Chapter 13:
River's POV
Andito kami ngayon ni Vash sa hypermart. Mag gogrocery ng pwede naming madala sa condo niya. Siya yung may tulak tulak ng cart habang ako taga pili ng bibilhin namin.
At habang nasa harap niya ako, sa tuwing may dinadaanan kaming stall ay may mga kinukuha siya.
"Ano yan?" Tanong ko kay Vash na busy rin sa kakakuha ng kung anong matipuhan niya.
"Food?" Vash
"OO alam kong pagkain yan, ang ibig kong sabihin bakit mo nilalagay diyan?"
"Don't worry, I'll handle all the expenses."
"Talagang ikaw naman eh yung sa akin lang, puro chichirya yung kinuha mo, mabubusog ka ba niyan?"
"Look, I don't know how to cook kaya sayang lang yang pag grocery mo ng pork at vegetables."
"Eh ano pa pala saysay ko dito? dapat umuwi na lang ako."
Akmang aalis na sana ako kaso hinwakan ako ni Vash sa kamay. Then he entertwined our fingers. Napatingin ako sa gwapo niyang mukha pero ang hudyo todo ngiti.
"Wag ka na magalit, tara na, grocery na ulit tayo. Ikaw na pumili ng bibilhin natin."
Napangiti ako. Ang cute cute niya kasi habang sinasabi yun. Nagpatuloy na ulit kami sa pamimili. Yung mga junk foods na kinuha ni Vash ay binalik ko lahat. Di naman siya maka imik dahil talagang iiwanan ko siya pag komontra siya.
Habang namimili kami ng dapat bilhin ni Vash di taliwas sa mata ko ang mga babaeng kanina pa pinaglalawayan itong kasama ko. Tiningnan ko si Vash na parang di napapansin yung mga nakatingin sa kanya. At magka holding hands parin kami ha! :>
"Di mo ba napapansin?" Ako
"Yung ano? na magkahawak kamay parin tayo?" Vash
"Ulol. Hindi, yung mga naka tingin sayo."
Nagpalinga linga si Vash at nagkibit balikat lang.
"Hayaan mo sila." Mas hinigpitan ni lalo ni Vash yung paghahawak ng kamay ko.
"Ikaw ha, napaghahalata ka na." Ako
"Sige lang. Minsan lang to. Sinusulit ko lang."
Hinayaan ko na lang si Vash. Gusto ko rin naman eh. Haha
Papunta na kaming cashier ng maramdaman ko na parang naiihi ako. At ngayon nga nakapila na para magbayad.
"Ikaw na lang muna. Babalikan kita agad dito." Ako
"Samahan na lang kita. iwan ko lang dito muna to."Vash
"Wag ng makulit. mabilis lang ako at para mapadali tayo dito. Babalik pa tayo sa condo."
Bago pa makasagot si Vash iniwanan ko na. Ewan ko ba dun parang takot na takot na mawala ako.
Pagkalipas ng limang minuto pabalik na ako sa loob ng hypermart at ang hinayupak na Vash pinapalibutan ng mga babae. Lumapit ako.
"Ahemn." Ako
Di pinansin.
May inabot yung babae na papel kay Vash
"What's this?" Vash
Sa tono ng pananalita niya halatang naiirita.
"Paper with my number written inside." Girl1
Grabe naman. Limang minuto lang akong nawala ito agad madadatnan ko???
"Sorry but I'm not interested." Sabi ni Vash sa malamig na tono.
"Wanna hang out sweetie? Wala ka naman atang kasama?" Girl2
"No, I'm actually with my wife." Nagpalinga linga si Vash. Hinahanap siguro ako. At ng nakita niyang sa likod niya ako, inakbayan niya ako.
"Meet my wife. Sorry girls but I'm taken." Vash
Napasinghap yung mga babaeng nasa harapan namin.
"Kasal ka na?" Girl3
"Yes, and we're having a baby! Isn't it great?" Vash
Tinaasan ko ng kilay isa isa sila ng parang di parin naniniwala. Inumpisahan ko namang ilagay sa counter yung bibilhin namin. Sakto kami na yung magbabayad. Naiinis ako kay Vash lalo na sa mga babaeng yun. Nawala lang ako saglit tapos may nilalandi na siya. Grabe! Di ko maiwasang magdabog.
Tinitingnan naman ako ng masama ng cashier. Pati siguro to nahumaling sa alindog ng malanding si Vash na to.
"Hey babe. Easy, baka mabasag ang itlog." Vash
Lumapit siya sa akin at tinulungan akong kunin lahat ng bibilhin namin sa cart tas ilalagay sa counter.
"Tumigil ka jan at baka yang itlog mo basagin ko." I murmured
Pero dahil siguro malakas ang pagkakasabi ko, narinig ni Vash at tumawa ang baliw.
"Jealous?"
"Nako Sir. Kung ako ba naman, iniwan lang saglit ang jowa tapos madaratnan lang na may kausap na mga babae, syempre magagalit at magseselos ako." Cashier
Wala bang policy ang mga supermarket na bawal mag interfere sa usapan ng customer ang employee??
"Hey. Don't be jealous dahil sayo lang ako." Vash
Di namin pinansin yung cashier bagkos ay nilagay ko sa batok ni Vash ang mga kamay ko at niyakap siya.
"Di mo naman kasi ako masisisi na ganun nga eh andami kong kaagaw sayo." Ako
Nagulat ata si Vash dahil sa ginawa ko dahil biglab=ng nag stiff ang katawan niya. Pero ng nakahuma, yumakap rin siya.
"Iyong-iyo lang ako, kahit may umagaw man sakin, di ako magpapa agaw. Naka plaster na ata sa noo ko yang pangalan mo eh."
"Sa noo lang?"
"Pati sa puso."
Sa sagot na yun ni Vash di ko mapigilang halikan siya sa labi. Smack lang, pampa bad vibes sa mga echoserang froglettes na nilalandi siya.
Matapos ang PDA session namin ni Vash sa hypermart ay bumalik na kami sa condo. Nilagay ko lahat ng pinamili namin sa dapat kalagyan habang si Vash naman ay nakatingin lang sa bawat galaw ko. Feel at home lang diba??
Habang busy ako sa paglalagay ng mga pinmili namin sa cupboard ay naramdaman ko ang mga kamay ni Vash sa bewang ko at pagkatapos ay niyakap niya ako.
"Alam mo, nagpapasalamat ako doon sa nag hold up sayo kasi kung di dahil sa kanya di natin magagawa to."
Naramdaman ko yung hininga ni Vash sa may batok ko. Humarap ako sa kanya kaya ang posisyon namin ngayon magkayakap.
"Sulitin na lang natin to bago pa magbago isip ko." Sabi ko at ngumiti.
Vash kissed me again and I gladly welcomed his kisses. Kung saan man papunta tong ginagawa namin ni Vash ay handa ko sa ano mang mangyari.
But again. Vash stopped at medyo lumayo sa akin.
"Vash!" Reklamo ko. Gusto ko pang maghalikan kami eh.
"No baby. I respect you kaya hindi."
"Eh kiss lang naman eh." I pout
"Stop pouting. You're tempting me. Hindi Baby dahil alam natin kung saan na naman mapupunta yang halik."
I remembered what happened last night when Vash kissed me. May nangyari ba? OO meron.
Tinigil ni Vash yung halik at pumunta siya ng CR. Mga more that 30 minutes siya sa loob ng CR kaya di ko namalayan na nakatulog na ako sa sofa and the next thing I knew, nasa room na niya ako.
"Mabuti pa, let's have a date." Vash
"Saan naman tayo pupunta?" Ako
"Kahit saan. Saan mo gusto?"
"Malling tayo!"
"Kaka alis lang natin ng hypermart eh."
"Park?"
"Ikaw bahala"
At yun nga, nandito na kami ngayon sa park. Nag ikot ikot lang kami tapos may nakita kaming parang nagpapa rent ng bisekleta.
"Try natin?" Vash
"Di ako marunong eh." Ako
Di talaga ako marunong gumamit ng bike. Dahil rin siguro sa napaka maalaga sakin ng Mommy ko noon kaya ni laro sa labas ng bahay di ko naranasan.
"Tuturuan kita. Or if you want, angkas ka lang at ako na bahala sayo."
"Sige turuan mo na lang ako."
Yung una naming kinuhang bike ni Vash eh yung dalawang pairs yung pedal. Yung common bike na hitsura pero may bike na nakakabit sa likod.
Kaso medyo madali kasi sa unahan si Vash at ako sa likod kaya pinili namin yung regular na bike. ako yung nakasakay at si Vash nasa likod ko taga hawak ko.
"Humanda ka sakin pag binitawan mo ako dahil magagalit talaga ako sayo."
"Don't worry babe, kahit gaano man kahirap na turuan ka, di parin kita bibitawan kaya just hold on."
"May tiwala ako sayo Vash"
"I know at di ko yun sisirain."
At nung medyo alam ko na mag bike ay paunti unti akong binibitawan ni Vash.
"Wag mo kong bitawan Vaaaaaaaaaash!" Pero huli na dahil natumba na ako.
"Oh my gad baby. I am so sorry." Alo sakin ni Vash, Niyakap niya ako.
"Sabi ko wag mo akong bibitawan eh!" Umiyak na ako. Mahapdi kaya yung siko ko. Nagkagalos pa :(
"Sorry talaga baby. Akala ko kasi kaya mo na. Wag ka na umiyak oh. I hate it when I see you cry. Please baby. Kung gusto mo, kurutin mo rin ako para pareho tayong nasaktan. Sorry na."
"Hindi ka magkakasugat ng dahil sa kurot lang!"
"Eh baby. Kung di kita binitawan, di rin naman natin malalaman kung kaya mo na diba? Minsan kasi kailangan rin kitang bitawan para makaya mong ibalanse yung sarili mo. Kung natumba ka man, atleast may natutunan ka diba at kahit nagkasugat ka, ngayon alam mo na kung ano yung gagawin. Tsaka kahit ilang beses ka man matumba asahan mo dito lang ako sa tabi mo na magpapatayo ulit sayo"
"Eh paano kung matumba ulit ako at wala ka?"
"Edi wag kang gumawa ng isang bagay na ikaw lang mag isa, isama mo ako lagi."
"Tungkol pa ba sa bike itong topic natin?"
"Medyo??"
"Che! Galit ako sayo binitawan mo ako, yan tuloy nagkasugat ako!"
"Ohsige ito na lang. Lilibrihin na lang kita ng ice cream tapos quits na tayo?"
"Ano ako bata??"
"Eh yan daw dapat eh!"
"Sino nagsabi? Mga ex mo??"
"Hindi, kapatid ko. Kung umiyak daw yung babae, bilhan ko ng ice cream."
"San ka naman makakabili dito?"
"May alam ako, tara puntahan natin?"
Binalik namin ni Vash yung bike na ni rent namin at sumakay na kami sa kotse niya. habang daan, ginagamot ko naman yung siko ko na nagkagalos.
"Siguraduhin mong masarap yung ice cream nila ha?"
"Opo mam. Ma bebrain freeze ka sa sarap."
Ng nakarating na kami sa isang shop sa may Makati binasa ko yung pangalan ng shop.
"ORGASM DELIGHTS ICE CREAM SHOP"
"Seryoso Vash dito talaga?" Ako
"Masarap ice cream nila dito at marami pang flavors."
"May nadala ka na bang babae dito?" Tanong ko.
nangunot noo ni Vash tapos ngumiti rin agad.
"OO, ikaw."
Pagpasok namin sa loob ng shop medyo maraming kumakain na puro mga lovers/couple. Kaya pinaghintay muna kami ng mga 5 minutes para may maupuan. Ng naka upo na kami, kinunan na kami ng order ng waitress.
"Mint choco parfait and orgasm burger niyo Miss." Sabi ni Vash sa waitress
"How about you babe?" Baling ni Vash sa akin
"Ice cream" Sagot ko.
Ngumiti si Vash at pinagpatuloy yung order niya.
"Overload delights yung para sa kanya Miss."
"Sir baka gusto niyo pong itry yung new menu namin. It is called THE ORGASM OVERLOAD DELIGHTS, bali po 20 scoops of different flavors of ice cream po siya tapos may mga creme and toppings po. Actually po 20 scoops challenge po siya para narin po sa one year anniversary namin. Kung maubos niyo po within 30 minutes, magiging first title holder po kayo, tapos libre na yung ice cream, pag hindi naman eh, babayaran niyo lang po ng 900 yung ice cream. Tsaka may VIP card na po kayo pag nanalo kayo, sa VIP card po may mga discounts yung bibihin niyo." Waitress
Biglang nagpanting yung tenga ko. Tama ba yung rinig ko? Pag naubos mo eh libre???
Sasagot na sana si Vash ng inunahan ko.
"Sige Miss. I'll take that challenge." Ako
"Seryoso mam?" Tiningnan ako ng waitress mula ulo hanggang paa.
"OO, bakit?"
"Babe. Di mo kayang ubusin yan." Vash
"Wala ka bang tiwala sakin?" Sagot ko kay Vash
"Meron, pero baka sumakit niyan tyan mo."
"Hindi. Sige Miss, I'll take the challenge."
Na eexcite ako. Makakatikim na ako ng ice cream, marami pang freebies! Diba!
After some minutes. Lumapit yung manager sa amin.
"Sure po kayo mam na kayo mag ttry? Paalala lang po, wala pa po ni isa naka sungkit ng title."
"Sure po ako!"
"Eh Mam, ang liit liit niyo po kasi." manager
"Wala ka ring tiwala kuya? Pag na break ko yang ice cream niyo na yan, libre ice cream ko for 1 month??"
"Sige po ba. pag hindi doble yung bayad niyo sa challenge na to. Game po??" Manager
"Yes Kuya!"
Tumingin ako kay Vash na tahimik lang na nagmamasid.
"Pag ako nanalo. Humanda ka."
"Goodluck kiss you want babe?"
"Ibigay mo na lang sakin pagnanalo ako." At kinindatan ko si Vash.
Nag announce naman yung tusong manager.
"Hi everyone. As you can see, this lady in my right just accepted the challenge of Orgasm Overload Delight. Kung mauubos niya yung ice cream within 30 minutes siya po ang kauna unahanh title holder natin! So let's give it up to her."
Binigay ng manager sakin yung mic. Magpakilala daw.
"Hi, I'm River and I'm willing to take the challenge."
Yan lang yung sinabi ko. Nakakahiya kaya kasi andaming tao na nakatingin sa akin. Si Vash naman nakangiti lang tas nakatingin lang sakin.
"Wala bang Good Luck message kay boyfriend?" Manager
Binigay ng echoserong manager yung mic kay Vash
"Good Luck baby, I know you will win."
Napangiti ako. Sa simpleng sinabi lang na yun ni Vash ay parang naanod yung puso ko sa pacific ocean.
At inumpisahan ko na ngang lantakan yung ice cream. Sobraaaaaang nakaka umay kaya paminsan minsan humihingi ako ng tubig. Yung una, sakto lang yung galaw ko pero habang palapit ng palapit yung oras binibilisan ko ang pagkain. Si Vash naman andito sa harap ko, taga bigay sakin ng tubig.
"Babe, alam kong mauubos mo yan kaya just take your time."
"Parang di ko na kaya."
Reklamo ko. Nakakakabag sa tiyan at parang nag ice na yung panga ko sa sobrang lamig!
"Hindi kaya mo yan. Imaginine mo, pag di mo naubos yan, ilang milyon ng kabataan ang mga nagugutom kada minuto kaya dapat wakg mo yang sayangin!"
"Putragis ka Andrade, kinonsensya mo pa ako!"
"No babe, I encourage you to go on. Kaya yan!"
Nang medyo malapit lapit na yung time ay nilantakan ko na.
"5.....4.....3.....2......1" Sigaw ng mga tao
Hamakin niyo, pinahigop pa sakin yung sabaw ng ice cream!
Hiyawan lahat... Si Vash niyakap ako, pati ang kumag na manager humiyaw rin Paano, naubos ko yung ice cream kahit di pa 30 minutes. Kitams???
"At may record holder na po tayo! Courtesy of Miss River! Congratulations!" manager
"Sabi sayo eh!" Sabi ko kay Vash
Pinat niya yung ulo ko, pareho sa aso and then he said.
"That's my girl."
"Grabe sir.bilib po ako sa girlfriend niyo, hamakin niyo sa katawang yan na kulang na lang hipan ng hangin, nakaya niyang ubusin yung di matumba tumbang Orgasm Overload Delights! " Sabi ng manager kay Vash
"Kuya, narinig ko yun!" Ako
Tumingin si Vash sa akin at sinabi ang mga katagang mas nag pa umay pa sa akin..
"That's what I love about her. She keeps on surprising me."
Share your thoughts <3
xoxo,
NP
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento