Biyernes, Mayo 31, 2013

HLIB: Can We Talk?


Chapter 3




RIVER'S POV



Mygaaaad! Im sooo late. Statistics pa naman first class ko. Lagot ako nito. Naghanap ako ng pwedeng pag parkan ng kotse ko. I tried to find a parking space na malapit sa entrance ng gate but damn! Puno lahat ng car. Sabagay 9:30 na kasi and by this time marami rami na talagang nagpapark.











Napadpad ako sa may left wing ng parking lot which is malapit sa may Bus. Ad Department. Binalot ako ng kaba. Shit! Not now. As if makakasalubong ko yung lalaking yun. I am not ready to face him.


As far as I know, Vash is taking up Business Ad and he is now on his 4th year.


Hindi na nga ako pumasok kahapon eh. I know magtataka mga kaklase at kaibigan ko, lalo na si Rome. Pero ano magagawa ko? I cried whole Monday ng dahil sa nangyari sa birthday ni Hiro and by thinking of how it did affect my life, I felt like crying pero kinalma ko self ko. Hindi ako iiyak ngayon. Pagod na ako sakaka iyak at hanggang ngayon maga pa mga mata ko.


Kahit gaano kakapal na concealer ang gamitin ko, halata parin sa mga mata  ko ang pag iyak at alam ko na hindi ito makakaligtas kay Rome. Maybe its good if I let him know what happened para naman may karamay ako.


After I parked my car, lumabas na ako pero di ko inaasahan ang isang taong ayoko sana makita na makakasalubong ko. He's with his friends Hiro, Warren and Seb na pawang teammates nya rin - si Vash.


Aminin ko man sa hindi, parang tumalon yung puso ko ng makita sya. He's drop dead handsome and I bet my whole fortune, ang mga babaeng nadaanan nya kanina cant help but to drool also. He' s smiling from ear to ear pero agad din yun nag laho ng nakita nya ako. I saw his mouth formed my name.


The sight of him made me nostalgic. Umiwas ako ng tingin and I locked my car. Aalis na sana ako ng tinawag ako ni Hiro.



"River! Thanks nga pala sa gift mong iPad mini. Wow! Thats one of the gifts that I love most. Thanks talaga hope you enjoyed your night sa party kahit maaga ka umuwi." Hiro was smiling and I cant help but return him a smile.


Hindi siguro alam ni Hiro na I stayed the night at their place which is a good thing. Sana walang pinagsabihan si Vash sa nangyari. Speaking of Vash, napatingin ako sa kanya and he's looking at me intently. Kung nakakatagos lang yung tingin, kanina nya pa nakita yung baga ko.



"Wala yun. Am.. excuse but I really need to go, may pasok pa kasi ako kay Prof. Penafel alam mo naman yun." Aalis na sana ako ng nagsalita si Warren.


"Wala si Mam Penafel Riv, I suppose stat klase mo?" I nod



"Nag leave sya, namatay kasi Nanay nya. But she left some paperworks." Seb




Si Seb short for Sebastian Madrigal ang University President ng school org. He's your modern nerd type. Hindi sya totally nerd ha, but he is wearing an eyeglasses. Kung pumorma may ipapabugal rin noh. Seb is also a Bus.Add student at 4thyear na.



May-ari sina Seb ng Madrigal Shipping Lines. Sila rin yung may-ari ng one of the top security agency here in the Philippines.

Si Warren naman ay anak ng Vice President ng Pilipinas na si Enrico Villalobos. Sa pagkaka alam ko tatakbo sa nalalapit na eleksyon ang Daddy nya sa pagka Presidente. May-ari rin sila ng isa sa mga nangungunang airline company dito rin sa Pinas.

Si Hiro naman ay anak ng kilalang engineer sa buong bansa na si Mr. Danilo Montecillo at aktres na si Juliet Recoletos. Sa real estate naman ang kanilang income. Sikat si Hiro dahil sa angkin nyang galing sa pagkanta. *Kaya nga mahal na mahal ko eh.


at si Vash, sila lang naman ang may-ari ng top leading telecommunication network. Sa real estate at airline company rin ata sila pati clothing line. Sa kanilang lahat si Vash ang pinaka mayaman.

Sebastian Madrigal, Warren Rafael Villalobos, Hiro Montecillo at Vash Hendrick Andrade sila yung masasabi mong dream boy mo. They came from elite families. Sila yung mga taong may gintong kutsara na sa bibig kahit di pa pinapanganak. Sila lagi yung laman ng mga entertainment news. Heir ba naman sila ng mga naglalakihan at makapangyarihang businessman sa bansa.

Mula paagkabata magkakaibigan na ang apat. Binansagan pa nga silang The Bachelors eh. Pero kahit ganyan na ang antas ng pamumuhay nila. Hindi sila nanghahamak ng kapwa nila. Come and Go lang ang mga babae sa kanila, kahit si Hiro pero mas malala si Vash.


At bakit alam ko to? Hello! Ikaw ba naman umibig sa isa sa kanila ewan ko lang kung di mo subaybayan talambuhay nila. Daig ko pa ang panunuod ng teleserye gabi gabi.



"Oh ganun ba. Ahm, sige I really need to go. Hahanapin ko pa si Rome."


Humakbang na ako paalis ng marinig ko boses nya.


"River, can we.. can we .. uhmm.. talk?" Napatigil ako nung narinig kong nagsalita si Vash, hindi ko magawang humarap sa kanya dahil natatakot akong umiyak sa harap nila. I closed my eyes and I tried my best to stop a sob from coming out of my mouth. Unti unti na rin kasi nangingilid ang luha sa mga mata ko. Hindi pa ako handang makita at mas lalong makausap sya kasi nasasaktan ako pag naaalala ko katangahan ko.


Kinalma ko sarili ko sabay sabing "Some other time na lang. I need to go." Bago pa sya magsalita tumakbo na ako. Bahala na kung ano isipin nila basta makaalis lang ako sa harap nya.


OA ba? Hindi nyo naman ako masisisi. Nakakahiya ng mga ginawa ko. Kung ikaw kaya sa sitwasyon ko? Makakaya mo kaya ito?


I am just your average college student. Hindi kami sobrang mayaman dahil ang kinabubuhay lang naman namin ay ang pagbebenta ng water pipes. Malaki rin naman kita doon pero sakto lang sa aming apat. Si Lindsey kasi is taking up Fashion designing, tas ako Tourism kaya magastos. Si papa lang naman yung nagtatrabaho sa amin eh. Varsity ako sa Volleyball since highschool kaya libre tuition fee ko.


Back to the story. So andito ako ngayon sa cafeteria, hinihintay si Rome, fashion designing din kinukuha ng lola nyo. Kaklase nya si Lindsey pero kahit ganun, hindi talaga magkasundo yung dalawa. I texted Rome na dito na lang kami magkita sa cafeteria.


Dahil wifi zone ang Cafeteria namin, I decided to surf the net. Open facebook and open twitter ng dumating si Rome.


"Hoy Ilog! Mabuti buhay ka pa. Bat di ka nagparamdam kahapon? Nilunod ka ba bi Hiro sa saraaap?" Nawala bigla ang nakakalokong tingin ni Rome ng mahalata nya ang mukha ko.



"Rome, I badly need your hug as of this moment." As if on cue, tumulo na lang bigla ang mga luha ko. Hindi naman alam ni Rome kung ano gagawin dahil ngayon nya lang ako nakita na ganito ka vulnerable.


"Ohmy. Pigilan mo yang luha mo River, nakaka kuha ka ng atensyones. Alis tayo dito tas hanap tayo place kung saan ka makakaiyak. Gusto mo sa condo tayo?"



Ito ang isa sa gusto ko kay Rome, hahayaan nya muna akong umiyak, he will be patient to wait for me to spill the beans. Makikinig lang yan at pagkatapos iiyak kasama ko


"Ayoko na umiyak, pagod na ako eh. Kung pupunta pa tayong condo mo, baka mag breakdown pa ako. Dito lang tayo. Sa may kotse mo na lang."



Tinungo namin ni Rome yung kotse nya. Ng nakapasok na kami inabot nya sakin yung tissue. "Sige, iiyak mo lang kahit pagod ka na, makikiiyak lang ako sayo, wag ka mag alala, marami akong stock sa likod ng tissue dahil expected ko na to"


Napahagulhol ako sa harap ni Rome. Kung joke time lang to, matatawa talaga ako, umiiyak rin kasi ang gaga eh hindi pa nga nya alam yung rason ng pag iyak ko. -,_,-


"Gaga ka, hindi pa nga ko nagsasalita, umiiyak ka na jan, at anong expected ha?"

"Eh mas gaga ka, di mo pa nga nasasabi umiiyak ka na, nadala lang ako nuh! Ang galing mo talaga magpa iyak."


"Rome, naisuko ko na eh, nabigay ko na..."


"Eh bat ka umiiyak? Gaga ka, akala ko ba naibigay mo na? Akala ko pa naman umayaw sayo si Hiro kaya dinalhan kita ng tissue. Hindi ka ba satisfied sa performance ni Hiro? Maliit ba yung kanya? Or masakit pa kaya ka umiiyak?"



"Hindi Rome, hindi ganun, sana ganun pero hindi, naibigay ko Rome, hindi kay Hiro pero nasuko ko kay.."


"Whaaaaaaaaat? So walang nangyari sa inyo ni Hiro?! Teka nga, naibigay mo diba? Eh kanino?"0_0?




"Kay ano, kay... Va-..."



"Jusko River, maloloka ako. Nagsasabi ka ba ng totoo? Mahihimatay ako nito sayo eh, kanino?" Nasigaw na si Rome. Ganyan yan pag tensed kaya di ko rin napigilang sumigaw.



"Kay Vash! Vaaaaaash Andrade"



"Anak ka ng Nanay mo. As in Vash Hendrick Andrade? Yung kaibigan ni Hiro? Oh Juan, how? I mean how did it happened? Did he raped you?"



"Yes... No..  Wala akong idea na si Vash yun Rome. God knows I never had any idea that it was Vash I made lo..sex with." Ano ba yan. Di ko mapigilan umiyak. Napaka helpless ko eh.


"Gumamit ba kayo ng proteksyon?" Matagal bago ako makasagot dahil ang totoo hindi kami gumamit at natatakot ako na baka magbunga yung nangyari.



Umiling ako and another sob came out of my mouth."Natatakot ako Rome. Di ko alam gagawin ko. Hindi naman to siguro diba?"



"Mygaaad River. I dont know what to do. Maloloka ako nito Sis eh. I dont know what to say but Im here for you always. Nakapag usap ba kayo ni Vash after?"


"He tried to talk to me kanina but I refused. Nasasaktan parin ako kasi Rome, I gave my body sa kaibigan ni Hiro. Maybe if Hiro and I did it, siguro hindi ako nasasaktan. Maybe Hiro will find ways to deal with this. Or maybe hindi itutuloy ni Hiro ang balak ko pero kasi nasaktan ako sa sinabi ni Vash, everything we did was just sex for him nothing more. And it hurts because I felt I made love with someone I love, sa isang tao pa palang walang puso."



"That idiot. Nako, mapapatay ko ang Vash na yun River. You should never be treated like the way he did. Nagkamali ka and he grabbed the oppurtunity that you were vulnerable. Wala talagang puso ang heartbreaker, womanizer na yun"


"Nahihiya ako Rome. Nakakahiya ang isang tulad ko. Paano pag nagbunga, paano kung malaman ni Daddy? Nagkasagutan pa kami ni Lindsey kahapon"


"Everythings gonna be alright River. Trust me." Medyo napanatag ang loob ko ng sinabi ni Rome sa akin yun. Yes, everythings gonna be alright.




VASH'S POV

"May can we talk, can we talk ka pang nalalaman Andrade ah, Ano yun? May something ba sa inyo ni River?" Seb

Napatigil ako sa paglalakad at hinarap ko ang mga kaibigan kong mga tsismoso. Daig pa mga babae sa pagka tsismosa eh, lahat sila naka abang sa sasabihin ko.

"Wala. May itatanong lang ako" Pinagpatuloy ko ang paglalakad, gulong gulo parin kasi ako sa nangyari sa amin ni River. Ang tanga ko lang dahil yun yung sinabi ko sa kanya nung araw na yun. Halata rin naman na ayaw nya ako maka usap at nasasaktan parin sya. Pero River and I really need to talk to sort out things between us.

"Spare River dude. She's my friend" Hiro


I hold my grip. Ano tingin sa akin ni Hiro? Sabagay kilala nya ang likaw ng bituka ko but I will never think River as just another woman I bedded. Alam kong iba sya and God knows how guilty I am, but whatever River and I shared? Hinding hindi ko pagsisisihan yun.



"She's different, shes like a crystal, shes fragile, you should take care of her and not hurt her feelings. Siya nga lang yung isa sa mga taong hindi ilang sa atin." Warren


"Ano bang iniisip nyo? Walang namamagitan sa amin ni River, at kung meron man. I will treat her like a princess not the other way around. Excuse me but I need to go, late na ako. Kita kita na lang tayo sa practice."


Nakakabanas lang. Porket gusto ko lang maka usap si River eh kung ano na ang mga sinabi ng mga ugok. Mas lalong gumugulo isip ko eh. Potek!




SEBs POV


"I can smell Love dude." Warren

Humarap ako sa dalawang tao na nasa likod ko, mukhang may iniisip ang dalawa habang nakatingin sa papalayong si Vash.



"50 thousand. Magtitino na si Vash with the help of River." Hiro


"At nakipagpustahan pa kayong dalawa ha? Paano pag nalaman ni River at Hiro to?"



"Hindi yan malalaman, Kung di natin sasabihin. I bet, 50 thousand also, iiyak ng luhaan si River dahil kahit kailan man, hinding hindi na titino sa babae yang kaibigan natin. Deal?" Warren


"Dont underestimate the power of love my friend. Never do that. Yeah, Deal" Hiro ^^


At nagkamay pa ang dalawa ha.


"Spare me with the bet guys, wala akong kinalaman jan" sabi ko nung tumingin ang dalawa sa akin at may nakakalokong ngiti.


"Playing Safe" Sabay sabi ng mga ugok. I gave them a half smile.


Ganyan palagi ang dalawa. They always do bet. At ang palaging victim ng bet nila? Si Vash, una napagkatuwaan lang hanggang sa tumagal. At ang pinagpupustahan? Kung gaano katagal mananatili si Vash sa mga ka Fling nya. Palaging nananalo si Warren.


Ayoko mag predict dahil nararamdaman kong both River and Vash will gonna be hurt. Pero depende parin yun sa dalawa ang pinagtataka ko lang kung bakit nung gabi ng birthday ni Hiro ay sumama and God knows kung ano pa pinaggagawa nila sa kwartong yun. Yes. I saw River and Vash escaped to the party and went upstairs. Pinatunayan nilang sila yun nung nakita kong lumabas si River the next day sa kwartong yun na luhaan and after a couple of minutes si Vash.

 At kung bakit nagawa nilang dalawa yun kung alam kong may gusto si River kay Hiro? Palaisipan parin sa akin yun.

Basta ang alam ko lang, gulong gulo na ang isip ng dalawang yun. And I need to do something.





============
LIBRE MANGARAP AT MAG-ILUSYON NG BONGGA SA TAONG MALAKAS AT MALAWAK ANG IMAHINASYON.


xoxo,
NenePatatas <3

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento