Biyernes, Mayo 31, 2013

HLIB: She's Acting Like?


Chapter 12


<><><><><><><><><><><><>


River's POV




Naalimpungatan ako sa amoy ng nasusunog na pagkain. Pagmulat ko, ibang kwarto ang nakita ko and then naalala ko, andito pala ako sa condo ni Vash. Kung anong nangyari kagabi? Sa akin na lang yun. Haha. Hindi, ito lang naman kasi yung nangyari.




Flashback..






Pagkatapos kong maligo at magbihis pinuntahan ko agad si Vash sa labas. Iginala ko yung paningin ko sa buong condo niya. Sakto lang sa dalawang katao yung pad. Bachelor's pad talaga siya. Yung kwarto isa lang, tapos pawang black and white lang yung makikita mong kulay ng mga kagamitan. Sa room niya parang lahat ng kailangan ng lalaki andoon na, biruin mo may sala at may gym equipments yung room niya. 


Yung bathroom may tub at shower. Nakaka ilang ngang maligo kasi glass panel lang yung nag dedivide kaya kung naliligo ka, kita buong katawan mo. Pero hanep rin tong Vash na to eh. daig pa ako sa paggamit ng mga beauty products. Hamakin mo, may mga moisturizer siya, body wash,  sunblock cream, night cream, day cream, at ano pang ka anek anekan sa katawan. Kaya siguro ang ganda ganda ng kutis niya at ang bango bango niya lagi. Haha.


Yung kusina at receiving area niya magkatabi lang. Katamtaman lang yung laki. Pero di ka talaga makapaniwala na lalaki nakatira. Sobrang organized at linis kasi. Mabango pa! Nakita ko agad si Vash na busy sa pagluluto. Ewan kung anong niluluto niya. Nilapitan ko.


"Oy, ano yan?" tanong ko



"Can't you see I'm cooking?" Vash



Tiningnan ko yung niluluto niya. Psh. Lalaki nga naman.



"Ano ba yan ha? Soup ba yan?"



"Hindi adobo. Kita mo naman na soup diba?"



Grabe. Ngayon ko lang nakita yung lalaking to na focus na focus sa isang bagay. nangungunot pa yung noo habang binabasa yung procedure ng niluluto niya. Alam niyo kung saan siya focus? Sa pag halo ng masabaw sabaw niyang soup. -__-



Umupo na lang muna ako sa may sofa niya at pina andar yung TV. Hahayaan ko muna yung baliw sa pag halo ng kung ano mang hinahalo niya sa niluluto niya.


After 15 minutes...


"Di pa ba yan tapos yung soup mo?" tanong ko kay Vash habang lumalapit. medyo gutom na kasi ako.



Kawawang bata pawis na pawis na sa kakahalo ng niluluto niyang soup na sobrang sabaw. Ang hot niya tingnan habang may pawis. Sarap pahiran gamit yung ano, yung.. Haha



"I don't know about this fuckin soup. I followed its procedures but I think I had forgotten about something to add here."



"Ano pang iAad mo dito eh instant soup lang naman to Vash eh? Di mo ba nababasa? Just add 150ml of boiling water and stir lang naman, eh bat yang sayo sobrang sabaw?" Di ko mapigilang matawa. Simpleng procedure di niya alam.



"I know! Its just that I don't know how much water to add so I put a liter on it."



Di ko na talaga napigilang tumawa. Lalo pa nong nakita ko yung naiiritang pagmumukha ni Vash.



"Hay nako. Paano ka nabuhay sa condong to kung ni simpleng pagtantya ng tubig di mo alam? One and a half cup of water lang yan Vash. Di na lalapot yang soup mo kasi lubog sa sabaw. Wala na yang lasa kaya itapon na lang natin. Ako na lang magluluto."



Pumunta ako sa ref ni Vash at binuksan ito. At ang tumambad sa akin? Beer, Soda, Curls, Chocolates, butter at isang box ng krispy kreme. Natawa na naman ako. Ni gulay o karne walang kalaman laman yung ref niya. Nilapitan ko yung cupboard niya at ang mga nakita ko? Puro instant noodles at can goods na puro tuna. May water dispenser naman siya kaya walang lamang tubig yung ref niya.



"I eat outside before going home. I hardly cook and besides Im a guy." sagot nito



Kinuha ko yung box ng krispy kreme at hinatak siyang maupo sa sofa. Dinala ko rin yung mga nakita kong chocolates. Nagtataka naman si Vash sa mga pinaggagawa ko lalo na nung hinanap ko kung may coffee siya. nakita ko kasi na may coffee maker siya. Nang nakita ko na may kape siya, nilagay ko na sa coffee maker.



"Dapat sayo, may inuuwing babae dito para naman may tagapag luto ka."



Sabi ko habang inaabot yung mug na may kape kay Vash. Di ko na realize yung sinabi ko kung di ko nakitang natahimik at nakatitig si Vash sa akin. More preferably sa may bandang dibdib ko.


Shets naman kasi. Ni isang underware wala ako ngayong suot dahil nilabhan ko sa may laundry area ni Vash lahat ng kasuotan ko. Di naman siguro bakat yung boobs ko -____- Eh sa sobrang luwang ba naman yung binigay ni vash sa akin na Tshirt.



Tumalikod ako. At nagkunwaring walang nangyari. Ng nagsalita si Vash at bigla akong napaharap.


"Actually ikaw pa lang yung unang babae na nakapasok sa condo ko maliban sa mommy at kapatid ko." Vash



"Seryoso?"



Tumango lang si Vash bilang sagot. And then awkward moment alert! Pawang yung paghigop at yung ingay ng TV lang yung naririnig sa amin. Pa simple ko naman kinuha yung cushion pillow sa likod ko para sana ipang tapal sa harapan  kong bakat yung boobs. Ng napansin ni Vash. ngumiti pa yung hudyo.


"Don't worry nakita ko na yan. Marami na akong nakita na ganyan" Then he grinned



Nako. Ang bastos talaga! Di ko na lang pinansin. Pagkatapos namin kumain ng doughnuts ay syempre nanuod parin kami ng TV at walang imikan. Ng si vash yung unang nagsalita para siguro ma lessen yung awkwardness.


"Okay ka na ba? Gusto mo na matulog?" Vash



"I'm fine. Di pa ako inaantok eh. Saturday naman bukas kaya ok lang."



"Wala kayong practice?"




"Wala, rest day namin pero sa sunday meron. May pupuntahan kasi si Coach kaya siguro tinodo na niya kanina."




"I'm sorry, hindi kasi ako masalitang tao kaya kung napi feel mo na awkward. Sorry."




"Hindi ayos lang, ano ka ba. Kung gusto mo, tanungan tayo. salitan, yung di makakasagot may consequence, game?" I asked Vash



Eto lagi yung ginagawa namin ni Rome pag bored.



"Sige, ako yung unang magtatanong. Ilang taon ka na?" Vash



"Baliw. 19 turning 20 sa September 1. Ikaw?




"21 turning 22 sa September 2."




Nagulat ako. Nagsasabi ba ng totoo yung kumag na to?



"Di nga? Seryoso? Haha. Isang araw lang yung kinaibahan ng mga birthday natin?"




"OO. Pakita ko pa birth cert ko sayo. Oh, ako naman magtatanong, naka ilang boyfriend ka na?"



"NBSB."



"NBSB?"




"No Boyfriend Since Birth. Ikaw?"



"NGSB."




"TALAGA!!!!!??" CAPSLOCK PARA INTENSE. HAHA




"OO."



"Eh ano tawag mo sa mga babaeng na link sayo?"



"Flings? bed partners? hook ups? Magkakameron na sana akong girlfriend kaso binasted ako."



"Wow ha, sa lagay na yan, nabasted ka? Di siguro tinablahan ng kamandag mo yung babaeng yan!"



"Di nga, kasi sa best friend ko siya nagkagusto. "



Napa awang yung bibig ko. Ako ba tinutukoy ng kumag na to? Sa paraan ng pagkakatitig niya, parang ako eh. Psh.



"More in personal naman tayo." Pag iiba ko.




"Who was your first kiss?" Vash




"Ah..eh, si ano, si .. Mommy!"



"No, I'm not refeering to your parents, understood na yan. Maliban sa kanila dapat."




"Eh bat ka nagtatanong? Diba dapat ako yung magtatanong???"



"Fine."




"Kailan nawala virginity mo?"



"Seriously?"


"Yes! At dahil di mo nasagot tanong ko, at sinagot mo ako ng tanong, may consequence ka. Halika dito! Pitik sa ilong makukuha mo!"


At dahil nanggigigil ako sa ilong ni Vash ay yun ang pinagdiskitahan ko.



1....2.....3.....4......5..


"ARAY NAMAN!!!!! Ang sakit nun ha!" reklamo ni Vash habang hinihimas ang ilong niyang namumula. Bwahahaha



"Oh kailan nga?"




"When I was 13 with my classmate." Sagot ni Vash habang hinihimas parin yung ilong.


Di ko mapigilang mapasinghap. Talaga? Sabagay, mga kabataan nga ngayo sobra pa jan eh, yung iba di pa nakakatungtong ng highschool di na virgin and worst may anak na.



"Oh, Ikaw naman magtanong."



"Anong nagustuhan mo kay Hiro? Pag di mo nasagot maghihiganti ako."



"Mabait siya, matalino, iba yung trato niya sa akin. Basta! Di ko ma explain. Bast gusto ko siya at yun na yun. Ikaw, ilang babae na naka sex mo?"



"I lost count, maybe 20 or more. I don't know. I'm not that kind of guy who counts how many girls they bedded. Minsan nakakalimutan ko pa nga yung mga pangalan at kung sino yung mga babaeng dumaan sa buhay ko. Hindi sa pinagmamayabang ko ha."



"Saksi kaya ako dun. Grabe, buti di ka tinubuan ng kung ano anong sakit at di ka nadisgrasya o may nabuntis at mas lalaong di ka pa nagkaka AIDS."


"Grabe ka naman. Mapag bigay lang ako na tao kaya ganoon. I always use protection. Hindi ko yan nakakalimutan.... Sayo lang naman ako hindi gumamit." Narinig ko pa yung huling sinabi ni Vash kahit mahina ang pagbigkas niya.



"Di ka ba nakonsensya?"



"At bakit naman? Alam nila yung hangganan ko, I gave them what they want kailanman di ako namilit sa babae na makipag sex sakin, sila ang kusang sumusuko ng katawan nila."


"So, si Hiro first love mo?" Patuloy ni Vash


Bat ba interesado to sa amin ni Hiro?



"Siguro. Ewan, kasi unrequited naman tong feelings ko kay Hiro. Ikaw, may pag-asa bang titino ka sa babae?"



"It depends. Di ko pa nakikilala yung babaeng magpapabago sa akin. But damn, no offense but girls are too clingy and I hate that. Ikaw kailan ka magkaka boyfriend?"



Sa sinabi ni Vash parang nanikip yung dibdib ko. Parang di matanggap ng sistema ko yung sinabi niya.



"Ewan, wala pa akong plano.Umiyak ka na sa babae?"



"OO, sa sister ko, noong na hospital siya because of my recklessness. Sinisi ko sarili ko but I was 15 back then. Ikaw, anong nagpapaiyak sayo?"


"Sad movies. Mababaw luha ko eh."



"Hopeless Romantic. Uhmmmmmn... River.."


Humarap ako kay Vash nung tinawag niya yung pangalan ko and then he said..


"May possibility ba na maging TAYO?"


I was caught offguard. Di ko alam kung anong isasagot ko, Ano nga ba? Bago pa ako makasagot ay nagsalita ulit ito.







"Maybe now I can give you my consequence and that consequence is for you to kiss me."




Di ko na alam kung ano yung mga nangyari basta ang alam ko, yung labi ni Vash nasa labi ko at hinahalikan niya ako na sinagot ko naman.



Di ba ako yung hahalik? Eh bat siya yung humalik???




Kung parating ganito, di maglalaon, magiging tayo..


END OF FLASHBACK




Palabas na ako ngayon sa banyo matapos mag sepilyo gamit yung toothbrush ni Vash, Yucky right? Pero indirect kiss yun!! Ng naririnig ko yung sigaw ni Vash. Parang may nahawakan at nasaktan siya.



Nakita ko siya sa may kusina at busy sa pagluluto ng bacon na sunog????



"Hey.." Pagtawag ko sa kanya



"Hey, Good morning. Did I wake you up?" Lumapit sa akin si Vash at hinalikan ako sa labi. Smack lang yun. Nahahalata ko, parang normal na lang sa kanya na halikan ako.



"Nope, Ano yan?" Tanong ko sa niluluto niya. Good mood ata tong lalaking to kahit halatang puyat. Napatingin ako sa mga kamay niya na namumula. Mga paso!


"I cooked bacon kaso tumatalsik yung oil kaya yan."


Hinawakan ko yung kamay niya at sinipat. Nako naman. Ang kinis pa naman ng balat nito tapos mapapaso lang?


"Ako na, ihanda mo na yung lamesa at kunin mo yung medicine kit para magamot natin yang paso mo."



Sinunod naman ni Vash after some minutes ready for breakfast na kami. Sunog na itlog, bacon at tinapay na sinamahan ng kape yung agahan naming dalawa.



Habang kumakain nilalagyan ko ng butter yung bread at nilalagay sa pinggan ni Vash, tas nilalagyan ko rin ng bacon yung pinggan niya. Oh diba, maalaga!


Yung hudyo naman parang sarap na sarap. Di mawala wala yung ngiti na nakapaskil sa pagmumukha niya. Tas panay pa yung iling at tingin sa akin.



"May dumi ba ako sa mukha Vash?" I asked


Umiling ito tapos ngumiti ulit.


"Ay, before I forgot, grocery tayo ha? Para may laman naman yung ref mo. Hayaan mo, paglulutuan kita before ako umuwi, pambawi na lang." :)



Mas lalong ngumiti si Vash. Tas nag blush pa. Hahaha!


"Ano ba? MAY NAKAKATAWA BA????"



"Yes, You."




"AT BAKIT? MAY DUMI BA AKO SA MUKHA HA ANDRADE???"






"No, its just that you're acting like my wife."




Share your thoughts <3

xoxo,
NP

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento