Chapter 14:
River's POV
Walang pasok ngayon kaya andito ako sa bahay nakatambay. Mamayang hapon naman magkikita kami ni Rome, mabuti narin yun para iwas na lang kay Lindsey.
Simula kasi ng umuwi siya dito, nagulo na naman ang pamamahay. Yung isang kasambahay nga, nagkamali lang sa pagkuha ng inutos niya eh pinalayas na niya. Wala namang magawa sina Dad at Tita dahil baka si Lindsey na naman ang lumayas sa bahay.
Napag alaman ko rin na binenta pala niya ang condo unit niya. Di ko alam kung sa anong kadahilanan pero malakas ang hinala ko na dahil sa bisyo ng boyfriend nito. Addict kasi yung boyfriend ni Lindsey, ilang beses na siyang pinagsabihan nina tita na layuan pero matigas siya. Eh sa mahal niya daw eh, to think na wala pa silang isang taon!
Pag issue kay Lindsey di na ako nanghihimasok. Nakikinig lang ako pero never akong nag comment or sumali sa problema niya, at kung bakit ko ginagawa iyon? Iwas na lang sa gulo, don't get me wrong pero may concern rin ako sa kanya. Kaya nga umiiwas na lang ako.
And speaking of the devil...
Kinakalampag niya ang pinto ng kwarto ko. More like ginigiba. Di uso sa kanya yung mahinang katok eh. I opened the door for her. Pagkabukas na pagkabukas ay pumasok agad siya.
Balisa at di mapakali si Lindsey. Anong problema nito??
"May problema ba?" Ako
Tinitingnan ko si Lindsey na paroo't parito sa loob ng kwarto ko. Naka drugs ba to? Hinarap niya ako sa nanlilisik na mata. Nagulat ako pero syempre di ko pinahalata. Bangag eh.
"I need money." Lindsey
"What?"
"You heard me!!!"
OO, dinig ko, di lang ako makapaniwala. Kelan pa to naubusan ng pera? Di ba binenta nga niya yung condo niya??
"Give me your money." Lindsey
Wow! Bangko na ba yung role ko dito?
"Why?" I tried to ask lindsey. Baka mag open up siya diba?
"Just give me the fuckin money!!!"
"Give me a reason first."
Alam kong di ako lalapitan ni Lindsey kung di mabigat ang kinakailangan niya. And the way she acts in front of me, I know she has a big problem.
Maya-maya bigla na lang siyang nag break down. Naglupasay siya sa sahig ko at todo iyak. Di ko naman alam ang gagawin ko kaya nilapitan ko nalang siya.
"Hey, Whats wrong??" Ngayon ko lang nakita si Lindsey na ganito ka helpless and to think na hindi kami close. I hugged her.
"Are you alright?" Patuloy ko.
"Do you think I'm freakin' okay???"
Sabi ko nga eh. Bakit pa ba ako nagtanong? -_-
Ngayon lang kami ni Lindsey naging ganito ka lapit na medyo hindi nagbabangayan. Medyo lang naman.
"You can always tell me." I said
"Diego is in jail."
Di na ako nagulat. Palagi naman yun nasa kulungan eh. Ano pa bang bago? By the way Diego is is Lindsey's boyfriend.
"Why?"
"He killed somebody."
"Whaaaaaat?????" Ako na OA. Eh sa di ako makapaniwala. My G! Nakapatay na siya ng tao???
"I need to bail him"
"Linds I don't think that's a good idea."
I tried to be calm. Seryoso ba siya? Siya pa talaga mag papayansa sa ugok na yon???
"You don't understand!"
"Try to make me understand Linds."
"He will kill me kung di ko susundin ang kagustuhan niya!"
"Oh my gad!" Yan lang nasabi ko. Bigla kaming natahimmik ni Lindsey. Pwang yung pag iyak niya lang ang naririnig sa loob ng kwarto ko. Di ko alam anong sasabihin ko. Buhay na kasi ang nakasalalay dito.
"What now? Are you willing to help me?"
"Linds, we can always tell the cops about this."
"Do you think ganoon na lang kadali yun? Maraming galamay si Diego River at anytime gagalaw sila pag di ko ginawa ang kagustuhan niya!"
"Why did you end up with him Linds, marami namang nagkakagusto sayo ah?"
"As if I do have a choice. I love him. I do. Kaya ayokong mabulok siya don."
"Are you helping me or not??" tumaas boses niya
Biglang tumayo si Lindsey at bigla ring nag iba ang ekspresyon niya. From helpless naging mapanganib.
"I will, but..."
Ayokong dahil lang sa yun ang dahilan ni Lindsey eh tutulungan ko na siya agad. Nakapatay yung tao. Ano iisipin ko???
"What???" Aborido na ito ngayon.
I tried to look into her eyes pero umiiwas siya. Naka drugs ba talaga to?
"You don't deserve him Linds."
"Screw you!! wag mong sabihin kung sino at hindi deserving sa akin! Siya lang ang nagpakita ng pagmamahal sa akin! Kung tutulong ka dapat wala ka ng satsat!!"
Inumpisahan ni Lindsey na ipamato ang lampshade ko tapos pumunta siya sa harap ng dresser ko at pinagbabato rin sa sahig ang mga gamit ko. Shet! Yung mga collectibles ko na perfume!!
I tried to stop her sa pagwawala niya. Natigil lang ito nung sinabi ko na I will help her. Shet! -_-
"Give me 50 thousand." Lindsey
"What? San ako kukuha ng ganyang halaga??"
"Oh fuck your ass River, alam natin na may trust fund ka galing sa nanay mo."
I do have pero di ko pa magagalaw yun kung di ako mag tuturn 20. Next month pa ang birthday ko.
"Di ko pwedeng galawin yun."
"Edi yung pera ng tatay mo. Alam ko na binibigyan ka niya monthly ng pera pwera pa yung allowance mo kaya alam ko na malaki na ang savings mo."
"Linds. Di kasi ano-"
Paano ko ba sasabihin sa kanya na di ko rin pwedeng galawin yun dahil may access si dad doon??
"Tutulungan mo ba ako or you will let me die?? Just choose you bitch!"
"Okay, okay. I'll get the money right away!"
Ano pa bang magagawa ko??
After ng madramang nangyari sa amin ni Lindsey eh sumama siya sa akin na pumunta ng bank. Madrama talaga??
Pagkakuha na pagkakuha niya ng pera ni "Ha" ni "Ho" eh wala siyang sinabi. Nagmamadali siya umalis. Masama ba yung ginawa ko? Tumulong naman ako diba? Bahala na si Lindsey kung saan niya dadalhin ang pera basta nakatulong ako sa kanya. Okay na yun.
Umiiling iling naman si Rome, actually kasama namin siya ni Lindsey na nagpunta sa bank. Walang sinabi ang Lola niyo sa whole duration ng pagkuha namin ng pera ha. Nakatikom ang bibig. Alam ko na pag kami na lang magkasama eh aatake na parang machine gun na naman ang bibig nito. Nagtimpi lang siguro kanina dahil andyan si Lindsey pero if I know pinatay na niya sa isip niya sa kakamura si Lindsey.
"Alam kong may sasabihin ka kaya ilabas mo na, ikaw din, nakakamatay yan." Ako
"Ang laki mong tanga. Uto-uto ka talaga! bakit mo binigyan ng pera yun??"
"Kailangan niya eh."
"At ano ang rason?? Kailan pa nawalan ng pera yun??"
"Nakulong ang jowa eh, nakapatay kaya kelangang pyensahan.Kung di ko siya tutulungan siya daw yung patay sa Diego na yun"
I met Diego once noong birthday ni Tita Belinda. Dinala ni Lindsey sa bahay. First time namin siyang nakaharap at ang ugok lasing. Di na nahiya. Nung pinakilala siya sa akin, he insisted to kiss me kung di lang dahil kay Dad na umawat baka nga nahalikan nun ako. Sa harap pa ni Lindsey!!
"Gad River! And you actually believed her?? Napaka uto-uto mo!"
"I tried to help."
"Ewan ko sayo Yan problema sayo, para di na humaba yung usapan, sumusuko ka na lang. Tsk."
Di na ako nagsalita pa. Tama naman kasi si Rome. Biglang nag ring ang phone ko. At napangiti ako. Namiss ko ang mokong na to ah.
I answered it.
"Hey. Tingin ka sa likod mo."
Nagtaka naman ako. Tumingin ako sa likod ko, and then I saw him. Waving and smiling at me widely.
Binaba niya ang phone at lumapit sa amin ni Rome. And speakingof rome tiningnan ko ang gaga. Naka nganga.
"Why are you here?" I asked him as soon as he came closer to me.
"Bibili sana ako ng mga kitchen ware."
Natawa ako. At aanhin naman ni Vash Andrade ang mga kitchen ware?
"Why?" I asked after I stopped laughing
Kinamot niya ang ulo niya. Sign ito ni Vash pag nahihiya siya.
"I wanna learn how to cook para di naman ako mapahiya the next time you sleep again sa condo."
Sasagot pa sana ako ng biglang may malakas na suminghap. Tiningnan ko si Rome na pabalik balik ang tingin sa amin ni Vash sa nanlalaking mata. Parang may krimen lang kaming ginawa eh.
"YOU SLEPT WITH HIM????" Rome
"Huh? Yes?" I answered
"OH MY GAD. YOU USED NA BA PROTECTION??" Malakas na tanong ni Rome.
Napatingin ang mga taonng dumadaan sa paligid namin. Nakakahiya. Even Vash laughed. Napayuko na lang ako.
"Hindi ganun yung tinutukoy ko." Ako
"She slept with me but nothing happened." Vash
Feeling ko namula ako. Parang wala lang ako sa harap nila eh nuh?
"Kayo na ba?" Rome
"NO!!" Sabay naming sabi ni Vash
Nagulat naman ata si rome sa reaksyon namin pero ngumiti rin ang gaga pagkatapos.
"Paano ba yan sis, next time na lang tayo mag malling? nandyan ang prince mo eh."
"Ha? Hindi-" Tanggi ko pero nagsalita ulit si Rome.
"Naalala ko bigla, kailangan ko pa palang bilhan ng shampoo ang babies ko. Kaya ciao!"
"Samahan na kita." Ako
"Wag na, paano si lover boy? Kaya ko na noh. Samahan mo na yang bumili ng kailangan sa kusina niya. Para naman matikman mo yung luto niya."
Sa pagkasabi nun ni Rome parang may ibang pahiwatig pa eh. Di na ako umimik. Humalik na kasi ang gaga sakin. At hahalikan pa niya sana si Vash ha! buti na lang umiwas yung huli. natawa na lang ako.
So, I'm with Vash na. Spell A-W-K-W-A-R-D..
"Ahm. Tara?" Ako
"Gala muna tayo baby." Malambing na sabi sakin ni Vash
Napapansin ko ha. Endearment na ba ni Vash sakin yung Baby? Kung di Baby, Babe. Psh -_-
Bago pa ako makasagot eh inakbayan na niya ako at nagsimula na siyang maglakad. Ano pa bang magagawa ko? Edi sumunod.
Nag ikot ikot kami hanggang sa pumasok kami sa isang shop. Bibili daw siya ng boxers niya. pagkapasok namin eh hinayaan ko siya na bihin yung kailangan niya habang ako naman ay pumunta sa may girl's section ng shop at nag pili pili rin.
Lumapit si Vash sa akin at may hawak na mga tatlong boxer shorts at dalawang shirt.
"Which one do you prefer?" He asked me.
Ako pa talaga tinanong niya eh wala akong alam sa mga ganyan!
"Bakit ako tinatanong mo eh wala akong alam jan."
"Eh Babe naman eh, saan yung bagay sakin?"
"Wala na bang iba?"
"Actually meron pa dun. Tara? Ikaw na lang pumili."
Pumunta kami kung saan nakalagay ang mga underwares ng lalaki. Nakaka ilang. Pinagtitinginan ako ng ibang mga lalaki na bumibili. Nakakahiya -_-
Inakbayan na naman ako ni Vash.
"Ano baby, may nahanap ka na, na bagay sakin?"
Nagtingin tingin ako and I came up to 3 boxer shorts. Yung kulay eh isang white na plain, isang blue na checkered at black pero di ko muna binigay o pinakita kay Vash kasi busy rin siya sa kakahanap. Binalik niya kasi yung una niyang nakita ng sinabi ko na di ko type.
Pinagmasdan ko siya. Ang pogi niya talaga. lolo na ngayon na naka simpleng V-Neck white shirt lang siya at nakapantalon. bakat ang muscles. ang HOT niya!
Pinagtuunan ko ng pansin ang pagpili ni Vash ng bibilhin niya. There's a study that shows daw kasi na you should pay attention the way a guy shops. If he continues to search for other options even after finding the perfect one, he's what we called "maximizer". Maximizers daw experience less passion, intimacy and commitment in relationships, and that they're less interested in marriage pero pag baliktad daw eh "satisfier". Satisfier eh yung pag naghanap at may napili na tapos bibilhin niya na without considering on finding another one eh yun daw yun.
Napaisip ako. Is Vash a "Maximizer" or a "Keeper" ?
Tumalikod ako ng humarap siya sa akin. May nahagip ang mga mata ko and an idea came into my mind. Kinuha ko yung nakita ko. Balak ko na isama yun sa pinili ko para kay Vash alam ko kasi na bagay sa kanya yun. Haha
Maya-maya lumapit siya sa akin. Binigay ko naman sa kanya yung pinili ko. Biglang nangunot ang noo ni Vash ng nakita niya yung pinili ko. Ngumiti naman agad ang loko. mukhang natuwa pa.
"Do you want me to wear this one?" Vash na winagayway yung isa sa mga napili kong boxer shorts.
Tumango ako. Pinipilit ko na wag ngumiti pero di ko mapigilan. Imagine Vash wearing a spongebob boxer shorts! Hahaha. Imba!
"Okay lets buy lahat ng napili mo." Inakay niya na ako papuntang counter.
Di na niya papalitan yung pinili ko? Hanggang sa nakabayad siya eh tinitingnan ko lang siya. Parang kilala nga siya ng cashier eh kasi nung si Vash na yung babayad parang kinikilig. Naman!
Palabas na kami when I asked Vash. "Di mo na papalitan yung pinili ko?"
"Di na, okay na to. Maganda nga eh."
Napangiti ako ng lihim. So Satisfier pala si Vash? Eh bakit napaka babaero niya??
Lumabas na kami ng shop at napatingin ako sa oras ko, ganoon din si Vash, 4PM pa lang.
"Lets watch a movie baby." Vash
"Ha? Seryoso ka?" Ako
"Yup."
Pumayag nalang ako. Bakit naman ako aayaw eh first time kong manunuod ng movie na kasama lalaki at si Vash pa. Well, pwera na lang kay Rome.
Napagpasyahan namin ni Vash na Romantic comedy yung panoorin namin. At first gusto niya horror para daw pagnatakot ako eh yayakapin niya na lang ako. Ako naman gusto ko animated eh ayaw niya dahil pambata daw kaya eto na lang.
Pagpasok namin. Edi madilim. Di pa naman nagsisimula. Pinasya namin na sa may bandang likuran. Pero di sa pinaka likod ha. Maganda kasi ang view pag sa taas. Hawak ni Vash yung drinks namin habang ako popcorn.
Paakyat na kami ng nahagip ng mata ko ang couple na naghahalikan sa may right side ko. Umiwas ako at tumingin sa may left side ko at nakita ko na may naghahalikan rin. Tiningnan ko si Vash at ang hudyo eh nakatingin din pala sa left side namin.
Pagka upong pagka upo namin eh inakbayan agad ako ni Vash. Takot atang mawala ako eh. pinasandig niya ako sa may bandang dibdib niya kaya parang medyo inantok ako. Haha
Pero biglang bumulong si Vash sa akin.
"I always wonder why couple kiss inside the movie house."
"Ako rin" Sang ayon ko.
OO nga naman. Bakit nga ba diba?
tumahimik na kami ni Vash dahil nagsimula na yung movie. Kalagitnaan na ng movie ng biglang naghalikan yung bidang guy at babae. napalunok ako. Nakaka ilang naman nito.
Napatingin ako sa gawi ni Vash, at naka tingin din pala siya sakin. Umiwas agad ako. The way Vash looks at me parang may laman eh. Parang may pinapahiwatig.
"Maybe we should try." Biglang sinabi ni Vash
"Try what?" Maang kong tanong. Anong ibig niyang sabihin?
Nasagot lang ang tanong ko ng nagsalita ulit si Vash.
"Kissing inside the cinema house."
At bago pa ako makasagot eh hinalikan na niya ako. At first it was a slow and passionate kiss hanggang sa I felt Vash's toungue is seeking for entrance and I opened my mouth for him. Sinabayan ko ang paghalik niya.
Nakaka thrill pala ang ginagawa namin. I'm afraid we might get caught but what the heck eh sa masarap humalik tong lalaking to eh.
Ganito din ba kaya nararamdaman ng mga couple na naghahalikan sa loob ng sinehan? Parang may mga daga na nagpapaligsahan sa dibdib mo at parang may shaker ang tiyan mo?
At teka nga di naman kami couple ni Vash ah?! Tumigil siya bigla. Pero di parin lumalayo yung mukha niya sa mukha ko. Kiniskis niya yung mga ilong namin sabay sabing...
"I'm beginning to like you River."
Pwedeng sumigaw sa kilig????? Hahaha.
Isa lang masasabi ko. Iba na tong nararamdaman ko sa lalaking to. Sa simpleng sinabi niya parang naalog ang mundo ko. Anong meron itong Vash Andrade na ito at bakit nagagawa niyang isipin ko ang alam ko na bago sa pakiramdam ko.
I am beginning to fall for him but I'm afraid he might not catch me. After all, Vash Andrade is not capable in loving someone.
Di ba nga, lahat ng babaeg dumaan sa buhay niya eh flings lang. No commitment whatsoever, kumbaga part time lang at ayokong mapabilang ako doon.
I want something more than that. Something that can change the womanizer..
Share your thoughts <3
xoxo,
NP
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento