Chapter 18
River's POV:
Ngayong araw ang laro namin, pero mamayang hapon pa ito. Andito na ako ngayon sa school. Manonood ako ng laro nila Vash. Di ko naman kasama si Rome dahil may fashion show yun na inaabangan mamayang gabi. Sa pagkaka alam ko sikat na fashion designer ang darating sa school. Kaya nga busy ang lola mo.
Nag hanap ako ng pwedeng pagparkan pero dahil nga marami ang talagang pupunta sa school para manood ay nahirapan akong maghanap ng malapit sa field kaya ang ending sa likod ng school ako naka park.
Kanina pa nga text ng text si Vash kung nasaan ako. Paano di ko naman ma replayan agad dahil nagmamaneho ako. Maya-maya nag ring ang phone ko. Akala ko si Vash, si Lindsey pala.
"Where are you?"
Bungad ni lindsey sa akin. Di uso hello eh.
"Sa school. Papuntang field. Why?"
"Wait me at the front gate of the field. Sabay tayong manunuod."
Then she hunged up.
Anong nakain nun at sasabay sakin manuod ng laro?
I've waited for Lindsey for a couple of minutes. Siguro nung tumawag siya sa akin ay nasa school na siya.
Pagpasok namin ay pawang puno na ang mga seats. Parang Azkals lang yung maglalaro sa dami ng tao eh. Di na ako nakipagsiksikan dahil baka mamaya magka stampede pa, maipit pa ako, di pa ako makalaro mamaya.
Iginala ko ang mga mata ko sa field. Hoping Vash was there but to my dismay wala. Asan kaya ang asungot na yun? pinilit niya ako manuod ng laro niya then wala siya dito. I dialled his number.
"hey, Andito na ako."
Sabi ko as soon as he answered his phone. Baka nasa locker room pa sila.
"Okay. Wait for me, san ka banda, pupuntahan kita."
"Andito sa may front gate banda, andaming tao eh."
"Wait me there, kasama mo ba kapatid mo?"
"Kapatid?"
"Yeah, Lindsey?"
"Oh..Uhmm. Yes."
Bakit alam ni vash na kasama ko si lindsey? di na ako nagtanong binaba niya narin naman yung phone eh. Maya-maya eh dumating na siya.
Hindi ito ang first time na nakita ko si Vash na naka uniform. Pero parang ngayon habang malapit siya sa akin, parang iba yung tingin ko sa kanya. Everything seems in slow motion while he walks towards me. May ganoong effect??
"Hi babe." Vash
He smiled at me at yung feeling na parang nalaglag yung puso mo? Yun yun eh!
Biglang nagtilian yung paligid namin. At parang yun lang yung hudyat na bumalik ako sa realidad. I look around at pawang lahat ng mata ay nasa amin, correction, nasa kay Vash.
"Oh my god! Ang hot ni Vash!" Girl 1
"Oo nga! Hi Vash! Fan mo ako!" girl2
"sino yang babae na kaharap niya?" girl3
\
"Syempre isa sa mga ka fling niya. I bet pagsasawaan rin yan ni Vash." girl4
Yan lang naman ang ibat-ibang mga narinig ko sa mga tao sa paligid namin more on babae ang nagcocomment.
"Hi Vash! thanks pala kagabi ha? i had fun!" Lindsey
Anong tinutukoy niya na she had fun????
"Oh me too. Sana maulit ulit yun. It was so fun! Sarap sa pakiramdam" Vash
Teka? Anong tinutukoy nila???
"Tara?" I asked Vash
Wala ako sa lugar para magtanong. Kung ano man yung ginawa nila ni Lindsey eh sa kanila na iyon. But it somehow bothers me.
Nagpunta na kami sa nireserve ni Vash na seats at dahil dalawa kami ni Lindsey eh medyo nasa harap kami. Malapit sa mga players. Maya-maya eh naglabasan na ang mga maglalaban.
team captain nila si Vash at Warren pero mas head si Warren. And speaking of Warren, palapit siya sa amin at may kasaman babae. girlfriend niya ata? Palapit rin si Hiro.
"Hi River!" hiro
"Hey. Good luck sa game!" Sabi ko.
"Wala man lang bang good luck kiss Riv?" Hiro
Natawa ako. Piningot ko siya sa ilong.
"Ikaw ha. May pa kiss kiss ka ng nalalaman."
"Ikaw naman. Di ka na mabiro. mapatay pa ako mamayani Vash pag humalik ako sayo."
Nawala ngiti ko. Paano siya patay kay Vash? Does it mean, importante na ba ako kay Vash?
"Hey Riv, papakilala ko sana si Audrei. Girlfriend ko. Hon, She's river the one i'm talking about."
Ngumiti sa akin ang girlfriend ni Warren. Magkasing laki lang ata kami pero ang ganda ganda niya.
Ang ganda niya ngumiti lalo na yung dimples niya. Kaya pala tinamaan ang mokong na to. Eh kung ikaw ba naman, bibitawan mo pa ba ang babaeng ito na parang total package na?
"Hi. I'm River! And this is Lindsey." Pagpapakilala ko. Syempre sinama ko si Lindsey baka mamaya magalit pa sa akin to pero di ko sinabi na step sister ko siya. Ayaw niya kasi na may nakaka alam na related kami.
di man lang humarap si lindsey kaya parang ako yung nahiya.
"Hi River! I'm Audrei, palagi kang kinukwento ni Ren sakin." She shyly smiled.
grabe ang ganda pa ng ngipin niya. May flaws ba sa katawan ang babaeng to? Parang perpekto na eh. Saan ba nakilala ni Warren to?
"Sana hindi puro pangit yung kinukwento niya sayo." I smiled. nakaka engganyo kasi siya ngumiti.
"Nako hindi. At first di ako naniniwala pero ngayon na nakita na kita, totoo yung mga sinabi niya."
Bago ko pa siya matanong kung ano yung mga ppinagsasabi ni Warren sa kanya eh dumating si Vash at inakbayan ako.
\
Grabe naman ang isang to, di na nahiya mag PDA. Pinagtitinginan kami eh.
"What took you so long boys?" Tanong ni Vash kina Warren pero kay Hiro siya naka tingin.
"Manghihingi lang sana ng good luck kiss kay River." Hiro
"WHAAAAAT???" Vash
"Chill pare. Joke lang. Di ka na mabiro. Paano yan baba na kami. Bilisan mo Andrade mag warm up pa tayo." Hiro
Naiwan si Vash sa harap ko. Si Audrei naman eh nasa tabi ko at nakamasid lang sa amin ni Vash si lindsey naman, eto sa tabi ko rin.
"I'll win the game for you babe." Vash
"Weh?"
"Oo nga."
"sos. Baka matalo kayo? katakot pa nman kalaban niyo."
"You don't trust me babe?"
"i do. Hehe. Sige na mag warm up ka na."
"Kiss?"
"Che."
"isa lang?"
"No."
"Please?"
"Alis na Vash, pagalitan ka pa mamaya."
"Sa cheeks lang."
"Ayoko. Maraming tao."
"Damot."
"Hindi ah?"
"kiss lang naman eh"
"Hay nako. Sobra ka pa sa bata. Pag nanalo kayo may kiss ka. Okay?"
Parang natuwa naman ata ang bata kaya pinat niya ako sa ulo tas umalis na siya.
Nagsimula naa yung laro. sina Vash pa lang yung nakaka goal. Medyo hyper anng crowd lalo na sa tuwing nag aatempt ang team namin na maka goal. Sa tinagal tagal ko na panunuod ng footbal eh ngayon ko lang pinagtuunan ng pansin kung paano maglaro si Vash.
Noon kasi puro lang si Hiro yung pinapanuod ko. Puro kay Hiro lang ako nag chicheer pero ngayon iba na. Nasa kay Vash na yung cheer ko. Minsan di ko mapigilang mapatayo at mapasigaw lalo na tuwing si Vash yung magpapa goal. Ilang attempt na nga eh kaso magaling yung goal keeper ng kabila. Si Vash yung midfielder, si Hiro yung forward, si Warren yung defender at si Seb striker.
Di ko naman noon nakahiligan yung football kaso ng dahil kay Hiro eh nanunuod na ako. Tiningnan ko ang galaw ni Vash at ang galing pala niya maglaro. tumingin ako sa paligid ko, parang siya lang yung bukambibig ng mga babae dito. Napatingin ako kay Audrei, syempre kay Warren ang cheer niyan, pero hanep naman. Ang hinhin niya, kahit sumigaw siya may poise parin ata. Tumingin ako kay Lindsey na ngayo ay nakatayo sa upuan niya. Todo cheer siya. Kulang na lang lumabsa ngalangala niya sa kakasigaw. At alm niyo kung anino siya nasigaw? Kay Vash.
Naramdaman ko naman na nag vibrate yung phone ko. tiningnan ko kung sino yung tumatawag. Si Nathan! Hala! Birthday niya pala ngayon! Lagot di ako nakapag greet! i answered the call.
"Hey! Happy birthday! Sorry medyo maingay dito. Nasa filed kasi ako nanunuod ng game."
di naman kami magkaintindihan ni Nathan kaya binaba ko na yung phone. Maya maya eh nag text si Nathan.
"I'm 3 blocks away from you. Sa may left mo."
Napatingin ako sa direksyon na tinuro ni Nathan at andoon siya nakatayo and he's waving at me and smiling from ear to ear. Nag reply ako.
"Punta ka dito. May free seat pa dito." I send it. may free chair pa kasi sa tabi ni Audrei. At dahil napaggigitnaan ako kanina ng dalawa eh nakipagpalit na lang ako ng chair kay Audrei para makatabi ko si Nathan. Lumapit naman agad ang huli.
tumayo ako ng medyo malapit na si Nathan. Lalo pa nung nag attempt agad si Vash na maka goal pero nagulat ako ng may umakbay sa akin. Si Nathan pala. Then he faced me and then he hugged me. Nagulat ako pero di ko magawang lumayo kaya isinandig ko na lang yung ulo ko sa balikat niya and greeted him a happy birthday.
"Thank You! i can't believe nanonoud ka pala ng football." Nathan
medyo lumayo ako sa kanya at humarap sa field and I saw Vash staring at us. Parang galit ito. I waved aat him pero di niya ako pinansin. Anong problema nun?
"Oo kaya. Fan ako ng Azkals eh."
"Ako rin! Anyways, mamaya ha?" Nathan
"opo. Di na nga ako nakabili ng regalo eh."
"your presence will be the most important gift I'll treasure.Basta andoon ka lang."
Natawa ako. Parang kasi kung makapagsalita si Nathan eh parang ako yung pinaka importante sa buhay niya.
"Oo na po."
Dumaan si Lindsey sa gitna namin ni Nathan. Di magawang mag excuse pero mas nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Tinapon niya sa akin ang laman ng soft drink in can niya.
Di ako nakagalaw. Kung titingnan kasi eh parang di sinasadya yung pagkaka buhos pero ang totoo alam kong sinadya ni Lindsey. Nabuhusan ako sa may bandang dibdib. Naka white shirt ako kaya bumakat yung bra ko.
"Oh sorry. Di ko sinasadya." Paumanhin si Lindsey.
Alam ko na alm ni Nathan na sinadya ni Lindsey yung nagyari. Aalma pa sana si Nathan kaso hinawakan ko sa kamay, I stopped him before he utter any word against Lindsey. Dahil alam ko na, gagawa lang ng scene si Lindsey pag pinansin mo.
"Okay ka lang ba?" Pag-aalala ni Nathan
"Yup, CR lang ako." Ako
Lumapit si Audrei at tianong ako kung anong nagyari. Sasamahan pa sana niya ako sa CR kaso sabi ko wag na para may maupuan pa kami mamaya. Si Nate naman eh nagpumilit na samahan ako kaya pinasama ko na lang.
Matapos kong magbihis eh bumalik kami agad ni Nathan. pagtingin ko sa scoreboard eh lamang ng isang puntos yung kalaban. Paano nangyari yun??? I asked Audrei.
"Parang may problema kay Vash eh. Muntikan na siyang mabigyan ng yellowcard habang wala ka."
"Bakit ganyan yung score?" Tanong ko.
"Paano ba naman kasi napatid si Ren. Eh ang dumi naman pala maglaro ng kalaban nila. Kaya siguro uminit ulo ni Vash, tas si Warren iika ika na."
Napatingin ako kay Warren. Parang na sprain ata siya. Nag-aalala naman si Audrei. Tumingin ako kay VAsh,alam kong siya na lang pag-asa ng team. Malapit na kasi matapos yung time.
I shouted at the top of my lungs. Bahala na kung mapaos basta makuha ko yung atensyon ni Vash
"VASH! PAG DI MO GINALINGAN DI AKO SASAMA SA BORA AT MAS LALONG WALA KANG KISS NA MAKUKUHA!!!!"
Huli ko na narealize yung mga pinagsasabi ko ng tumingin ang mga tao sa paligid ko.
Tumingin ako ulit kay Vash at ang hudyo todo ngiti na.
The Game Ended.
Syempre panalo sila :)))))
Mamaya game ko naman. Sana manalo kami.
Lumapit ako kina Vash para icongrats sila. Pagkalapit ko eh niyakap ako ni Vash. Napatili ako, eh syempre puno ng pawis tas yayakap sakin? Kakapalit ko pa nga lang ng damit eh!
Si Nathan umuwi na may aasikasuhin pa daw, si Lindsey naman no wher to be found.
Pero infairness kahit nabilad sa araw at balde balde ang pawis mabango parin :))))
"Asan na kiss ko?" Vash
"Hehe" Mwa :**
I kissed him, sa noo. :))
"Ano ba yan? Halik ng lola. Sa lips babe."
Aalma pa sana ako ng hinalikan na ako ni Vash. Ano pang magagawa ko??/
Kundi namnamin ang pagkakataon :)))
"Bakit andito yung kumag na yun?" Vash
Sino tinutukoy nito?
"Ha? Sino?"
"Yung Nate ata." He rolled his eyes.
Ang cuuuuuute :))
"Ahh. Nanuod. Bakit?"
"bakit mo kasama?"
Makatanong naman to parang sinisestensyahan ako.
"Wala. Eh nakita niya ako eh kaya pinalapit ko."
"Wag ka na nga makipag lapit doon!"
Magtatanong pa sana ako kung bakit ng sumingit si Hiro.
The game...
Andito na kami sa loob ng gym. Tapos narin kami magpalit at hinihintay na lang talaga namin yung hudyat ng referee. tumingin ako sa mga tao sa loob ng gym. Andami, sobra. Isa kasi ang womens volleyball sa mga inaabangan tuwing may palaro.
tumingin ako kina Vash na nanonoud rin. Grabe rin tong mokong na to eh. todo support sa akin. Dinala ba naman ang buong football team. Haha. Andito rin sina Hiro. binalik ko yung tingin ko kay Vash at ang kumag nag paFLYING KISS sakin. Nakakahiya!!!!
Nag start na yung game. At dahil magagaling yung kalaban namin eh medyo nahirapan kami, pero kami ang naka unang set. minsan natutumba ako pero part ng game yan para mahabol ko yunng bola. Kaya nga minsan andami kong pasa eh.
Natapos ang game, syempre panalo kami. Hahaha :)))
Pagtingin ko kay Vash eh busy siya. Busy siya sa kakausap kay Lindsey. parang nanikip bigla yung dibdib ko lalo na nung nagbulungan silang dalawa tas tumawa si Vash. Hindi yung simpleng tawa, yung tawang tawa talaga. Nagtataka ako kung ano yung sinabi ni lindsey at mas lalo doon sa topic na magkasama sila kagabi.
Pagkatapos kong mag shower eh lumapit ako kina Vash. At as usual hinalikan niya na naman ako.
"Congrats Riv!" Seb
"Thanks Seb congrats rin sa inyo."
"Matamlay ka ata? Bugbog na bugbog ba katawan mo sa mga ginawa mo?" Natatawang tanong ni Hiro
"Wag ka na malungkot. panalo naman kayo eh" Warren
i smiled "Hinintay niyo ako?"
"Yup babe. Kaso si Linds eh umalis na, may pupuntahan pa daw." Vash
At kailan pa sila naging close ni Lindsey at binigyan niya pa ng short cut yung pangalan ni lindsey? LINDS pala ha.
"Tara. Bar tayo?" yaya ni Seb
"Leggo guys!" Pag sang ayon ni Warren
Nagpaanod na lang ako. Mas mabuti pa sigurong mag enjoy muna ako.
5 PM na ng nakarating kami sa G Lounge RestoBar. Kumain kami muna. Ang agapa para magbar hoping.
Katabi ko ngayon si Vash at ang ugok nilalaro yung buhok ko at inaamoy niya. mabango daw kasi. Ang weird ni Vash. Dahil pawang boys yung kasama namin ni Audrei eh kami na lang na dalawa yung nag-uusap. Kasama rin ng ibang players girlfriends nila kaso di kami makasabay. Medyo masama kasi yung tingin sa akin.
Biglang nag ring yung phone ko. Pagkatingin ko, si Nathan natawag. Pagtingin ko sa relo ko. 9:30 na. PATAY!!!
Nag excuse muna ako at lumabas ng bar sinagot ko yung tawag ni Nathan.
"Hey. Where are you?" nathan
"Hala. hala. Hala. Sorry talaga Nate. papunta na ako jan. Nagkayayaan kasi yung barkada na mag bar kaya sorry talaga. Don't worry malapit lang to sa condo. Papunta na ako jan."
Di ko na pinagsalita si Nathan. Baka kasi mas sumama loob noon sakin. Atleast kahit late ako, pupunta ako diba? bumalik ako sa bar. Nag paalam ako sa mga kasama ko pero ang ipinagtataka ko lang kung nasaan na si Vash.
"Si Vash?" tanong ko kay HIro
"Ha? Nagpaalam lang saglit. CR lang daw." Hiro
Naghintay ako ng mahigit sa limang minuto pero walang Vash na bumalik.
"Sundan mo na lang sa CR Riv baka na flush na yun ng inidoro." Warren
tumawa silang lahat pero ako kinakabahan. Ewan ko ba.
Pero pinasya kong pumunta at sundan na lang si Vash sa CR para makapag paalam. Mamaya magalit pa yun pag di ko pinaalam sa kanya na aatend ako ng birthday.
Malapit na ako sa may CR ng may marinig akong mga ungol sa may parang stock room. Di na nahiya. Dito pa nila pinasyang mag milagro.
Naghintay ako ulit na lumabas si Vash sa CR..
Pero sana di ko na lang siya hinantay para di ako mapako sa kinatatayuan ko ngayon sa nanlalaking mata. Lumabas nga si Vash...
Lumabas sa may stock room. ngunit di siya nag-iisa.
Pero ang mas nakakasakit eh nung naghalikan sila right infront of my eyes. At sa nanlalabong mata. Umalis ako sa kinatatayuan ko.
Nakita ata ako ni Vash kaya hinabol niya ako. Ang sakit, ang sakit sakit. Hindi pa ba siya kuntento sa akin??
"Its not what you think it is." Panimula ni Vash
I stared at him blankly. Ayokong magsalita dahil baka masumbatan ko siya.
"Babe. Please talk to me. its nothing." dagdag nito
"Babe I can explain-"
Bago pa siya magsalita eh sumingit na ako. I looked him with disgust.
"Anong sasabihin ko? Don't worry, wala tayong relasyon kaya wala kang dapat iexplain. excuse me but i need to go home."
Umasa ako na hahabulin niya ako hanggang sa parking lot. Pero ni anino niya di ko nakita. Nag assume ba ako ng sobra? Kung bakit ba kasi sa sandaling panahon na nagkasama kami eh nahulog ako. Alam ko naman from the start that Vash will always be Vash the womanizer. He is fond of casual sex and flings. At di ako makakapagpabago sa kanya.
I am just one of HIS LADY IN BED.
Share your thoughts <3
xoxo,
NP
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento