"
"Boyfriend mo daw ba yun?" Seb
"Nagtuturuan pa tayo si Seb lang naman pala yung magsasabi." Warren
Kahit tahimik si Seb, at napaka mysterious siya yung spokesperson ng grupo nila Hiro. Siya rin yung laging nag iisip. Si Hiro naman yung entertainer at yung nice guy. Si Warren ang joker na maangas tas basagulero at si Vash yung playboy at financer ng grupo. Sa dami ba naman ng pera nun. Hay nako.
"Sino?" May idea na ako kung sino ang tinutukoy ng mga kumag na to.
\
"Yung Nathan?" Hiro
"Ahh. Hindi. Kaibigan ko yun tsaka siya yung tenant ko." Napangiti ako ng umawang mga bibig nila.
"Sabi sa inyo eh!" Warren
Nagpalakpakan pa si Warren at Hiro ha!
"Eh bat mo sinabi na BF mo?" Seb
"Wala lang?" Ako
Eh totoo naman eh. Si nathan kaya naka isip nun. Ginaya at pinanindigan ko na lang.
"Pinaselos mo si Vash nuh?" Hiro
"Hindi ah! Bat ko naman gagawin yun?" Nakakapagtaka talaga tong mga pinagsasabi ng mga lalaking to.
"Akala kasi namin nag selos ka nung nakita mong may babae si Vash. Tutulungan ka sana namin." Warren
"Mga baliw. Hindi ah!" Ano bang mga iniisip nila? kanina si Nathan tas ngayon yung tatlo.
Tiningnan nila ako. Yung parang sinusuri na mikrobyo. Mga aning talaga.
"Ano bang natira niyo? Katol with cinnamon flavor? Diyan na nga kayo. Mga adik talaga!"
Umalis na ako. Creepy kasi yung hitsura ng tatlo eh.
HIRO'S POV
(A/N: May POV si Papa Hiro. Hahahaha. Mahal ko yung dumadala sa character ni Hiro eh :D)
"May something talaga kina Vash at River eh. Hindi naman gagawin ni Vash yung song number kung wala siyang nararamdaman kay River." Warren
"Pagselosin kaya natin si Vash using you Hiro?" Seb
"Oy ano ka? Alam mo naman na nililigawan ko si Venice diba? Mapatay pa ako ni Vash." Ako
"Eh alam naman natin na may gusto si River sayo diba tsaka crush mo rin naman si River noon ah?" Warren
Natigilan ako. Tama. May gusto rin ako kay River noon. At alam ko na may gusto rin siya sakin. Bakit di ko siya niligawan? Simple lang, dahil alam ko na may gusto rin si Vash sa kanya. Di man yun maamin o hindi man halata ni Vash na yun na yung nararamdaman niya towards River pero ako alam ko. Tsaka alam ko na masasaktan ko lang si River.
Una kong nakita si River sa may building ng Tourism at HRM. First day of school yun. First year siya at ako second year. Actually, unang nakakita sa kanya si Vash, tinuro ni Vash sa akin si River. Kasama pa nga namin noon sina Seb at Warren. First day of school naman kasi kaya nag ikot ikot kami para makakita ng mga magaganda na pwede naming maka hook up. Ang ganda ganda niya noon kaya nga palagi kong binabantayan. Di ko siya magawang lapitan dahil natatakot ako na baka di niya pansinin ang kagaya ko. Ang kagaya kong kilala bilang play boy.
May tumutulak na sa akin noon na lapitan siya at magpakilala kaso, tuwing gugustuhin ko naman, may pumipigil sa akin na wag ko gawin yun. Minsan kasi nakikita ko si Vash na lihim rin siyang pinagmamasdan. Lalo pa noong nag try out siya para sa volleyball team. Inabangan namin yun. Sa pamimilit rin ni Warren na manuod kami. That time kasi ay may nobya si Warren na nag try out rin.
Magaling talaga mag volleyball si River kaya hangang hanga ako. Mas lalo ko siyang hinangaan noong siya ang nag represent ng Tourism department sa isang event sa school. Beauty pageant yun. Ang ganda ganda niya nun kahit first year pa lang siya tapos mga kalaban niya higher levels. Akala ko nga siya na mananalo eh, kaso yung nanalo sa Nursing Department na 4th year. Pero kahit ganoon. Siya parin ang panalo para sakin.
Marami na pagkatapos nakakilala sa kanya. Marami na ring manliligaw. Hamakin mo, Varsity player ng volleyball tapos beauty queen pa? Hanep diba? Kaya nga di na ako nag dalawang isip na lapitan siya sa may cafeteria noong nag iisa siya. Nagpakilala ako. Akala ko nga iisnabin niya ako.
Nagulat ako nung nalaman ko na marami kaming pagkakapareho. Liligawan ko na sana siya. Kaso pinigilan ko sarili ko kahit alam ko na may gusto na ako sa kanya. Alam ko kasi na baka masaktan ko lang si River pag naging kami. Siya kasi yung tipo ng babae na kailangan mong alagaan. She may seem tough outside pero deep inside shes fragile.
I am aware of the feelings she had on me. Kaso di ko pinansin. Hanggang sa na divert ang feelings ko sa kapatid ni Vash. Don't get me wrong pero seryoso ako kay Venice. Tsaka kung magiging si Vash at River man. Susuportahan ko tambalan nila.
<> HenVer <> . Oh diba?? Hendrick + River = HenVer
"Noon yun pare. Iba na ngayon." Sabi ko
"Tulungan na lang natin yung dalawa. Konting push lang naman yung gagawin natin eh. Para maging sila kundi everybody happy!" Warren
"Sige I'm in."
Nagulat siguro yung dalawa. Syempre tutulong ako na magka lovelife na yung gagong si Vash nuh. Alam ko naman na hindi niya masasaktan si River eh.
"Okay. Maging malapit ka kay River para isipin ni Vash na threat ka sa kanya." Seb
"Yun lang?"
"Ulol! Syempre paselosin mo si Vash hanggang may gawin para kay River!" Warren
Minsan may sense rin si Warren eh. Kahit gaganyan ganyan lang yan, makaka usap mo parin yan pag sa seryosong usapan!
Both of my friend nodded. Halata rin naman na may feelings si River kaya para magka love life na sila. Tutulong na ako.
✌(^◡~)
xoxo,
NP
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento