Biyernes, Mayo 31, 2013

HLIB: Our Moments..

Chapter 16:


Hiro's POV


Nakakabanas si coach. Maaga pa kaming pinapunta dito sa school tapos mamayang hapon ay may practice ulit. Sabagay, puspusan na yung practice. Laro na namin sa Wednesday eh.

Sa pagkaka alam ko, lahat ng team ng school ay may practice kaninang 4 AM so it means pati rin sina River. Speaking of River ang ugok na Vash mukhang inspired. Tuwinng maaga yung practice namin, siya yung palaging late, at siya yung numero uno sa mga nagrereklamo. Pero ngayon, wala, maaga pa nga yung baliw sa pagpunta dito sa school. Nalintikan na ata.


Di na namin tinuloy yung plano na pagselosin siya kasi nalaman namin na palagi na rin naman palang magkasama yung dalawa. At ilang beses na palang nakapunta at di lang basta nakapunta, nakatulog pa  si River sa condo niya. Eh sa lahat sa aming apat napaka metikoloso ni Vash pagdating sa pad niya. Ni hindi nga kami nakaka tulog basta basta doon lalo na pag nag-iinuman. Ewan ko nga dun kung bakit at mas lalong di nagdadala yun ng babae sa condo niya. Tinamaan na ang hudas.



Kakatapos lang ng practice namin, at ang hinayupak na Vash, inatupag muna yung cellphone bago mag shower. Ni wala nga yang pakialam sa cellphone niya noon tas ngayon parang kada oras eh chincheck na yung phone.


Nagkatinginan kami nina Seb, at Warren ng magmura si Vash.




"Di pa ba nagtetext?" Warren



"Di pa nga eh. Ewan ko nga sa babaeng yun!" Sagot ni Vash tas may tinawagan ulit.



"Iba na, iba na talaga. Tinamaan na yung Lolo mo!" Ako



"Sinabi mo pa!" Seb



"Sino tinamaan?" Vash



"IKAW!" Sabay naming sagot na tatlo




"Kanino ako tinamaan?" Vash



"Kanino pa?" Seb



"Inlove ka na ata dude." Warren




"NO, I'M NOT!!!!" Kaila ni Vash


Nagkibit balikat na lang kami at di na nagdugtong. Kahit kasi di sabihin ni Vash eh halata na rin naman.



Naglakad na kami papuntang Caf, at si Vash? Panay kulikot parin ng phone niya. Tss!



At dahil mamaya pa yung mga pasok namin eh tumambay na lang muna kami sa Caf. Lumipas na ata yung dalawang oras eh di parin binibitawan ni Vash yung phone niya.



"Nag-away ba kayo?" Seb


Alam kong tulad ko eh, tinitingnan rin ni Seb yung kilos ni Vash. Ngayon lang talaga nagkaganyan ang ugok.



"Di ko nga alam eh. Kanina pa ako text ng text, tawag ng tawag ni isang text mula sa kanya, Wala!"



"Baka may ginawa ka?" Warren



"Anong gagawin ko? Sabi niya sakin kagabi wag na daw ako lumabas ng pad at dapat maaga ako sa practice eh ginawa ko naman ah." Vash




"Nambabae ka ba?" Seb



"WHAT? NO!!!" Vash



Ayan, yan ang isa sa pinagbago ni Vash. Pag tinanong mo yan kung nambabae, sasagot yan ng "Di ko na kailangan mambabae, dahil sila lumalapit sa akin." Pero ngayon??



Mayamaya eh parang sinagot na ata ni River yung phone niya.



"Thank God! you answered! I've been calling you for hours. Asan ka ba??" Vash



"Anong ginagawa mo? " Vash



"Yup, Kasama mo si Rome?" Vash


Pero biglang nag-iba yung mood ng baliw. Parang nagtitimpi o ano eh.


"I see." Vash



"NO. I have something to do. Bye." Malamig na sabi nito tas binaba yung phone.



Iginala niya agad yung mata niya tas kami naman na mga chismoso eh ganoon rin yung ginawa. Hanggang sa nagtagal yung mga mata namin sa dalawang tao na kumakain sa may bandang gilid  ng Caf. Si River at yung Nathan. Kitang kita dito sa may pwesto namin kung paano ngitian ni River si Nathan.


Napatingin naman kami agad kay Vash na parang may itim na aura na nakapaloob sa kanya. Masakit makatingin eh. Parang papatay ng tao.


Nagseselos na ata. Haha! Ang sarap lang tingnan yung mga taong first time maka experience ng love. Nagiging abnoy eh.



"Guys. Sa friday ha?" Warren



"Oo pre. Ilang beses mo na yang pinapaalala samin eh, nakakarindi na." Ako


Paano ba naman kasi, simula kahapon eh yung bukambibig ni Warren eh yung birthday ng girlfriend nito na si Audrei. Sa may resort daw nila sa Boracay napagpasyahang iCelebrate. Kaya pinipilit niya kaminng sumama. Okay lang kasi friday naman, pagdating ng sunday eh uwi na kami. Shoulder naman ni Warren yung expenses kaya mas okay!


Ewan ko nga ba dito kung bakit parang atat na makasama kami. Natatakot ata? Andoon daw kasama yung Kuya ni Audrei eh.



"Pre, pwede kobang isama si River?" Biglang singit ni Vash


Napa ubo ako bigla. Seryoso ba siya????



"Ah..eh.. Oo naman, Sure ka? Di ka makakapambabae doon." Warren




"Yup." Sagot ni Vash ng naka ngiti.



Parang may pinaplano yung ugok eh. nalintikan na talaga!





x




River's POV:


Di ko parin makalimutan yung parang biglang lumamig yung boses ni Vash kanina habang nag-uusap kami. Di ko naman kasi kasalanan na di ko napansin na marami na pala siyang tawag at text. Eh nakatulog nga ako kanina diba? Nagalit kaya yun?


Hay. Bakit ba bothered ako kung galit yun o hindi? Pero kasi baka anong isipin noon eh. Hayy. Matawagan ko kaya? Kaso anong sasabihin ko? itext ko kaya ng sorry? Ehhh! baka sabihin niya, bothered nga ako. Hayaan ko na lang kaya? Kaso baka sabihin niya wala akong paki alam sa kanya? Hayyy!!!!



"Okay class. That's all for today. you are dismissed." Nabalik lang ako matapos ang paglalabanan ng utak ko ng yan sinabi ng prof ko.


Patayo na ako dahil may practice pa ako ng maramdaman kong nag vibrate yung phone ko. Si Vash!!!!! Nagtext :)


"Meet me in at the parking lot. Left wing. Now."




Syempre gora agad ako.Si Vash yun eh. And speaking of Vash, nasa may sasakyan niya siya nakasandal habang may nakasalampak na earphones sa tenga niya. Pumunta ako sa harap niya.


At ang hudyo kay lapad ng ngiti ng makita ako. Agad siyang dumukwang at hinalikan ako sa labi. At dahil nagulat ako, di na ako nakakilos.


tumingin tingin ako sa paligid ko at nakita kong marami raming tao yung nakakita sa ginawa ni Vash. Malamang eh nasa may left wing kami at nasa malapit lang ito sa college nila. Uwian pa naman ngayon.



"Bakit mo ginawa yun?" tanong ko.


"Do what?"



"Yung kiss?"



"Ahh, ayaw mo ba? Sige ibabalik ko na lang." Akma sana niya akong hahalikan ng inawat ko siya.




"Oyy. Anong ibabalik. Ikaw ha! O bakit mo ako pinapunta dito?"



"Did you missed me babe?"



Natawa ako kay Vash. The way he acts parang mag jowa lang kami na parang ilang taon na di nagkita ah :)




"Kahapon lang kaya tayo magkasama!"



"Yes you're right, Kahapon. At yung kahapon na yun parang taon dahil di kita nakasama."



Ang corny ni Vash! Hahahaha. Pero aminin ko man, kinikilig ako! :D



"Oo na lang. So bat mo ko pinapunta dito?" Ako




"Sama ka sakin sa friday." Vash





"Saan? Party?"




"Hindi, Bora."




"Ah sa Bora.... HA??? SA BORACAY BA KAMO????"




"Yup." Simpleng sagot niya.




Anong gagawin namin doon honeymoon? Eh di pa naman kami kasal ah??





"Anong gagawin natin doon??" Tanong ko.




"Birthday kasi ng girlfriend ni Warren so doon icecelebrate. Please come with me babe. Pag di ka pumunta, di ako sasama, ikaw rin. Magagalit sayo si Warren dahil wala ako."



At kinonsensya pa ako ng ugok na to.



"oo na. Kaso di pa ako nakakapag paalam kay Dad."




"Yes! Don't worry ako bahala kay Dad mo." He kissed me again. This time, sinagot ko na halik niya. Hayy. Namiss ko ang lalaking to.



After some minutes we stopped. Hinawakan niya ako sa kamay at pinasakay sa sasakyan niya pero bago yun, nagprotesta ako.



"Oy. Saan tayo pupunta?" Ako



"condo." Tipid na sagot ni Vash




"Ayy. Di pwede pagagalitan ako ni coach pag di ako nag practice. Sorry." Sabi ko.



Parang na frustrate ata si Vash kaya hinalikan niya nalang ulit ako.




"Hatid na lang kita sa gym?" Vash after the kiss.



Normal na normal na lang talaga sa amin na maghalikan. Ewan ko nga ba. Ano bang maitatawag sa ginagawang ito namin ni Vash? We were acting like a couple who are deeply inlove with each other but the truth is, hindi naman ata kami. Hayy.





We were heading to the gym na magka holding hands ng makasalubong namin si Lindsey.



"River! Can I talk to you for a sec???" Lindsey



Napatigil kami ni Vash sa paglalakad. Lumapit si Lindsey sa amin. More like, kay Vash.



"Hey Vash. Can I talk to my sister for a sec?" Sabi ni Lindsey kay Vash.


Naguluhan ata si Vash. Di naman kasi lantad sa school na step sister ko si Lindsey.



"Sister?" Vash




"oh, She didn't tell you? I'm her sister. I'm Lindsey. Do you mind if I talk to her?"



"No. Hinatid ko lang siya dito." Vash


Humarap sa akin si Vash "Babe, dito na lang kita ihahatid. Wait for me after the practice okay?"


then he kissed me fully on the lips sa harap ni Lindsey. Pagka alis na pagka alis ni Vash eh, hinatak ako ni Lindsey papuntang gilid ng gym.




"STAY AWAY FROM VASH!!!!!" Lindsey




"And why do I need to do that?"





"Because I like him! Stay away from him or else...."




"Or else what Linds??"


Nagulat man ako sa rebelasyon ni Lindsey pero di ko pinahalata. Kailan pa siya nagkagusto ko kay  Vash??




"I'll make your life miserable!"




"You know what? Screw you Linds. Kahit lumayo man ako sa kanya o hindi eh ginagawa mo namang miserable buhay ko. So whats the use on keeping myself away from him??"



"Oh, So you love him na eh?"



Natameme ako. Aminin ko man o hindi halata na rin naman ata siguro. I am beginning to fall for Vash.



"You are aware Vash is not capable in loving someone. Don't tell me, ng dahil sayo magbabago si Vash? dream on sweetie. Vash will always be Vash Hendrick Andrade."



Di ako nakapagsalita. Lalo na sa mga sunod na sinabi ni Lindsey.



"Akala mo di ko alam na may nangyari sa inyo ni Vash? The night on Hiro's birthday, I know Vash & you had sex. Nakakahiya ka. Oo, ganito ako, I'm an awful bitch pero ikaw ano? I admit I had lots of sex, but I do it with my boyfriends, Pero ikaw? Nakakahiya ka. Ano kaya ang sasabihin ng magaling mong ama at ang punyeta kong ina kung malaman nila na si River Monteverde ay isang babaeng pakawala??"



Naka alis na si Lindsey pero ako, I was left dumbfounded. Akala ko walang alam si Lindsey. How did she know?



At paano ako lalayo kay Vash lalo na ngayon na alam at inaamin ko na may nararamdaman na ako sa kanya??




xoxo,
NP

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento