Chapter 21
River's POV
Balik na kaming Manila ngayon. :)
Ewan ko ba, after ng namagitan sa amin ni Vash mas lalo kaming napalapit sa isa't-isa. Amin ko na mahal ko na siya. Pero di ko alam yung nararamdaman niya. Pero kung ano man ang mayroon kami ngayon. Tanggap ko, at sana forever kaming ganito.
Yung sweet, masaya, parang inlove. Basta!
Well, andito ako ngayon sa may rooftop. Prelim kasi namin kaya aral-aral rin. Bumili lang ako ng pagkain at diretso na dito. Konti lang ang napapadpad dito sa rooftop kasi konti lang ata nakaka alam na may ganito sa school. Nilagyan kasi nila ng STUDENTS NOT ALLOWED na sign sa may hagdan papunta dito pero dahil likas akong rule breaker eh pumupunta parin ako dito. Masarap kasi ang hangin, masarap matulog.
Busy ako sa pag-ubos ng chuckie ko ng biglang bumukas ang pinto ng rooftop at iniluwa si Hiro :)
Alam niyo ba ng dahil sa pagkahumaling ko kay Hiro noon ay napadpad ako dito at nalaman ko na ang lugar na ito ay nag-eexist?
I smiled at him.
"Bakit ka nandito?" Hiro
"Wala, di kasi ako makapag-aral ang kulit ni Vash." Ako
"So, finally, kayo na talaga?"
"Di ko alam eh. Why?"
"Sinabi samin ni Vash na may namamagitan sa inyo. Pero indirect ang pagkakasabi niya."
Tumango ako. At lihim na napangiiti. Grabe, si Vash sinabi yun??
"Tinamaan talaga ata ang loko sayo." Patuloy ni Hiro
Napaharap ako sa kanya. Is he serious??
"Paano mo nasabi?"
"Kasi ngayon lang namin nakitang nagkaganyan sa babae yan. Lucky you."
"Lucky me?" Parang noodles ah
"Kasi sa dinami dami ng babae niya ikaw lang ang nakapag patino."
Di na ako nag comment pa. fresh pa kasi sakin yung nagyari sa bar noon. Di malabong di gawin ni Vash ulit yun.Siya pa? Kaya nga medyo nangangamba rin ako.
Mukhang nagets atani Hiro ang laman ng isip ko kaya nagsalita siya.
"Give him a chance River. Di madaling magbago at kalimutan ang nakasanayan. Sa estado ni Vash di malabong marami ang maghahabol sa kanya but just trust him."
"Ikaw nakalimutan mo na ba yung dating buhay mo?" Pag-iiba ko sa topic
Ngumiti si Hiro tas tinuro ang dibdib sabay sabing
"Kapag tinamaan ka na dito, gagawin mo lahat para sa taong yun, kesyo kalimutan mo ang dating ikaw para sa kanya, gagawin mo. Wag lang siyang mawala sayo."
"Swerte naman ng babaeng yun. At sana talagang nagbago kana. Sos ikaw pa, kambal tuko kayo ni Vash pagdating sa babae eh."
"Ewan ko ba kung swerte siya or malas. Long distance kasi kami. Tsaka di pa naman kami. Ewan ko ba dun kung kelan ako sasagutin." Natawa pa si Hiro
"Alam mo naman ang mga babae, pakipot. maghintay ka lang. Malay mo, worthy naman ang paghihintay mo." :)
Tinitigan ako ni Hiro. Yung titig na sobrang nakaka ilang.
"May dumi ba ako sa mukha?"
"Wala. Its just, ang laki kong tanga na di ka man lang pinagtuunan ng pansin noon. Don't get me wrong but I like you before pero wala lang akong guts na sabihin at iparamdam sayo."
"You liked me??" 0_0
Ohmygee! All along may feeling pala si Hiro sa akin?? Shocks!
He laughed baka dahil sa reaksyo ko.
"Yep. But it was before, Committed ka na at wala na akong chance pa sayo."
"Wait, I don't know what to say.."
"You don't have to. Masaya narin naman ako kay Venice eh." :)
"Alam mong may gusto ako sayo noon diba??" I asked
"Yup. And the feeling was mutual."
WAS.. So it means, hindi pala unrequitted ang love ko kay Hiro?
"Bakit di ko naramdaman? And why are you telling to me this now?"
"Kasi ayokong malaman at maramdaman mo. Ayokong masaktan kita. You know me well Riv at ayokong masaktan ka ng tulad ko, tsaka di pa naman ako sure noon sa feelings ko sayo"
"So bakit ngayon mo to sinasabi sakin?"
"Dahil baka magbago ang pananaw mo at bumalik ang nararamdaman mo sakin?" He seriously said
"Do'nt tell me.....??"
Di ko masabi yung gusto kong sabihin. Napapikit ako at napamulat bigla para makita ang nakahalakhak na si Hiro.
"I'm just joking Riv. Patay ako kay Vash pag tinalo ko siya aat mas lalong patay ako pag niloko ko kapatid niya!"
Tinapon ko kay Hiro ang librong hawak hawak ko pero ang hudyo naka iwas.Shet! Muntik na akong maniwala doon ah??
At wait? Kapatid niya?? Kapatid ni vash????
"Kapatid ni Vash?" Ako
"Yup. Si Venice yung nililigawan ko. Di mo alam?? Yung kapatid ni Vash. Sabi niya nag meet kayo?"
Yes Venice! Sino ba makakalimot kay Venice? So siya pala yung nililigawan ni Hiro? bakit di sinabi ni Vash sa akin?
"Adik." Yan lang nasabi ko.
Biiglang nag ring ang phone ko. Si Vash nagtext.
"San ka?" Vash
I replied "School."
Agad naman siyang nagtextback. Grabe tong lalaking to, Nasasanay na atang magtext. Lagi kasing tumatawag si Vash, tinatamad daw siyang magtext eh pero ng sabi ko sa kanya na tinatamad akong sagutin tawag niya eh nasanay na lang sa text.
"where exactly sa school? I'm here sa cafeteria. Almost lunch na. Remember what we agreed on?"
Astig rin tong si Vash magtext, Walang shortcut. Lalaking lalaki ang dating. Di gaya ng iba na mga jejemon at maraming ka aek anekan kung magtext.
"Puntahan kita jan." reply ko
Humarap ako kay Hiro after kong mag text kay Vash. Nagets niya naman ata na si Vash yung katext ko.
"Paano una na ako?" Ako
"Sige ingat."
nakahakbang na ako ng magsalita ulit si Hiro.
"Jokes are half meant right? I reaaly like you Riv pero wala akong balak na guluhin ka, kayo tsaka wag na sana maka abot kay Vash to."
Parang nalunok ko ata ang dila ko. Sa tinagal tagal kong inasam na sabihin sakin ni Hiro yan, bakit ngayon pa? Ngayon pa na may isang Vash Hendrick Andrade na sa buhay ko?
"paano si Venice?" I managed to ask
"I love her, I do. Pero ngayon na may nagmamay-ari sayo. Ewan. I'm confused."
"Don't be Hiro. Siya yung mahal mo. Mawawala rin yang nararamdaman mo."
"I've kept this feeling more than a year now. But wala akong intensyon na guluhin ka. Forget about what I said at sana...sana... wag magbago pakikitungo mo sakin."
I smiled and then i left. Di ata kinaya ng pigtails ko ang rebelasyon ni Hiro. Shet! At bakit todo tibok tong puso ko?????
Don't tell me may feelings pa ako kay Hiro?
Posible yun, sa tinagal tagal ko bang pag alaga sa kanya dito sa puso ko...
Ohmygee. Ano ba itong iniisip ko?
Paano si Vash? At bakit nawiwindang ako sa sinabi ni Hiro??
Share your thoughts,
xoxo
NP
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento