Biyernes, Mayo 31, 2013

HLIB: Meet the Family..


Chapter 22:


River's POV:


Andito ako ngayon sa bahay. Saturday kasi at kakatapos lang ng Pre-lims namin. Wala ring magawa kasi si Rome nagtungong Iloilo. Bibili daw ng Hablon of Iloilo tsaka vacation na rin. May fashion contest ata siyang pupuntahan at yung tema mga Filipino made na tela ang dapat gamitin.

So sinadya niya ang Iloilo para makita kung paano gumawa ng hablon at para na rin daw ma experience ang night life doon. May nakapagsabi kasi sa bruha na yun na maganda daw ang mga bar doon. Sobrang enjoy ka, kasi parang may street doon na tinatawag na "Smallville" Sa lugar daw na yun dyan nakahilera ang mga bars. So di rin pinalagpas ng lola mo!


(A/N: Totoo po ang "Smallville" sa Iloilo, back on my freshmen years sa College every friday ako jan! Haha. Likas na party goer)



Si Vash naman ay busy sa practice! may laro kasi sila next week kaya todo ensayo. Tsaka mula pa kaninang alas otso ng umaga ni isang text walang ipinadala sa akin. eh alas tres na ng hapon eh, Wala pa rin.  Nahihiya naman akong itext siya. Alam niyo na, Pride.


I wonder kung ano na kaya ginagawa niya? Aaminin ko, matapos ng nangyari sa amin ni Vash nag-iba na yung pakikitungo namin sa isat-isa. Sa school palagi kaming magkasama at kahit saan man magpunta. Tsaka medyo awkward kung andiyan si Hiro, di ko mapigilang alalahanin yung sinabi niya sa rooftop.


So far, so good naman kami ni Vash. Almost two weeks na ang nagdaan mula ng may nagyarisa amin pero di ko pa alam kung ano ang dapat itawag sa amin ni Vash. Girlfriend na niya ba ako? Pero kung ano man iyon, ang mahalaga, may pagkaka unawaan na kami.


Naputol ang pagmumuni muni ko ng bumukas ang pinto ng room ko at iniluwa si Lindsey.


Anong kelangan niya?



"Yes?" Ako


AWKWARD -_-


"Hi." Lindsey


"Uhmm.." Ako

di ko alam sasabihin ko eh. Since nakahiga ako eh pinasya kong maupo muna. Iminuwestra ko sa kayang umupo siya. Tumabi siya sa akin.



"I know its awkward and totally different." Simula niya


I encouraged her to go on..


"But.. I wanted to say sorry for all the bad things I've done in the past Riv. I know i was so cruel back then, so.. uhm... forgive me. I know mahirap makalimot lalo na magpatawad pero.."


Sumingit ako sa sasabihin niya "I'm sorry rin kung pinapatulan kita noon."


I smiled at her..


"Oh god! I just wanted to make bati na with you kasi were not getting any younger at ayokong lumala pa ang war between the two of us."


Dinamba ko si Lindsey at niyakap. I've waited this moment to happen! Shocks. Naiiyak ako at bago ko pa mapigilan ang luhang toh eh pumatak na talaga.


"I'm so happy na nagagawa natin to." Ako *Sob*


"Gusto ko na magbagong buhay. At ang pagbabagong yun ay dapat umpisahan ko sa inyo." Lindsey

Di ko man alam kung bakit niya pinasyang magbago pero di na importante yun. Ngayong bati na kami sana wala ng away na mamagitan sa amin. Masaya ako at dumating ang araw na ito. Ang araw ng pagbabati namin.


"All thanks to Vash. He made me realize things I should have done way back before." Lindsey


Anong kinalaman ni Vash sa pagbabati namin ni Lindsey? Pero kung ano man iyon, masaya ako. At si Vash pa talaga ang naging tulay ng pag-aayos namin.


Remind me to thanks that guy of mine later..


"why? Anong ginawa ni Vash?" I can't help but to ask



"Wala naman. Anyways, kamusta kayo?"


"Okay lang naman."


Sasagot pa sana si Lindsey ng mag ring ang phone niya. Nagulat ako ng marinig ko ang sinabi niya.


"Vash.." Lindsey talking to the phone.



Di ko pinahalata pero nakikinig ako. Grabe. Mabuti pa si Lindsey tinwagan ni Vash. Ako kaya? Tss. Sige lang, baka kasi importante naman yung sadya ni Vash.


Tumagal lang naman ng mahigit 20 seconds pag-uusap nila.


"Prepare ka Riv. Dinner tayo mamaya, call Mommy and Tito. I know matutuwa sila sa pag-aayos natin." Lindsey


"Sige."


Yan lang sagot ko tas tumayo na ako at nagderetsong CR. Nakakasakit lang! Mabuti pa si Lindsey tinawagan ni Vash. Ako kaya? Malamang break nila ngayon. Nakakatampo -_-


So after ko maligo eh tinwagan ko si Dad sabi ko dinner lang sa labas, di ko muna sinabi sakanya na okay na kami ni lindsey. Para surprise. Si Tita Belinda naman eh sinabihan na namin na okay na kami ni Lindsey, sobrang natuwa siya kaya okay narin kahit sobrang awkward. Hello! Kulang na lang kasi magka world war 3 sa pagitan namin ni Lindsey tas ngayon bati na? Well, buhay nga may hangganan, pag-aaway pa kaya?


Hinintay naming umuwi dito si dad para isang car na lang yung gagamitin. Exactly 5:30 ngf makauwi siya and pinaalam namin ang good news.


"Really? GREAT! Wow! i'm happy. Bati na ang dalawang dalaga ko!" Daddy


"Yes! And its time for a celebration! Nagpa reserve na ako ng place kung saan tayo magdidinner." Lindsey

naka ayos na rin siya. at dahil isa ito sa mga mahalagang araw na kumpleto kaming lalabas at bati na kami ni Lindsey eh nag dress na lang kaming tatlo pati si Tita. Si Daddy naman eh di na nagpalit. exactly 6PM eh nagbibyahe na kami.


Sa Makati daw kami mag didinner. Well, katabi ko ngayon dito si Lindsey sa back seat. Si daddy ang nag drive. Sinulyapan ko si Linds na busy sa katext niya. Hmn? Sino kaya katext niya?


i checked my phone. May isang message! i opened it and hoping it was Vash. Si Nathan lang pala.

He's asking kung pwede daw ba ako bukas. I asked him why tas tumawag agad.


"Hey Nate." Ako


"pwede ka tom?" Nathan

"Why? Di ko alam eh, after church maybe, why?"


"Ahh. Yayain sana kitang date bukas." with laugh


"Oh. ganun ba?"

Date? Tss. paano ko ba sasabihin kay Nate na may namamagitan sa amin ni Vash pero di ko alam kung ano ang tawag sa kung ano man ang mayroon kami ni Vash. -_-


"please??? PLEASE...."



"Sige ba. text text na lang bukas. Kasama ko kasi ngayon family ko."


After that i hung up. Lindsey asked me kung sino ka text ko. Sabi ko naman sa kanya friend ko, since di naman ata niya kilala si Nate.



"Mabuti at okay na kayo. What made you both na magkasundo?" Tita belinda


"I wanted change. Wala na po pala kami ni Diego."


I faced Lindsey at parang wala lang sa kanya. Shocks! Kelan pa? eto ba yung isang reason why she wanted change??



Nakarating kami ng restaurant..


Since nakapareserve na si Lindsey ng table eh doon kami nag deretso. Nagtaka nga ako kung bakit pang animan yung kinuha niyang table. Maybe because maraming food ang inorder at para maluwang ang round table.


Si Lindsey naman eh di mapakali as soon as we have seated. Busy siya sa kakatingin sa may door ng resto. Napuna nga ni Tita and she just answered na may bisita daw kaming parating.



We were at the middle of our dinner when someone arrived.. Right at that moment parang tumalon ang puso ko, daig pa noong sumakay ako ng EKstreme.




"AM I late?" Sabi ng isang pamilyar na boses na nagmumula sa likuran ko..





Si Vash...



At ang pogi pogi niya ngayon.. Wait... Paano niya nalaman na dito kami, at anong sabi niya? late na siya??




"No.. Sakto lang dating mo.." Lindsey


Tumayo si Lindsey at pinaupo si Vash sa gitna namin. Pero bago yun humalik muna siya isa isa sa amin nina Lindsey, pwera kay dad na kinamayan niya tapos abot ng bulaklak sa aming tatlong babae. At ang bonggang buoquet eh sa akin. Ano nangyayari? So ang seating arrangement is..


Lindsey, Vash, Ako, Daddy, Tita Belinda


At dahil round table edi paikot kaming naupo.



Shock is all over my face. Syempre, Anong ginagawa ni Vash dito????



I faced him, asking for an explanation pero binati niya lang ako.



"Hey babe.." Vash


Babe daw! babe niya mukha niya. Di siya nag text sa akin sa loob ng isang araw, well, OA lang ako kasi kaninang 8AM nag text naman siya na may practice daw siya pero pagkatapos nun wala na tas magpapakita lang siya sakin ngayon???



"Ehem.." dad



"Good Evening po sir." Vash


"Good Evening rin hijo. Inimbitahan ka ba ng mga dalaga ko?" dad


Shocks. Ano bang klaseng tanong yan ni dad? parang di welcome si Vash eh.



"Ako nag-imbita sa kanya Tito, i hope you don't mind." Lindsey


"Of course not! Nanliligaw ka ba Hijo kay Lindsey??" dad



Ahm,.. hello! Andito po ako... Yan yung gusto kong sabihin kay dad


"Youre wrong sir si.. ahm.. si River po. Boyfriend po ako ng anak niyo.."



Napa ubo ng wala sa oras si dad. At ako di ko mapigilang mapasinghap! OMO! Sinabi ni Vash??? Boyfriend ko siya? Waaaaaa!



"Are you okay hon?" Tita Belinda kay dad


"yes hon. Nagulat lang ako. well, congrats, kelan pa?" dad



My god! ganito ba talaga ang mga tatay pag kaharap ang boyfriend ng anak nila? Wow! kina carreer ang Boyfriend! :D



"Noong 12 pa po. Sorry po kung di namin nasabi agad." vash



Nagbilang ako.. August 24 ngayon, so it means, August 12 yung monthsary namin? Birthday ni Audrei??? Yung time kung kelan kami nag, alam niyo na, nag jack en poy..



"sadyang malihim tong dalaga ko. Bueno, alam ko narin naman na may namamagitan na sa inyo noong nagpunta kami ng bahay niyo. Anyway. Wag mong sasaktan ang anak ko.." Dad



Vash just smiled then he faced me..



"All thanks po kay Lindsey. kung di dahil sa kanya eh di ko pa po alam kung paano magpapakilala sa inyo.."


I faced Lindsey na tahimik lang na kumakain, when she faced me, I mouthed my thanks to her na sinagot niya lang ng smile.



Natapos ang dinner ng masaya. i checked the time at 8:30 pa lang kaya we decided na mag shopping muna. Sina dad at Vash naman ay maghihintay na lamang daw sa starbucks.


Siguro mag-uusap lang... Guy thing ata.





THIRD PERSON POV:



Pinagpasyahan nina Vash at ang Ama ni River na magkape na lang muna habang hinihintay na matapos ang tatlong babae sa pagsa shopping.

Kalmante naman si Vash dahil alam niya na isang mabuting tao anng ama ni River.


"Di ko alam na may boyfriend na pala si River. I was surprised. parang kelan lang, sinasabi niya pa sa akin na wala siyang boyfriend tapos ngayon, eto ka, kaharap ko at kasama kong magkape." panimula ng ama ni River


"Pasensya po kung hindi agad namin nasabi sa inyo. Bago pa lang naman po kami." Vash



"Thats okay. i am so happy. Ngayon, may inspirasyon na siya na, maliban sa amin. I treated her as my princess. I hope you do the same."


"Hindi ko po maipapangakong di siya paiyakin sa oras ng pagsasama namin, pero asahan niyo po na sa bawat luhang lalabas sa mata niya mas mananaig ang luha dahil sa happiness."


the old man just smiled. contented of what Vash had said..


"mabait si River. Kahit nahihirapan na yan, she'll endure everything at ayaw non ng kinakaawaan. Kapag sinaktan mo yan physically, di yan lalaban, at di rin iiyak pro pag yan sinaktan mo emotionally.. Nako.. Magdamag kang iiyakan niyan." River's dad


Vash laughed. naalala ang mga panahong umiyak si river sa kanya.



"Do you love my daughter Vash?"


Hindi alam  ni Vash kung ano ang isasagot. Love is a new feeling for him. Di niya alam kung ano ang lugar ng babaeng kasintahan sa buhay niya. Nangangapa pa siya sa bagong daan na kanyang pinasok. Everything for him is new. Everything is vague and he can't distiguish his feelings right now..


It took him a minute before he answered..





"She's important to me sir. I think.. I think she's my everything...."



And that made the old man smile again with contentment..



Maybe someday ,someday.. Who knows? Baka mahal na niya si River...




<><><><><><><><><><><>
August 12 daw Anniversary nila!


share your thoughts <33

xoxo,
NP

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento