Biyernes, Mayo 31, 2013

HLIB: She Passed Out


Chapter 5:



"At yun nga, bigla na lang may kumatok tas naputol!" Kinuwento ko kay Rome yung nangyari sa amin ni Vash noong isang Linggo.

OO Isang linggo na ang nakalipas. Hindi ko pa nakikita si Vash dahil busy sila sa practice. Malapit na kasi ang game nila.  mabuti na rin yun kasi parang wala akong mukhang maihaharap sa kanya pagnagkaganoon.


"Pabitin ka naman eh! Ano pagkatapos yung nangyari? Nagbihis ka tas umalis?" Rome


"Malamang! Alangan naman hintayin ko pa si Vash na bumalik sa kama at hayaan sya na ituloy yung nangyari. Pasalamat na lang ako at nung matapos syang halikan ng Angela na yun ay sinara nya ang pinto."


"Hala ka! Nahumaling ka na sa alindog ni Papa Vash!"


"Hoy! Ano ka? Hindi ah.. Stick to Hiro parin tong puso ko noh! Lust, Tama, Lust lang yung nararamdaman namin sa isat-isa ni Vash after all sya naman naka una sa akin eh."


"Bongga ka na Teh! Level up na ang Love Life ha!"


"Wala akong love life rome alam mo yan, at si Hiro lang ang love of my life ko. Kasalanan yung nangyari sa amin ni Vash at kailanman di na ulit yun mamngyayari."


Papunta kami nagyon ni Rome sa cafeteria. At dahil Lunch Break puno ito.


"Sa labas na lang tayo kumain Rome?"


"Ehh! Ayoko. May defence pa ako mamaya sa thesis namin. Dito na lang. order na lang tayo. Ano sayo?"


Sinabi ko kay Rome yung order ko, siya yung pumila habang ako naman ang naghanap ng mauupuan namin. At dahil wala talaga akong makitang bakanteng upuan, naghintay ako sa may pintuan banda ng cafeteria. Kita mo kasi dito kung may bakanteng upuan.



"Hey River!" Hiro

Yung feeling na parang tumalon yung puso mo sa ganoon kasimpleng pagbati!


"Hey! Kakatapos lang ng practice?" Ako


Pinagmasdan ko si Hiro. Bagong paligo ito Naka simpleng pantalon at VNeck shirt lang sya pero Wow! Oozing sa kagwapuhan! Hay nako. Sarap papakin Ambango eh! :>


"Yup. Kapagod nga eh. Naghihigpit si coach, alam mo naman yun. Kayo wala pang practice?"

Varsity sa soccer sina Hiro, Seb, Warren at Vash habang ako naman Volleyball.


"Hehe. Hinahanap na nga daw ako ni coach kasi wala ako kahapon. Pero mamaya may practice. See you na lang." I smiled



"Good Luck! May hinihintay ka ba? Sama ka na lang sa amin kung kakain ka. My treat." Hiro


"Yeah. I'm waiting for Rome and speaking of Rome ayun may nahanap ng upuan ang loka. May mauupuan ka ba? You can join us." Pag imbita ko sa kanya.


"Actually hinihintay ko si Vash at Seb, Eto na pala ang dalawa eh. Saan ba kayo nagsusuot?"

Kung kumabog ng bonggang bongga kanina ang puso ko ng makita si Hiro MAS kay Vash. Hay nako Lord! Nung nagsaboy ka ba ng magandang lahi pinasalo at pinakain mo ba ng buong buo kay Vash? Bat ang Hot nya ngayon??

Di ko mapigilan na titigan sya and I saw his face formed a smile then eventually became a smirk.

"Oy River. You're drooling with Vash. Haha. Oyyyy!" Siniko ako ni Hiro at yun ata ang nagpabalik sa akin sa tamang huwisyo.

"Youre saying something Hiro?" I asked.



"Sabi ko, Tinatawag na tayo ni Rome. Halika na kako. Nako! Nakita mo lang si Vash nagkaganyan ka na. Sasaktan ka lang nya!" Natatawang  sabi ni Hiro.


"Shut up men!" Humarap ako ulit kay Vash at nakita kong namumula sya. Blushing??



Lumapit kami kay Rome habang si Seb naman ang nag order ng kakainin ng tatlong boys.


"Love Triangle ang peg. Iba na talaga pag mahaba ang buhok, di na kayang ipigtails." Rome


"Love Triangle?"Vash


Sasagot pa sana si Rome ng sinipa ko paa niya, napatingin naman sa akin ang gaga at pinangdilatan ko.


"Wala. So kamusta ka Vash?" Rome

Echosera talaga toh. Kinakabahan ako lagi pag kasama sya may pagka madulas pa naman yung bunganga sabagay malaki nga yung bibig.


"Im fine. Why did you asked?"Vash


"Masama bang kamustahin ka?" Rome na nakataas ang kilay


"Rome ano ba. Umayos ka nga." Saway ko sa kanya


"Sos. Pinagtatanggol mo lang Loverboy mo eh."

Mag rereact pa sana ako ng biglang tumawa ng malakas si Hiro. My gad! I totally forgotten about him.

"Damn gays. Ang sarap nyong kausap. Wait I'll answer this call" at nag excuse ito.


"River." Vash

No Response ><

"Hey Riv." Vash again


NO RESPONSE again.

Tingin tingin sa paligid. Tingin sa phone, tingin sa kuko.

"Hoy gaga. Kinakakausap ka!" Rome



"Are you saying something Rome?"



"Hey, I am talking to you. Tinatawag kita. Oyy River." Vash




Me: NO RESPONSE AGAIN


"Oh damn you all women. You're all dramatic and hard to talk. Napaka arte at napaka sungit." Vash na napasabunot sa buhok dala marahil ng labis na frustration sa hindi ko pagpansin.


Kung papansinin ko sya anong sasabihin ko? Nakakahiya parin eh!


"Darn women but they make us all feel crazy about them, right Vash?" Seb.

Hindi namin namalayan na nakabalik na pala sya at bitbit ang mga pinag order nila. They all ordered Tapsilog and extra rice. Mga lalaki talaga . Lakas kumain.

At dahil pang animan ang inupuan namin Ganito ang sitting arrangement naming lima:


|Seb|         |Vash|          |Rome|
|Hiro|         |Me|             |FreeChair|


Kaharap ko si Vash pero d ko sya pinapansin. Tahimik kaming nakatapos ng pagkain. Siguro dahil gutom na gutom talaga ang mga boys.



"Hiro, mauna na ako. I have a defense to do pa kasi eh.Sis, sorry di muna kita maihahatid. Nagmamadali talagaako eh." Rome


"Ano ka ba. Ok lang noh. Good Luck. Kaya mo yan :)"


"Ako na maghahatid sa kanya" Sabay na sabi nina Vash at Hiro



"Sige pare ikaw na lang." Sabay ulit



Napailing nalang si Seb"Hindi, ako na. Tara Riv?"Aya ni Seb kay River



"No pare, ako na lang, may sasabihin din ako sa kanya eh."



"Hindi, okay lang ako. Hindi ako maliligaw sa school noh. Sige guys. Bye." Nag umpisa ng maglakad si River ng hinigit na namn siya. Di na nya kailangan manghula dahil alam namaan niyang si Vash yun. mahilig manghila.


"Vash bitawan mo ako, maraming tumitingin." Hila hila sya ni Vash at patuloy sya sa kakapalag.



"Ihahatid lang kita sa room mo. tapos mamaya hihintayin rin kita na matapos ang practice mo para makapag usap tayo."



"Wala na tayong dapat pang pag usapan. Kalimutan mo na yun."


"Kalimutan? Kung gugustuhin ko, matagal ko na sana nagawa kaso hindi eh. Matagal na dapat sana kitang kinausap tungkol sa bagay na to."


"Mamaya. May pasok pa ako, mamaya na lang tsaka bitawan mo na ako." Binitawan naman siya ni Vash



"We'll talk later River." Sabi nito at umalis na.
Di naman mapakali si River. Kung pwede nya lang sana hugutin ang oras ginawa na nya para makapag practice na sya at makapag usap na sila ni vash. Kahit di nya man kayang ungkatin pa yung nangyari sa kanila alam niyang kelanagn nila mag usap.


Natapos ang klase, diretso naman siya sa gym. Nakapagbihis na sya ng volleyball uniform nya. Di pa naman nagsisimula ang practice kaya umupo muna sya sa isang parte ng bench at doon isinalampak sa tenga ang headset. Maya maya tumunog ang message tone nya.

"I'll wait for you. Good Luck sa practice and take care."

Nagtaka siya kung sinong nagtext sa kanya. Hindi nya kasi kilala yung number. maya maya nag text ulit ito.

"Its Vash. I'm here at the other side of the bench, I'll watch your practice."


Napatingin sya sa kabilang side at nakita nya si Vash with his infamous smirk while waving his hands to her. Di nya pinansin ito, nakatingin kasi ang ibang mga kasamahan nya sa volleyball sa kanya pati narin yung member ng cheersquad.


Vash has the power to capture any girls heart. Hindi nya alam kung bakit lagi itong pinagkakaguluhan at pinag aawayan ng mga babae. Pawang 3/4s ng girls population sa schoolnila ang may gusto kay Vash pati na kay Hiro,Seb at Warren.



Nagstart na yung practice at aminin man nya hindi sya makapag focus knowing theres someone watching her intently.


"Monteverde! Umayos ka nga. Focus! Nawawalan ka ng focus kaya kung saan tumatalbog yung bola." Kanina pa sya napupuna ng coach nila.

"Break muna coach, medyo masama kasi pakiramdam ko."Palusot nya, kailangan nyang pilitin yung utak nya na mag focus sa laro. Pinayagan naman siya ng coach.

Totoong masama pakiramdam niya, siguro nanimago sa bagong paraan ng pagtrain sa kanila ng coach nila.


Papunta na sya sa may bag nya para kunin yung tubig at towel nya ng nakita nyang andun si Vash, hawak ang towel at tubig nya.


ng nakalapit na sya inabot nito sa kanya ang mga gamit.

"Bat andito ka pa?"She asked


"I told you, I'll wait for you. we need to talk. A real talk."


"OO na. Umalis ka kaya muna dito?"


"And why?"


"Di kasi ako maka focus pag andyan ka." Huli na para bawiin nya yung sinabi nya. Naitakip nya nalang yung kamay nya sa bibig nya. Ang tanga nya! Tumalikod sya dito, humarap siya sa may court habang ito ay nasa likod nya.


"Haha. No babe. I'll watch your game. Just try to imagine na wala ako dito."

Hinawakan nito ang balikat nya at minasa masahe sakto naman at umiinom sya. Muntik na syang mabilaukan sa biglaang pagmasahe nito.


"Papatayi---BOGSHHHHHHH!" Bago nya pa masabi yung dapat niyang sabihin ay bigla nalang na may bolang lumipad sa pagmumukaha niya. Sapol ang noo at ilong nya. Napaupo sya sa lakas ng impact ng bola



"Oh Sht! Babe! River, are you okay?" Agad siyang dinaluhan ni vash.


Pinatayo siya nito at ang nag aalalang mukha nito ang una niyang nasilayan.



"Oh f*ck your nose is bleeding! River! Can you hear me?"


sa nanlalabong paningin nakita niyang pinalibutan siya ng mga kapwang players. Naramdaman pa niyang binuhat siya ni Vash pero bago siya mawalan ng malay narinig niya ang mga katagang mas lalaong nagpasama ng pakiramdam niya.







"Serves her right. Ang landi kasi. Noon si Hiro ngayon si Vash naman. Grabeng slut! I hate her!"

Lindsey? Ikaw ang may kagagawan?


"Yeah youre right Lindsey. She's a slut. I hate her too."



And then she passed out..






xoxo,
NenePatatas <3

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento