Biyernes, Mayo 31, 2013

HLIB: Nathan Moments..


Chapter 15


<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><>


River's POV


4 AM pa lang andito na ako sa school. May early practice pa kasi kami sa volleyball dahil this wednesday na yung start na maglalaban laban ang bawat team ng iba't-ibang universities dito sa Manila kaya todo practice na kami ngayon.


Goal kasi namin na masungkit ang championship. Last year kasi champion kami kaya gusto lang namin na mapanatili yun.



"Ano ba naman to si Coach, 4 Am dapat sa school na, edi maaga pa ako umalis sa bahay." Reklamo ni Lyka. Sa pagkaka alam ko, mahigit two hours ang binabyahe niya araw sa pagpunta lang ng school.


"Tiisin niyo lang muna girls. Sige na punta na tayong gym para di sayang sa oras." Karen


Si Karen yung captain namin. Graduating na yan kaya parang pressured rin sa game.



"Hala, lahat pati pala football team ng school andito rin noh?" Hermela


Napuna ata ni Hermela na kasamahan ko rin sa team na may practice rin yung football team. Napatingin ako sa may field. At di ko mapigilang mapangiti pag naaalala ko si Vash.





Pagkauwi kasi namin galing sa panonood ng sine eh nagdiretso pa kami sa condo niya, di ko naman alam na andoon yung sister niya kaya pinakilala niya ako dito. Venice yung name niya at sobrang ganda niya! First Year college pa lamang siya at sa London nag-aaral taking up Advertising and Marketing Communications with Language.


Napaka classy niya at napaka sophisticated. Napag-alaman ko na babalik rin siya after a week sa london may pinuntahan lang daw siya na birthday  ng boyfriend daw nito last month at vacation na rin.

Natawa pa nga ako doon ng nagulat si Vash noong sinabi ni Venice na boyfriend niya na daw yung manliligaw niya. Kaya nga na curious ako kung sino tong manliligaw ni Venice. Halata naman kasi na may gusto na siya sa lalaking yun kaso si Vash napaka higpit.




Hinanap ko kung nag practice si Vash at di naman ako na dissapoint nung nakita ko na siya yung naglelead sa mga kasama niya.



"Sos.  Hinahanap mo si Hiro noh? Lyka



"Ha? Hindi ah?" Ako


Di nga sumagi sa isip ko na anjan din si Hiro. Hala! Oo nga noh?




"Iba na yung crush nyan si Vash na. Ayiee!" Ria



Napangiti ako ng binanggit nila pangalan ni Vash. Napaka echosera rin naman kasi nitong mga teammates ko. Sabagay, sila halos kasama ko araw araw dahil sa practice kaya alam na nila yung ibang nga bagay. Lalo na sa nararamdaman ko kay Hiro noon.


"Hindi ah. At bakit napasok si Vash sa storya?"




"Halata naman kasi na may something na sa inyo ni Vash. Hello! Ikaw lang kaya hinaranahan nun!" Hermela 



"Hala wala yun!" Tanggi  ko



Paano ko ba sasabihin to? Na after namin manood ni Vash ng sine eh palagi na kaming magkasama? Na walang araw na hindi kami magka usap sa phone at palagi akong nasa condo niya?



Ano na nga bang meron kami ni Vash?




Natapos ang practice. Natapos na rin kami sa pagshower at dahil tinatamad na akong umuwi sa bahay dahil alam ko na andun si Lindsey eh di na lang ako uuwi muna. Pinasya kong magtungo sa library at doon matulog.


Airconditioned kasi yung buong library tsaka close ko naman yung Librarian edi makikitulog ako doon. Mamayang ten pa kasi pasok ko. Eh 7 pa lang.


Pumwesto ako dito sa may pinaka gilid sa may gitnang bahagi ng library, di masyadong napupuntahan yung part na ito dahil sa puro medical books ang nandito.



At dala marahil ng sobrang pagod agad ako nakatulog.





Nathan's POV:



Back to school kaya balik na naman kalbaryo ko. Minsan tinatanong ko sarili ko, bakit ko pa gustong magdoktor edi halos buong buhay ko puro na lang aral.


Papunta ako ngayong library, magreresearch tungkol doon sa assignment ko, gagawin ko na ngayon dahil this week busy ako.  Birthday ko na kasi sa wednesday.



"Ahm, Miss, Saan nakalagay yung mga medical books niyo?" Tanong ko sa Librarian.


At dahil new student ako dito, hindi pa ako nakakabili ng books kaya no choice kundi pumunta sa library.



"Sa gitna, rightmost. Andoon lahat ng books ng medicine." Librarian



Pumunta na ako. Gutom pa naman ako dahil di ako nakapag almusal. Nagulat ako ng may babaeng nakahandusay sa may sahig. Lalapitan ko na sana ng marinig ko ang mahinang paghihilik niya.


Grabe, kababaeng tao, humihilik tsaka dito pa sa loob ng library niya pinasyang matulog.Sabagay, wala namang makakahuli sa kanya. Sa laki ba naman ng library na to.


Ng nakuha ko yung book na kailangan ko ay pinasya ko g bumalik sa librarian para mahiram to kaso di ko mapigilang tingnan kung sino  yung babaeng nakikitulog sa library.



Napangiti ako ng makita kong si River pala. Bakit dito  siya natutulog?


Umupo ako malapit sa kanya. At pinagmasdan ko siyang matulog. Ang cute niya pala.Haha! Medyo may tulo laway pa!


Di ko mapigilang kunan siya ng picture. Kinunan ko siya ng ilang shots at pinasya kong samahan na lang siya habang natutulog siya. Ginawa ko na lang assignment ko habang katabi siya.




Mga dalawang oras ko rin siyang binantayan at sa loob ng dalawang oras na yun ay di ko mapigilang titigan siya. Ligawan ko kaya to? May pag-asa kaya ako? Sobrang ganda niya, ang payat nga lang.



Ganyan ang mga iniisip ko ng biglang may nag ring. Alarm niya ata. At sawakas nagising rin siya.


Nagulat ata ng mapansing nasa tabi niya ako.



"Good morning!" Bati ko.



"Bakit ka andito?" River




"Sinamahan lang kita."



"Wala kang pasok?"




"Mamaya pa. Tara?"



"Saan?"



"Canteen. Ginutom ako sa kakaantay na magising ka."




"Hala. Sana umalis ka na lang, di ko naman kailangang bantayan eh."




"Hayaan mo na yun. Tara?"



Tumayo na ako at binalik ko na yung book. Tumayo narin siya at inayos niya yung sarili niya. Halatang bagong gising.



"Okay ka lang ba? Haggard na haggrad ka ah." Ako




"Gutom narin ako eh, pagod lang sa practice. Tara."




Andito na kami ngayon sa caf. Ako na nag order at medyo dinamihan ko yung iorder ko dahil alam kong pareho kaming gutom.


Pagkapag ko ng pagkain eh sumimangot siya.


"Fiesta ba? Andami naman ata nito?" River



"Diba gutom ka? At gutom rin ako kaya dapata nating maubos to."


Di na siya sumagot bagkus ay inumpisahan na niyang kumain. Kumain na rin ako.



Maya-maya pa ay nag ring yung phone niya at tiningnan niya muna kung sino tumatawag, napangiti siya tas sinagot niya ito.


"Andito sa caf." River


"Ha? Kumakain. Kumain ka na ba?" River



"Si ano, si ... Nathan.." River


Nakatingin lang ako sa kanya habang may kausap siya sa phone.


"Punta ka na lang dito." River



"Ah ganoon ba? Okay."


Nahalata kong nag iba yng emosyon niya kung kanina eh masaya ngayon parang lumungkot.


Natapos rin yung pag-uusap nila ng kausap niya sa phone.




"Ok ka lang?" Ako



"Ha? Ahh, Oo, si Vash kasi..." Simpleng sabi niya.



Nawalan ata siya ng ganang kumain.



"Pwede mong ishare sakin, makikinig ako."



"Wala, hayaan mo yun." Sabi niya pero halatang malungkot parin.


Boyfriend ba nito yung Vash? Lumungkot siya kasi bigla nung parang nag-away sila pero kanina pagkasagot niya eh ang saya niya.



"Ahm... Riv?" Pag-iiba ako




"Sa wednesday ha?"




"Ha? Ano sa wednesday?"




"Yung birthday ko."




Napasinghap siya. Nakalimuutan niya siguro na birthday ko.




"Hala! Anong oras ba ulit yun? may laro kasi kami. Hala sorry!"



"Sa gabi pa naman," Sana makapunta siya. Magiging masaya ako pag andoon siya.



"Sige, sige, pupunta ako. Salamat naman at gabi." Napangiti siya ng tipid.



At sa simpleng ngiti niya parang nagbigay naman iyon ng liwanag sa mundo ko.




Ligawan ko na lang kaya ito?





"May BF ka? If you mind. wag mo na sagutin."




"Ako? Haha. Wala. Baliw. Okay lang. Friends naman tayo."





Ligawan ko na lang siguro to. There's no harm in trying naman diba? Single naman pala siya at ako single rin. Maybe, just maybe, may pag-asa ako :) *Wink





Share your thoughts <3


xoxo,
NP

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento