Chapter 11:
River's POV
"Sige Riv. Mauna na kami ha?"
Sabay na sabi ng mga kasama ko sa team. Kakatapos lang kasi namin ng practice. At ngayon pauwi na sila after ng shower.
"Sige girls! ingat!"
"Okay ka lang ba dito? pwede mo naman bukas gawin yang bulletin board ng Tourism Department eh." Lyka
Si Lyka kasama ko rin sa team.
"Wala na kasi akong time na bukas pa gawin yung board tsaka last week pa yan inutos sakin. naturingan pa naman na officer sa TSS." Paliwanag ko.
TSS stands for Tourism Students Society. Offcer ako dun at ako yung inatasan na mag dedesign ng bulletin board namin. Nagawa ko narin naman siya actually. Ikakabit ko na lang talaga sa wall.
"Samahan ka na namin?" Lyka
"Nako wag na. Alam ko naman na pauwi na kayo tsaka ikakabit ko na lang naman to."
"Sure ka ha? Past 8 na kasi. May sasakyan ka ba?"
Alas otso na kasi tinigil ni coach yung practice namin kaya di ko nagawa yung bulletin board.
"OO. Dala ko naman eh. Kaya ko na to. Sige na mauna na kayo. Alam kong mag cocomute pa kayo. Ingat!"
Nagpaalam na ako. Papunta na akko ngayon sa kotse para kunin yung ikakabit ko. Medyo konti na lang yung tao. Sa pagkaka alam ko hanggang 9 lang yung night class dito sa school. Marami rin atang nagpapractice kaya okay lang.
Pagkakuha ko ng board ay nagderetso na ako sa building namin para matapos na at maka uwi na ako.
"Hay! At sa wakas natapos ka rin! Grabe."
Di ko namalayan yung oras lampas Ten PM na pala!
"Hala! Di ko namalayan yung oras. Tiyak hinahanap na ako sa bahay. Bayan!" Kinapa ko yung phone ko sa bulsa ko pero ang laking tanga ko dahil iniwan ko pala yun sa loob ng kotse.
Baka magalit sina Dad dahil di ako nag contact sa kanila na gagabihin ako! Malas. Pinasya ko na lang na tumungo sa parking lot.
Habang naglalakad, nagpalinga linga ako if may mga estudyante pang natira but unfortunately, sa building namin wala na. Ako na lang ata yung mag isang nakatambay dito. May mga estudyante pa naman kaso konti na lang. Sa may left wing ko pinark kanina yung kotse dahil as always puno yung harap. Yung left wing eh yung bulidinng ng mga taga Bus.Ad. Nila Vash.
Habang daan. Medyo wala narin namang mga tao. Creepy pa naman dito sa may left wing sabi nila. may white lady daw sa may buliding nila Vash eh! Binilisan ko yung paglalakad ng may humigit sa akin. Di ko napigilang sumiigaw.
"Easy lang." Lalaki
Di ko siya kilala kasi nasa may likod ko siya at di ko nakikita yung pagmumukha niya. Naramdaman ko yung matulis na bagay sa may tagiliran ko. Gad!
"Ano pong kailangan niyo?" I managed to asked.
"Wag kang kikilos ng laban sakin dahil tiyak na bubutasan ko tagiliran mo. Akin na yung pera at cellphone mo." Diniin niya ulit yung hawak niya sa akin.
"Wala po akong dalang wallet at phone dito, kung gusto niyo po, kunin muna natin sa kotse ko. Please wag niyo lang po akong saktan." Pagmamaka awa ko. Di ko mapigilang umiyak.
Kung bakit kasi nagpagabi pa ako. Di ko inalintana yung oras. Di ko rin naman inakala na mangyayari to. Grabe, paano siya nakapasok sa school namin? Or baka isa sa mga school personnel rin to? Base sa boses niya, hindi siya estudyante.
Kinapa ng lalaki yung bulsa ko, pati yung buo kong katawan habang nakayakap siya sa likod ko. Tangna. Nandidiri ako. Ng wala siyang nahanap tinulak niya ako pero hawak niya parin ako sa kamay.
"Wag mong tatangkaing tumakas dahil hahabulin parin kita. Sige, ituro mo kung nasaan kotse mo!"
Vash's POV
Nakakabanas si Seb. Iniwan ba naman yung draft namin ng baby thesis sa classroom. Kailangan ko tuloy balikan sa school para kunin at para ipagawa sa iba.
Kung di niyo alam, Kaklase ko si Seb. Fourth Year na kami at ang course ko Business Ad major in Marketing. Ganoon rin si Seb. Si Hiro Engineering yan. Si Warren naman PolSci. Tinahak ang daan ng ama.
Pabalik na ako sa kotse ng may makita akong magsyota. Mukhang nag aaway kasi tinutulak ng lalaki yung babae. Hay! Women! So Clingy. Hinayaan ko na lang. Problema nila yan eh. Pero nagulat ako ng biglang natumba yung lalaki. Parang tinuhod ng babae between his thigh.
And the girl really looks familiar habang palapit siya sa may paanan ko.
"River?????" I shouted
Mas lalong tumakbo yung babae. Di ako sure kung si River siya. Kung hindi man, edi tutulungan ko parin ang babaeng to. Looks like she's in danger.
Ng nakalapit na bigla siyang napaluhod. Agd ko naman siyang dinluhan.
"Hey Miss. Something wrong?"
"Help Me."
Biglang napaangat ang mukha ng babae. Swear to God. daig ko pa yung nakakita ng multo nung napag alaman ko kung sino ang babaeng naka yuko. Di ko alam kung anong gagawin ko ng yung mukha ni River ang nasilayan ko. Puno ng luha mukha niya at may dugo pa sa gilid ng labi. Gad! what happened to her? Ni Rape ba siya? Shit!
Basta ang alam ko, gusto kong patayin yung lalaking may kagagawan sa kanya nito.
"Vash?" Gulat na sabi ni River. Di siguro makapaniwala na ako ang nasa harap niya.
"Don't worry baby, You're safe now. Just stay here. And ask someone for help."
Hinalikan ko si River sa ulo bago ko kinuha yung phone ko sa bulsa ko. Dinial ko yung number ng security outpost dito sa school. Binigay ko yung phone kay River na hanggang ngayon ay nanginginig parin.
"Calm down babe. I'm here." Tiningnan ko yung lalaking gumawa kay River nito na ngayon ay nakatayo na at naka ambang tumakas.
Narinig ko naman na kausap ni River yung security sa phone ko. hahabulin ko na sana yung lalaki ng nagsalita si River.
"Vash, wag na, may dala siyang kutsilyo. Baka mapahamak ka!"
"Kaya ko to. I will just teach him some lesson he will cherish forever."
Bago pa makasagot si River ay tumakbo na ako. Nahabol ko rin ang kumag na iika ika sa pagtakbo. napuruhan ata ni River.
"At saan mo balak pumunta ha?" Hinigit ko sa kwelyo ang lalaking to at inundayan ng suntok.
Nagsuntukan kami. Natamaan niya ako ng isang beses pero kaya pa. Matagal tagal narin akong di nakaka suntok kaya pinuruhan ko na. Di ko lang inaasahan ng may inilabas siyang kutsilyo.
"Ngayon takot ka? tingnan natin ang tapang mo, pretty boy!" Lalaki
Uundayan na sana niya ako ng saksak ng biglang dumating ang mga security guards sakay ng patrol car nila.
"Sir Vash. Pasensya na po kayo. Idederetso na lang po namin to sa presinto para masampahan niyo ng kaso. At yung girlfriend niyo po pala, pinuntahan na ng mga kasama ko."
Girlfriend? Biglang nag sink in sa mind ko yung mukha ni River na luhaan. Tumalikod na ako.
Mas kailangan ako ni River ngayon.
"Kayo na bahala diyan. siguraduhin niyong di makatakas yan." Sabi ko at inumpisahan ko ng tumakbo.
Nakita ko si River. Nakatayo na ito ngayon at kasalukuyang hinahayag yung nangyari kanina sa isang security guard.
Ng maramdaman niya atang malapit na ako sa kanya ay tumakbo siya palapit sa akin.
And then she hugged me tight...
At first nagulat ako, pero ginantihan ko rin yung yakap niya.
"Shhh. Baby. Stop crying na. Safe ka na." I told her while I continue giving kisses on her head.
"I'm scared Vash. Akala ko mamamatay na ako ng dahil sa kanya."
She continued to cry.
"Di ko hahayaan yun. I won't let anything harm or hurt you."
"Ahm. Sir, excuse me lang po. ahm. Kukunan ko pa po sana ng ibang detalye tungkol sa nangyari si mam." guard
"Can't you see she's scared? At ano ba naman tong security system niyo? Dapat sinisigurado niyo ang kaayusan at ang di ikakakapahamak ng mga estudyante niyo." Singhal ko sa guard
Kung di dahil sa kapabayaan nila ay hindi dapat to mangyayari. they should ensure the safety of their students!
"Sorry po sir."
Inakay ko na si River papuntang kotse ko. sa lagay niya ngayon? I don't think she can drive her car.
"Please. higpitan niyo pa lalo yung security niyo. And we will leave her car here. Paki tingnan na lang po."
Pinasok ko si River sa loob ng sasakyan at sinuotan ng seat belt.
Ng makapasok na ako, hinawakan ko kamay niya at hinalikan.
"I'm here. I'll take you home. Baka nag aalala na sina Tito sayo."
Biglang humarap sa akin si River ang she held my hand.
"Don't take me home. Dalhin mo ako kahit saan basta wag lang sa bahay. Ayokong mag alala si Daddy sa akin pagnakita niya ako." Pagmamakaawa ni River sakin.
"I'll bring you home to my condo then. Gagamutin natin mga sugat mo. Okay?" Then I kissed her on the lips. Smack lang dahil may sugat siya sa labi.
Ng nasa condo na kami di ko alam ano gagawin ko. First time ko kayang magdala ng babaeng emotionally & physically unstable.
"Na text mo na ba sina Tito?" I asked River as soon as we got inside the condo
"Yup. Sabi ko kay Lyka ako makikitulog. Kasamahan ko sa Volleyball."
Tumango lang ako at kinuha ang medicine kit sa Cr. Habang ginagamot ko mga sugat niya di ko mapigilang titigan siya.
Ang ganda ganda niya talaga. Tanga si Hiro na hindi mapansin yung pinapakita ni River sa kanya. Bigla akong napatigil sa pagdampi ng towel sa mukha niya.
Tumayo ako at kumuha ng boxershorts at TShirt na medyo masikip na sakin. Ipapahiram ko kay River.
"Gamitin mo na" Binigay ko sa kanya yung damit.
"Pwede bang makiligo?" River
Napalunok ako. Sa pagkakasabi niya kasi parang nang seseduce.
"You want me to accompany you?" I grinned
"Sure."
Napaawang ang bibig ko. Kung gusto ni River, edi game! naintindihan ko lang ng tumawa siay ng malakas. Bipolar.
Di ko talaga maintindihan mga babae. Iiyak, nalulungkot, magdadrama at pagkatapos, tatawa as if doon nakasalalay ang buhay nila. Seriously??
"Loko. Pero Vash. Salamat ha? Kung di dahil sayo baka ano na nangyari sa akin kanina. I owe you a lot at ano.."
Bago pa niya madugtungan yung sasabihin niya ay hinalikan ko na siya. At first tinatantya ko kung lalayo siya pero laking gulat ko ng ginantihan niya ang halik ko. We were kissing like theres no tomorrow. Kahit mga kamay ko san na napadpad.
Pero nangibabaw parin yung self control ko. I break the kiss kahit labag sa loob ko.
"We better stop before we both regret what might happen again." I said
"Sorry." River
I kissed her again at kusa na akong tumayo. Mahirap na. Kung nandyan ang tukso sa malapitan Ikaw na ang gumawa ng paraan para layuan ito.
"Its ironic right? The same person who ignores you now, will somehow need you later." I smiled
Share your Thoughts,
xoxo,
NP
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento